Chapter 8
“Ano?”Nagulat na tanong ni Sam sa dalaga. “Saan daw sya pupunta?” bakat sa mukha ni Sam ang pagaalala kay Devon.
“Sa tabing dagat kanina,ung pinuntahan natin.”Pinipilit mag salita ni Coleen habang umiiyak ito. “Malapit lang naman yon dito,halos pwedeng lakarin kaya hindi ko na sya napigilan sa pag alis nya..Pero..pero..Kanina pa yon!”Nag aalalang sagot ni Coleen.
“Anong oras?Bakit mo kasi pinabayaan?!”Napa tayong tanong ni Quen sa dalaga sa pagaalala nito.
“Hindi ko n sya napigilan..Please..Tulungan nyo ko!Hindi kayang nag iisa ni Devon sa dilim!”Umiiyak parin na pag mamakaawa ni Coleen.
Bigla naman tumakbo palabas si Quen para hanapin si Devon.
“Sasama ako!”Pag pilit ni Coleen kay Sam.
“Hindi na,baka ikaw pa ang sunod na mawala!Nag papanic ka pa nga oh!”Sagot ni Sam kay Coleen at pinaupo ito sa loob ng kwarto nila.
“Robi ikaw na bahala kay Coleen.Babalik agad kami!”Sabi naman ni Sam at tumakbo narin palabas ng kwarto nila.
Pag labas naman ni Sam sa kalsada ay agad agad itong tumakbo patungo sa tabing dagat.Tila wala ng tao rito ngunit maliwanag naman ang buwan.
Ng makarating na sya sa tabing dagat agad agad nmn nyang sinigaw ang pangalan ng dalaga.
“DEVON!DEVON!”Pag sigaw nito.Habang hinahanap ito ay pumapasok sa isip nya ang mga sinabi ni Coleen sakanya kanina.
‘Kanina pa sya hindi bumabalik.’
‘Hindi kaya ni Devon ang nag iisa sa dilim!’
‘Natatakot ako….’
Tila hindi na alam ni Sam ang gagawin nya.Nag halong takot at kaba ang nararamdaman nito at pilit parin sinisigaw ang pangalan ng dalaga.Ng halos isang oras na pag lalakad sa tabing dagat at paghahanap sa dalaga ay nawalan na ng lakas ito.Bigla syang napa upo at hindi mapigilan ang luha ngunit sinisigaw parin ang pangalan ng dalaga.
“DEVON!!!!!!!!!DEVON!!!”Sigaw nito at napatigil ng biglang may sumagot dito.
“SAM?”Sigaw nito.
“SAM?!!!!!!!!!SAM!!!NANDITO AKO!!!”Sigaw ng boses ng isang dalaga.
Nagulat naman ang binata ngunit ng mapagtanto nito ang mga ngyayari ay bigla itong tumayo at hinanap ang boses na sumagot sa kanya.
Ng Makita nya ito naka upo sa gilid ng isang puno ay hinding maintindihan na tuwa ang na dama ng binata.Tumakbo ito palapit at niyakap.
“Devon!!”Pag tawag muli nito ng mayakap na nya ang dalaga. “Ikaw saan ka ba ng sususuot?!Ang daming nag aalala sayo!Papatayin mo pa si Coleen sa takot!”Sinermonan naman sya ni Sam.
Ng mamalayan ni Sam na hindi pa sya tinutulak nito palayo at hindi parin ito sumasagot sa mga tanong nya ay nagtaka ito.Tila ang higpit ng yakap ng dalaga at humihikbi ito.
“Hey..okay ka lang?”Nag aalalalang tanong ni Sam dito. “Shhh..nandito ako” pilit na kinakalma ito.
“Natatakot ako Sam.Ayoko sa dilim!Ayoko mag isa!”Umiiyak na sagot nito.
“Sa tapang mong yan,may kinakatakutan ka pa pala!”Pag biro ni Sam at hinampas sya ni Devon.
“Sam nmn eh!” inis na sabi ni Devon sa binata.
“Tignan mo takot ka na nananakit ka parin!Hindi na kita iiwan..”Pag sigurado ng binata.”Hali ka na,nag aalala na si Coleen sa’yo!”Pag yaya ni Sam.
“Hindi ko kaya..napatid ako kanina kaya hindi rin agad ako naka balik.Masakit ung paa ko.”Sagot naman ni Devon.
“Alam mo?ang malas mo talaga!”Pag biro muli ni Sam. “Ang layo kaya ng narating mo,ano gusto mo buhatin pa kita?!”Tanong ni Sam dito at hindi naman umimik ang dalaga.
“Well wala narin naman ng point bumalik pa ngayon,mapapagod pa tayo sa sobrang layo tapos masakit pa yang paa mo.”Pag buntong hininga ni Sam. “May kubo dito na malapit nakita ko,baka pwede na tayo don mag palipas ng gabi.”Pag pasya ni Sam at inalalayan na ang dalaga pa punta sa sinasabi nitong kubo.
“Pa sensya ka na,pati tuloy ikaw nadamay.”Tahimik na sabi ni Devon kay Sam.
“Alam mo ba ung takot na naramdaman ko nung nalaman ko nawawala ka?!”Tanong ni Sam sa dalaga. “Ni hindi ko na alam ang gagawin!Dami ng pumapasok sa isip ko na baka kung ano na ang nagyari sayo!”Wala sa isip na nilabas ni Sam ang mga nararamdaman nya sa dalaga.
Si Devon nmn ay nanatiling tahimik at hindi kumikibo ng biglang bumuhos ang ulan at kumidlat.Napa talon naman ito sa takot at pinikit nalang ang mga mata ng biglang naramdaman nya ang mga kamay na yumakap sa kanya.
“Shhh..Di ba sabi ko hindi kita iiwan?”Pag yakap ng mahigpit ni Sam sa dalaga. “Matulog ka na,pag gising mo okay na ulit ang lahat.” Utos nito sa dalaga.
Hindi naman nag tagal ay nakatulog narin si Devon sa balikat ng binata at ng mejo maalipungatan ito narinig nya itong magsalita.
“Namiss kita..Sobra” Tugon nito ngunit hindi maka sigurado ang dalaga kung nananaginip ba sya o totoo talaga.
--
Pag sikat naman ng araw sa kanila ay naalipungatan muli si Devon ng mamalayan na magkatabi pala sila ni Sam nakatulog.Napa upo nmn ito ng maayos at kina gising din naman ni Sam.
“Gising ka na?”Tanong ni Sam dito at binanat nito ang kamay na tinulugan ni Devon.
“Sorry.”Nahihiya naman tugon ni Devon na hindi matignan maiigi ang binata.
“Hindi ako nakatulog sayo!Ang ingay mo,lakas humilik!Daig mo pa lalaki eh!”Pang aasar naman ni Sam dito na kina kunot naman ng kilay ni Devon.
“Hindi kaya ako humihilik!”Pag mamatigas neto. “Tara na nga!Baka hinahanap na nila tayo!” Pag yaya ni Devon kay Sam.
“Sus ito naman hindi na mabiro!”Pag tawa ni Sam. “Halika ka na nga!”Pag alalay ni Sam kay Devon para maka tayo ito.
Habang nilalakad naman nila ang haba na narating ni Devon ay hindi naman maiwasan ni Sam na asarin ang dalaga sa kalapitan nito sa kanya.
“Napatid…baka naman sabi mo lang yan para mapalapit ka sakin!” Pag aasar muli ni Sam na kina inis naman ni Devon.
“Wag na nga!”Inis na sigaw ng dalaga at kumawala ito sa pag aalalay ni Sam sa kanya at pilit nilalakad ang masakit na paa.
“Hala may lumilipad na hayop!”Sigaw ni Sam at sa gulat naman ni Devon ay napa balik sya kay Sam at muling napayakap dito na kina tuwa naman ng binata.
“Wag na kasing maarte!Hindi tayo makakarating nyan eh!”Ngiti ni Sam habang muling inalalayan ang dalaga.
Pagkatapos ng mahabang asaran ng dalawa ay nakabalik na sila sa nirerentahan nilang kwarto kasama ng iba pa nilang mga kklase at muling sinalubong sila ng pag iyak ni Coleen kasama si Robi at Quen.
Tumakbo naman si Quen palapit sa dalaga at binigyan ng isang mahigpit na yakap na kina layo naman ni Sam kay Devon.