Friday, 11 November 2011

Perfect Two - One Shot :)

Taping nila Sam at Devon para sa bago nilang teleserye na Angelito. Hindi naman mapakali si Devon dahil unang beses nya na makaka trabaho si Sam as  ka- Love team.

"Cut!" Sigaw ng Direktor nila kena JM at Charee. "Well done guys,break muna kayo.SamVon kayo na susunod kaya mag ready na kayo!" pinaalalahan naman ni Sir Ted sa dalawa.

Mas lalo naman bumilis ang tibok ng puso ni Devon ng marinig nya ito. "Hala pano na to!" paulit ulit na sinasabi ni Devon sa utak nya. "Kaya mo to,kaya mo to.."paulit ulit nya sinasabi sa sarili at naglakad lakad muna sa lugar na pinag sh-shootingan nila.Si Sam naman ay tahimik na nakikinig sa kanyang iPod ng biglang mapansin na nawala na ang dalaga.

"Devs?"Tanong nito ng makita ang dalaga na naka upo sa isang duyan na may pagkalayo sa mga tao sa taping.

"Ay palaka!" Gulat naman ni Devon ng marinig ang binata. "Samuel naman eh!" pag hampas ni Devon kay Sam.

"Aba!Naka hampas ka nanaman ah!Saka Samuel talaga?Ms. Devon May Natividad Seron,ano nnman ba itong minumukmok mo ha?" Pang aasar ni Sam sa dalaga at umupo sa tabi nito.Muli sa ginawa ng binata ay parang nakuryente si Devon at agad na umiwas magkadikit silang dalawa.

"Kinakabahan kaya ako noh!"Pag papaliwanag ng dalaga. "Ngayon lang ako nabigyan ng ganitong role...tapos ikaw pa ung ka partner ko." 

"Wushuuu miss mo lang si Jaime eh!"Pang aasar muli nito sa dalaga ngunit sa loob loob neto sya ay nag seselos na. "Sya parin pala" bugtong hininga ni Sam sa sarili nya.

"Hindi kaya!"Hinampas muli ni Devon ang binata. "Tignan mo nga kasi to oh!Unang scene natin may almost 'kissing scene' pa!" binato ni Devon sa binata ang script at tumayo patalikod dito,namumublema.

Natawa naman ang binata sa inaasal ni Devon at patuloy na inasar ito. "Bakit ka kinakabahan eh almost lang naman?" pinipigilan nitong tumawa.

"Eh kasi-" hindi natuloy nasabi ni Devon ang sasabihin dahil pagkalingon nya ay hindi inaasahan na nasa likod nya ang binata.Sentimetro nalang ang pagitan ng kanilang mga mukha.

"Parang ganto lang naman yan eh.."Mahinang binangit ni Sam at hinawakan na ang mukha ni Devon.

Hindi na napigilan ni Sam ang nararamdaman nya para sa dalaga. "Devs close your eyes and I will lean in to kiss you.Pero kung hindi,tatangapin ko na hindi ako ang gusto mo."

Natatakot si Sam sa gagawin ng dalaga,matagal na syang nalilink dito ngunit madalas ay off cam lang dahil sa iba't iba nila ka Love team On screen ay hindi nya mapakita ang lihim nyang pag tingin sa dalaga.Hindi rin naman sya sigurado kung ano nga ba ang tunay na nararamdam nito para sa kanya.

Dahan dahan na nga na pinikit ni Devon ang kanyang mga mata senyales na sinasagot na nya ang binata  at laking ngiti naman ni Sam dito.
Lumapit pa sya at tuloy na ngang hinalikan ang dalaga.

"Thank you,you have no idea how happy I am" binulong ni Sam.

Napangiti nalang si Devon. "I love you.." ngiti nito.

"I love you more.." at hinalikan muli nito sa noo ang babae na ngayon ay sakanya nya.