Thursday, 30 June 2011

Chapter 2 - A Right Turn To Love

 “Bestt!Nawawala ung black notebook ko!” hindi mapakaling hinahanap ni Devs sa bag nya ito.
“Ha?Ito ba ung notebook mo na puro si Quen ang nakalagay?Hala ka Best baka si Quen naka kuha non patay ka na!hahah”Pang aasar nito kay Devs.
“Best naman eh!Kapag may nakakita non patay na ko noh!Hindi na matatakot sakin ung mga kakalase natin,mag mumukha na akong malambot nyan eh!”Naiinis na sinabi ni Devs habang patuloy parin sa pag hahanap. “Saan ko ba nilagay yon?” Pagkakamot nito sa ulo nya.
“Teka Best..”Napatigil si Coleen sa naisip nya. “Hindi ba ito yung binato mo nung isang araw dun kay Sam?”Takot na tinanong ni Coleen sa dalaga.
“Hala!Oo nga noh!Yun lang naman ang notebook na dala ko non.Patay tayo dyan!Lagot sakin ung mokong na yon kapag binasa nya yon!Ughh!” Pagsigaw na sinabi ni Devon at binato ang bag nya sa lapag.
“Oh!Ka aga aga nakakita ka nanaman ng rason para awayin ako?Para ka talagang bata!” Sabi ng boses ng lalakeng binata.
Napatigil si Devon at lumingon sa lalake. “HOY!”Pag sigaw nito. “Asan na ung black notebook ko ha?Binato ko sayo yon nung isang araw hindi mo man lang binalik sakin!” Inis na inis na sinugod ni Devon si Sam.
“Teka lang..” Sabi ni Sam na tila natatawa pa sa inaasal ng dalaga. “Kailangan nating mag usap.Ano tong nakita ko sa Notebook mo ha?Gusto mo pala si Qu-“ Natigil si Sam ng biglang takpan ni Devon ang bibig nito at pinagdilatan.
“Subukan mo” Pagbabanta nito kay Sam pabulong. Tumingin naman ito sa paligid para tignan kung sino ang nakikinig sakanila at ng mapansin na nakaka agaw na sila ng atensyon ay lumingon ito sa Bestfriend nya na tuwang tuwa sa nakikita nito.
“Ah Best may pag uusapan lang kami nitong manliligaw mo ha?Una ka na sa bahay namin  nandun naman si Ate,susunod nalang ako” Naka pekeng ngiti naman na sabi ni Devon habang hinahatak si Sam sa court ng school kung saan walang tao.
“Ikaw ha,nakakahalata na talaga ako.Ako talaga crush mo ano?Bakit mo ko dinala ditto?Para masolo?” Natatawang sabi ni Sam nung bitawan sya ni Devon.
“Pwede ba!Ibalik mo na nga lang ung Notebook ko at Ipromise mo sa akin na walang makaka alam nito!” Inis na sabi ni Devon kay Sam.
“Ano naman ang Kapalit?” Naka ngising tanong ni Sam kay Devon.
Tumalikod si Devon kay Sam at tila nagiisip ito. “Ilalakad kita kay Best”Pabulong nitong sinabi.
Bigla naman napatigil si Sam at tinignan ng mabuti ang babaeng nasa harap nya. “Si Devon ba tong kasama ko?” Tanong ni Sam sa sarili.
“Sigurado ka?Eh akala ko ba hindi yon pwedeng mag ka Boyfriend?”Tanong ni Sam kay Devon ng bumalik ito sa riyalidad.
“Sus,maniwala ka don.Sya lang naman nagbabawal sa sarili nya.Takot lang ma-inlove yon dahil ilang beses nan yang naririnig ung Ate nyang nasasaktan sa pag ibig pag ibig nayan!” Sabi ni Devon.
“Pano..”Hinarap ni Devon si Sam. “Deal?”Paglahad ng kamay nito sa binata.
Naka tingin lamang si Sam kay Devon dahil hindi ito makapaniwala sa ngyayari.
“Ganda pala ng eye lashes mo Devon noh?!” Wala sa isip na sinabi ni Sam kay Devon habang tinitignan ang dalaga na kina mula naman nito.
“Kung ayaw mo di wag!” Nainis na sinabi ni Devon at tinago ang namumulang mukha habang naglalakad paalis kay Sam.
“Oi teka lang!” Sigaw ni Sam kay Devon. “Ikaw talaga ang liit ng pasensya! Deal na!” hinatak nito ang dalaga at kinuha ang kamay.
“Namumula ka.Sigurado ka bang si Quen ang gusto mo?” Tanong ni Sam at sa galit ni devon ay pinalo nya ito sa tyan at muling lumakad.
“Ah!Oi teka lang!Labas muna tayo,treat kita!Dali na!”sinisigaw ni Sam habang hinahabol eto.
“Dali na panget!” Sigaw muli ni Sam
“Ewan ko sayo!” Sigaw ni Devon

Wednesday, 29 June 2011

Chapter 1 - A Right Turn To Love

CHAPTER 1 : PANI BAGONG BANGAYAN SA UNANG ARAW.

*Ring Ring*  ang unang hudyat ng break time nila sa unang araw ng pasukan.
“Buti nalang break na!Kanina ko pa hinihintay ito,baka hindi ko pa maabutan si Devon at Coleen sa  Cafeteria” Sabin ni Sam sa sarili sabay takbo palabas ng classroom.
“Sam iiwan mo agad kami unang araw palang?Tatagpuin mo nanaman ung dalawa ano?” nakangiting sabi ni Robi sa kaibigan.
“Oo nga naman,akala ko pa naman nakalimutan mo na ung babae na yon pagkatapos ng bakasyon,sya parin pala!”Dagdag ni Quen. “Hay nako hayaan mo na pare,mukhang malakas talaga ata tama nya kay Coleen eh” Tumatawang sinabi nito kay Robi.
Tumawa nalang din si Sam at binato sila ng unang makuwa ng kamay nya,Pencil case.
“Aray naman bro!”Tumatawang sinabi ni Robi.”Sige na umalis ka na baka hindi mo pa maabutan ung dalawa!”Pagtatabuyan nitong sinabi kay Sam.
Sabay naman ang takbo ni Sam sa Cafeteria at pilit hinahanap ng kanyang mga mata ang dalawang dalaga.Ng Makita nya ito na nakaupo sa isang tabi ay sabay naman nya itong nilapitan.
“Pinangako mo sa sarili mo na mapapasagot mo na si Coleen ngayon!Kaya mo to Sam!Ito na ang huling taon nyo dito!”Sinasabi nya sa sarili habang papalapit sa dalawang dalaga.
“Hey beautiful!”Masayang pagsabi ni Sam kay Coleen.
Tiningala naman ng dalawa kung san nag galing ang boses na ito at ng Makita ni Coleen kung sino ang nag sabi nito tila anghel ang pagtawa nito kay Sam na kina simangot naman ni Devon.
“Hay nako!nandito nanaman tong mokong na to!Pwede ba alam kong maganda ako pero wag ka naman parang linta dyan!”Naiinis na sinabi ni Devon kay Sam.
“Kapal mo panget!hindi naman ikaw ang pinunta ko dito”Sagot ni Sam sabay tabi kay Coleen at kinindatan ito.
“Best pigilan mo ko hahambalusin ko tong manliligaw mo!”Naiinis na sinabi ni Devon kay Coleen at tila sasaktan si Sam.
“Hep Hep Hep!”Pag pigil ni Coleen sa dalawa. “Best naman!Ka aga aga naghahanap ka na ng away!” Natatawang sinabi ni Coleen sa kaibigan.
“Oo nga Devs aga aga ako nanaman nakita mo!Kaya ka hindi nag kaka boyfriend eh,bakit hindi mo gayahin tong bestfriend mo,malambing na maganda pa!”Pang aasar nit Sam kay Devon.
Sa sobrang inis ng dalaga binato sya ng notebook nito. “Isa pa Sam!” Pagbabanta ni Devon.
“Kaw naman hindi na mabiro!Bakit ba galit na galit ka sakin?Siguro Crush mo ako noh?Aminin mo na kasi,Eh lahat ng babae dito sa school patay na patay sakin!Pero pasensya na ha?Ang bestfriend mo kasi ang Crush ko!”Mayabang na sinabi ni Sam at kinatawa naman ni Coleen.
“Ang hangin dito Best!tara na,hindi ko makaya eh!”Sinabi ni Devon na hahatakin na ang kaibigan paalis.
“Loko ka talaga Best!”Sagot ni Coleen sakanya. “Pero Sam pasensya na,sabi ko kasi sa magulang ko hindi muna ako makikipag Boyfriend hanga’t hindi pa ko nakakatapos ng High School.Sorry ha”Seryosong sinabi ni Coleen kay Sam na biglang lungkot naman ng binata.
“Narinig mo yon?Ang totoo Hindi dahil hindi pwede.Ayaw nya lang talaga sayo mokong!”Pang aasar na sinabi ni Devon kay Sam.
Tila natahimik ang binata,hindi nya alam kung ano gagawin nito.
“Sorry talaga”Sinabi ulit ni Coleen at tumayo na sa kina uupuan at hinatak na ang Bestfriend nya.
Bigla naman dumating si Robi at si Quen at nilapitan syang nakatulala sa kina uupuan nito.
“Kamusta,wala parin ba?”Tanong ni Quen kay Sam. “Sabi naman sayo tantanan mo na si Coleen eh.Lalo ng nandyan parin yang bestfriend nyang masungit!” Sabi nito kay Sam.
Napa tulala si Sam at nakatingin sa binato sakanya ni Devon na notebook.

**Guys lame ba?!hahah unang FF ko to kaya tulungan nyo naman ako tapusin to.Hindi nga pala to magiging mahaba kaya mejo mabilis ang storya.Comment lang! J

A Right Turn To Love - Teaser

Note: Ang mga pangyayari sa kwento ay katang isip lamang at hindi binabasi sa kwento sa tunay na buhay. Meron mang ngyayari na kinuha ko sa mga BTS ng SamVon.


Devon Seron: Isang maganda,matalino,simple,Boy-ish at Bestfriend ni Coleen Garcia.Ayaw na ayaw nito sa mga mayayabang na lalaki kaya naman galit ito sa taga pag hanga ng kaibigan na si Sam.Kinakatakutan din ito ng mga lalaki dahil sa kalakasan nito.May lihim na gusto kay Quen.
Coleen Garcia: Girly,Fashionista,lapitin ng mga lalake,matalino  at mabait.Malaki man ang kaibahan nito sa matalik na kaibigan na si Devon ay mahal na mahal nya ito.Lahat ng manliligaw nito ay dadaan muna kay Devon.
Sam Concepcion: Mayabang,MVP,Gwapo,Matalino,Magaling kumanta at sumayaw,Ultimate crush ng bayan,Chick boy pero patay na patay kay Coleen Garcia kaya naman gagawin nya lahat mapasagot lang ito.
Enrique and Robi:Matalik na kaibigan ni Sam.Para silang magkakapatid na hindi mapapaghiwalay.Partners in crime ni Sam lalo na sa mga nililigawan nito.

Anong gagawin mo kung ang kinaiinisan mong lalake ay patay na patay sa Bestfriend mo?Gagawin nito ang lahat para lang mapansin sya nito.The more you hate the more you love ika nga,Ano ang mangyayaring bangayan  sa bestfriend ni Coleen at sa Tagapang hanga nito?