Saturday, 28 January 2012

You Stole My Heart - Chapter 3

Napatingin si Sam kay Quen habang hawak parin si Devon ng biglang..

*PAK!* isang malakas na suntok ang binigay ni Devon sa binata sa mukha.

"Akala mo makaka-iwas ka noh!" Sinabi ni Devon kay Sam ng matapang.
"AH!" Pag rereklamo ni Sam habang hawak ang nasuntok na parte sa gilid ng kanyang mga labi. "AH!" reklamo ulit nito ng mas maramdaman ang sakit.
"Devown!"Sigaw ni Quen at lumapit na sa dalawa. "Bakit mo ginawa yon?!" Tanong ni Quen sa dalaga.
"Eh BV yang taong yan eh!Sinabi ng layuan ako ayaw makinig!Langya!" Maangas na sagot ni Devon.
"Okay ka lang pare?"Tanong ni Quen kay Sam.
"Okay lang pre..mukhang kailangan ko narin naman masanay." pang aasar na ngiti nmn ang binigay ni Sam kay Devon ngunit ramdam parin nito ang sakit. "Grabe ka rin eh noh?saan ka natuto sumuntok ng ganon?" Tila namangha pa si Sam sa dalaga.
"Wag mo ako kausapin,sasaktan ulit kita." nagtitimping sagot ni Devon.
"Pasensya na pare ah..masanay ka na nga lang tlga dito sa babaeng to.Ganyan tlga sya eh." Pag kamot nmn ng ulo ni Quen.
"HOY QUEN!WAG MO AKONG MATAWAG TAWAG NA BABAE AH!" Sigaw ni Devon kay Quen at tinapakan ang paa nito at tuluyan ng nag dabog paalis.
"AH!" reklamo ni Quen at naiwan na ang dalawang lalake na bugbug sarado kay Devon.

****
-Kinabukasan sa klase ng barkada-

Pumasok si Devon ng silid-aralan at nadatnan ang mga kaibigan nag uusap sa isang sulok at lumapit nmn ito.

"Mga pre nakita nyo ba si Quen?Late ba sya?" tanong nito sa mga kaibigan.
"Ay..oo nga noh?!Asan na nga pala yon?" Bigla naman napansin narin ni Fretzie.
"Tinawagan mo na ba?" Tanong ni Coleen.
"Kanina ko pa tinatawagan..hindi sumasagot eh." bangit ni Devon.
"Baka nmn namaga na ung paa sa pag tapak mo.Gawa ka ata sa metal eh." mahina nmn sagot ni Sam ngunit narinig ito ni Devon.
"May sinasabi ka mokong?" mataray na tanong ni Devon kay Sam.
"Ah wala.Sabi ko Goodmorning..ang gwapo ko ngayon dahil sa pasa na binigay mo." mapanuya na sagot ni Sam.
"Buti nga sayo!" Pag belat ni Devon sa binata.
"Uuuuuuyyyy!" Pang aasar nmn nila Fretzie,Coleen at Robi.
"Manahimek nga kayo!" binigyan ni Devon ng masasamang tingin ang kasama ng biglang dumating ang guro nila.

"Good Morning class.." Pag bati nito sa klase.
"Good Morning Ms. Cantos" sabay sabay na bati ng mga estudyante.
"Ngayon..katulad ng nakaraang taon gagawa ulit tayo ng proyekto..Tungkol nmn ito sa mga hayop.Kailngan gumawa kayo ng talaan ng mga epekto ng hayop sa ibat ibang lugar..lahat kayo ay makaka-kuha ng isang...kuting!" Pag papaliwanag ng guro at tila nag ingay nmn ang mga estudyante sa tuwa.
"Ngayon ibibigay ko na ang mga partners.." at kinuha ng guro ang papel kung saan nandun ang mga pangalan ng estudyante.
"Coleen at Robi..Mark at Pamu..Ryan at Ken..Fretzie and Daniel.... .... ... "
"Devon at Quen-" pag basa ng guro.
"Ah ma'm!Wala po ngayon si Quen dito eh,," pag papaliwanag ni Devon.
"Ah oo nga pala..thanks for reminding me Devon..pero Quen wont be joining this class any longer.I moved him to 4A class dahil sa sadyang talino nya..he deserves to be in that class." Pag papaliawang ng guro.
"Ho?" gulat ng lahat. lalong lalo na si Devon.
"Now Devon..si Sam na ang partner mo.." Utos ng guro nila.
"Kapag minamalas ka nga naman!!!!Utang na Loob!!!!!!!" nag wawalang lumapit na si Devon kay Sam.
"Tadhana nga nmn.." Napa iling nalang si Sam at ngumiti..

Thursday, 29 December 2011

You Stole My Heart - Chapter 2

Chapter 2
“Queeeeeeenn!Bilhan mo na ako nung ube ice cream kay manong dun sa labas pleaaaseee!” Pag pipilit ni Devon sa kaibigan na parang bata.
“Alam mo minsan hindi ko talaga alam kung anong klaseng tao ka Beh!” Pang aasar ni Quen sa dalagang katabi nya.Tinawag nya itong Beh bilang ito ang tawagan nilang dalawa.Si Quen lamang kasi ang madalas na nakakasundo nito sa barkada.
“Queeenn behhh,dali na please?” At tila ng puppy eyes pa ang dalaga kay Quen.
“Oh sige na nga!Dyan ka lang ha!Babalik ako..” At tuloy na ngang tumayo si Quen at binilhan ng ice cream ang dalaga.
Samantala dumating naman bigla ang iba pa nilang kaibigan kasama ang bago nilang nakilala na si Sam.
“Morning Devs!”Bati ni Fretzie sa dalaga.
“Morning Charming!” Ngiti naman ni Devon.
Ngunit ang mga ngiti sa labi ni Devon ay pawing nawala ng nakita ang kasama ng mga kaibigan.
“Anong ginagawa mo dito ha??” Pag sigaw ni Devon kay Sam.Tila nag iba agad ang mood ng dalaga ng Makita ang binata.
“Woah woah!Easy lang Devs,mahina kalaban mo!” Pag papa kalma ni Robi kay Devon.
“Miss..” Bangit ni Sam. “Este..uhm Devon right?Sorry na!Di ko naman sinsadya eh.” Pagkamot ni Sam sa ulo nya.
“Kahit na!Ayoko parin sayo noh!” Pag pamewang ni Devon ng biglang…
……………..

“Miss Devon Seron at Sam Concepcion!” Sigaw ng isang matining na boses ng titser nila.
Para naman nakuryente si Devon at agad binaba ang kamay na parang mabait na bata.
“Ay ma’am ano po un?”Tanong ni Devon.

“In my office,NOW!”Sigaw ng guro nila at nagulat naman ang dalawa ngunit sumunod nalamang.


“Devon,ano itong kumakalat sa school na naka-away mo daw ang bagong studyante dito sa school natin na si Sam?” May sternong tanong ng kanilang guro.
Napa batok naman si Devon sa sarili ng marinig nya ito.
“Ah Ma’am kasi po..kasi..uhhh..” walang maisagot si Devon sa guro nila.
Sa kabilang banda naman,hindi maka paniwala si Sam na ang angas angas na babae kanina ay titino ng ganito ng ang guro na nila ang kaharap.Pinipilit nitong hindi tumawa.
“Uhm Ma’am ako po kasi may kasalanan.Hindi po ako tumitingin sa dinadaanan ko kaya nabungo ko po si Devon at natapunan ko po sya ng kape.” Tinulungan na ng binata ang dalaga sa pag sagot.
“Kahit na Sam!Wala parin karapatan si Devon na gumawa ng skandalo sa school!”Pag diin ng guro nila. “Ikaw naman Devon!Ilang beses ka na napapatawag sa Principal’s office pero hindi ka parin tumitino!Ka babae mong tao ganyan ka umasal!” Pag ssermon nmn nag guro nila kay Devon.
“Sorry po Mam.” Naka simangot na sagot ng dalaga.
“To make it up for your misbehaving gusto ko ikaw ang maging kaibigan ni Sam sa school na ito!Ikaw ang tumulong sakanya na masanay dito sa school!Show him how great this school is.Malinaw ba yon?” Pag tanong ng guro.
“Pero Mam!” Pag tutol naman ni Devon.
“Walang pero pero Ms. Seron.Now get to your class!” Pag taas ng boses ng guro nila at lumabas na ang dalawa.
*
“Pano ba yan?Mukhang lagi tayong magkakasama?” Pang aasar ni Sam sa dalaga.
“Manahimik ka nga!Baka saktan kita dyan eh!” Pag sigaw muli ni Devon sa binata.
“Haha!Joke lang ito naman!Tara na nga i-tour mo na ako!” Pag yaya ni Sam.
“Ah joke pala ah?” Maangas na tanong ni Devon at handa ng suntukin si Sam.
Pag suntok nito ay naka iwas ang binata at na out of balance si Devon.Buti nalang at mabilis ang reflex ni Sam at nasalo nya ito.Nag kalapit ang kanilang mga mukha.
Sa ganitong pusisyon nakita ni Quen ang dalawa.
“Uhm beh,ube ice cream mo nga pala.” Pinipigilan na tumawa ni Quen.


Saturday, 17 December 2011

You Stole My Heart - Chapter 1

Chapter 1
Nguusap ang barkada sa Snackery area ng school nila ng biglang tumatakbong dumating si Fretzie at tila may importanteng sasabihin sa kanila.
“Oh anong problema Fretz?” Nagtatakang tanong ni Quen sa kaibigan.
“Si Devon..” Hinihingal na sinabi ni Fretzie. “Si Devs..” pilit na tinatapos ang sasabihin.
“Ano nnmn ngyari don?May kaaway nnmn ba?” Tanong ni Coleen sa dalaga.
“Kailangan ba natin back up-an?Marami bang kaaway?” Tila wala sa mood na tinanong ni Robi bilang sanay na sya sa mga ngyayari sa kaibigan nila.
“Hinde!” Nakayanan na sumigaw ni Fretzie. “Ung kaaway nya ang kailangan natin back up-an!Kawawa naman walang kalaban laban!Baguhan ata dito at si Devon ang naka banga!” Napaliwanag na sa huli ni Fretzie.
“Ano?!”Sigaw ni Quen. “Hala kayo tara na!Baka kung ano pa magawa nun don!” Sabay takbo si Quen sa pinaggalingan ni Fretzie kanina at sumunod naman ang barkada.
--
“Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!Ayan tuloy nabungo mo ako!Tignan mo nga oh!Nabuhos mo pa ung bwiset na kape mo sa damit ko!!”Sigaw ni Devon sa isang binata na kaharap nya.
Buti nalamang ay may pumipigil na sa dalaga na bugbugin ang lalakeng nsa harap nya.Tatlong lalake ang naka hawak dito ng dumating sila Quen.
“Devon,ano nnmn ba ang ngyari?!” Si Quen na ang humawak sa dalaga.
“Ayan kasi oh!Yang lalakeng yan sinira araw ko!” Sigaw ni Devon at tila tatangalin ang sapatos para ibato sa binata.Buti nalamang ay napigilan sya ng mga kaibigan nito.
“Oh oh tama na!Para naman bawal na gumawa ng kamalian kapag kasama ka!”Pag pigil ni Quen sa kaibigan.
“Kami na bahala sa damit mo Devon..papahiramin ka nalang namin.May extra damit ako kasi may training kami sa volleyball mamaya eh..”Pilit na pinapakalma ni Coleen ang kaibigan.
“Ayoko nga!Mamaya pang babae ang ibigay mo sakin na damit!” Hindi parin kumakalma na sinabi ni Devon sa kaibigan.
“Sorry na Miss,hindi ko sinasadya..”Sa wakas nagsalita na ang binata na kinaiinisan ni Devon.
Napa palo nmn ang mga kaibigan ni Devon sa ulo ng bangitin ng binata ang salitang “Miss”
“Aba!Ngaasar pa ata itong mokong na to!Anong Miss?Ano suntukan nalang oh!” Pilit na kumakalas si Devon sa hawak ni Quen.
“Halika na Devs,tama na yan!” At binuhat na ni Quen ang dalaga papalayo sa basketball court kung san nagsimula ang away.
“Pasensya ka na ha..Uhm..”Kumamot si Robi sa ulo at nilahad ang kamay.
“Samuel pare..”At kinuha ang kamay ni Robi.
“Ah yon,Samuel..Ako nga pala si Robi..Bago ka ba dito?”Tanong nito.
“Oo eh..Mejo naguguluhan pa nga ako..Ung babaeng yon..”Nalilitong tanong ni Sam kay Robi.
“Ah yon,Si Devon yon..Darling Dude yan dito..Eh may pagka tibo lang kaya ganun.Pasensya na ulit ha?” Pag paliwanag ni Robi.
“Wala yon..”Ngiti naman ni Samuel.
“Ah ano,ganto nalang.Tour ka nalang naming dito sa School..mukhang naliligaw ka pa eh.”Alok naman ni Robi.
“Sure..salamat!”Sagot ni Sam at sumama na sa binata.
Tahimik lamang ito habang tntour sya ng bagong kaibigan pero sa isip isip nya ay hindi matangal ang ‘Babaeng’ nakita kanina..

You Stole My Heart

You stole my Heart
Cast:
Sam Concepcion
Devon Seron
Enrique Gil
Robi Domingo
Coleen Garcia
Fretzie Bercede
(Other characters may be added)

Story line:
Isang napaka Boyish na babae si Devon,madalas syang napapa-away sa school at kung umasta eh mas maangas pa sa lalake.Madali sya magalit at maari ka nyang bugbugin kapag gutom sya.Ang alam nya sa sarili nya ay isa syang Tomboy..pero magbabago lahat ito ng Makita nya ang lalakeng magpapatibok ng manhid na puso nya.

Patikim:
“Dev tibo ka ba talaga?” Tanong ni Samuel  kay Devon.
“Oo,Baket?May angal ka?” Maangas na sagot ni Devon at tila pinakita pa ang kamao nya sa binata.
“Eh kung halikan kita,may mag bago kaya?” Seryosong tinanong muli ni Sam at nilingon ang katabing dalaga.


Friday, 11 November 2011

Perfect Two - One Shot :)

Taping nila Sam at Devon para sa bago nilang teleserye na Angelito. Hindi naman mapakali si Devon dahil unang beses nya na makaka trabaho si Sam as  ka- Love team.

"Cut!" Sigaw ng Direktor nila kena JM at Charee. "Well done guys,break muna kayo.SamVon kayo na susunod kaya mag ready na kayo!" pinaalalahan naman ni Sir Ted sa dalawa.

Mas lalo naman bumilis ang tibok ng puso ni Devon ng marinig nya ito. "Hala pano na to!" paulit ulit na sinasabi ni Devon sa utak nya. "Kaya mo to,kaya mo to.."paulit ulit nya sinasabi sa sarili at naglakad lakad muna sa lugar na pinag sh-shootingan nila.Si Sam naman ay tahimik na nakikinig sa kanyang iPod ng biglang mapansin na nawala na ang dalaga.

"Devs?"Tanong nito ng makita ang dalaga na naka upo sa isang duyan na may pagkalayo sa mga tao sa taping.

"Ay palaka!" Gulat naman ni Devon ng marinig ang binata. "Samuel naman eh!" pag hampas ni Devon kay Sam.

"Aba!Naka hampas ka nanaman ah!Saka Samuel talaga?Ms. Devon May Natividad Seron,ano nnman ba itong minumukmok mo ha?" Pang aasar ni Sam sa dalaga at umupo sa tabi nito.Muli sa ginawa ng binata ay parang nakuryente si Devon at agad na umiwas magkadikit silang dalawa.

"Kinakabahan kaya ako noh!"Pag papaliwanag ng dalaga. "Ngayon lang ako nabigyan ng ganitong role...tapos ikaw pa ung ka partner ko." 

"Wushuuu miss mo lang si Jaime eh!"Pang aasar muli nito sa dalaga ngunit sa loob loob neto sya ay nag seselos na. "Sya parin pala" bugtong hininga ni Sam sa sarili nya.

"Hindi kaya!"Hinampas muli ni Devon ang binata. "Tignan mo nga kasi to oh!Unang scene natin may almost 'kissing scene' pa!" binato ni Devon sa binata ang script at tumayo patalikod dito,namumublema.

Natawa naman ang binata sa inaasal ni Devon at patuloy na inasar ito. "Bakit ka kinakabahan eh almost lang naman?" pinipigilan nitong tumawa.

"Eh kasi-" hindi natuloy nasabi ni Devon ang sasabihin dahil pagkalingon nya ay hindi inaasahan na nasa likod nya ang binata.Sentimetro nalang ang pagitan ng kanilang mga mukha.

"Parang ganto lang naman yan eh.."Mahinang binangit ni Sam at hinawakan na ang mukha ni Devon.

Hindi na napigilan ni Sam ang nararamdaman nya para sa dalaga. "Devs close your eyes and I will lean in to kiss you.Pero kung hindi,tatangapin ko na hindi ako ang gusto mo."

Natatakot si Sam sa gagawin ng dalaga,matagal na syang nalilink dito ngunit madalas ay off cam lang dahil sa iba't iba nila ka Love team On screen ay hindi nya mapakita ang lihim nyang pag tingin sa dalaga.Hindi rin naman sya sigurado kung ano nga ba ang tunay na nararamdam nito para sa kanya.

Dahan dahan na nga na pinikit ni Devon ang kanyang mga mata senyales na sinasagot na nya ang binata  at laking ngiti naman ni Sam dito.
Lumapit pa sya at tuloy na ngang hinalikan ang dalaga.

"Thank you,you have no idea how happy I am" binulong ni Sam.

Napangiti nalang si Devon. "I love you.." ngiti nito.

"I love you more.." at hinalikan muli nito sa noo ang babae na ngayon ay sakanya nya.


Friday, 26 August 2011

A Right Turn To Love - Epilogue

"Ma'am may bisita po kayo."Pahiwatig naman ng kasambahay nila Coleen sa dalaga.
"Ay ganon ba?Sige papasukin mo Ate."Pag ngiti naman ni Coleen at nagtataka kung sino ito.
Bigla naman pumasok ang isang pamilyar na binata na kina gulat naman ni Coleen.
"Quen?Anong ginagawa mo dito?"Nagtatakang tanong ni Coleen sa binata na naka porma.
"Ah eh..."Nangamot si Quen sa ulo na pilit hinahanap ang tamang sasabihin."Aakyat sana ako ng ligaw."Ngiti nito sa dalaga.
"Hmmmm...Kung kaya mong maghintay ng One year!"Pag bibiro naman ni Coleen na kina gulat ni Quen.
"Choleng naman eh!!"Pag mumukmok ni Quen.
"Gusto ko kasi ung magaling kumanta eh!Eh sintunado ka naman!"Pag mamataray ni Coleen at nag walk out.
Sinundan naman sya ni Quen at pilit na binibigay ang chocolate na dala at kinakantahan na kinakatawa naman ni Coleen.

***************

Naka upo naman ang dalawang mag kasintahan sa isang malaking fountain sa Bay walk.

"Happy Anniversary Bubbles!I love you!"Bulong naman ni Sam kay Devon.
"Happy Anniversary din and I love you too Bubbles!"Ngiti naman ni Devon.
"Kain tayo pizza?"Tanong ni Sam.
"Basta walang pepper at Lagyan natin ng maraming Pineapples ha!"Sagot ni Devon.
"Dyan tayo hindi nagkaka sundo eh!"Buntong hininga naman ni Sam.
"Gusto mo ng peppers?"Naka kunot naman na tanong ni Devon sa kasama.
"Peppers,un ung pinaka masarap!"Sagot ng binata sakanya.
"Gusto ko Pineapples!!"Pag dadabog naman ni Devon.
"Ayoko non!"Sagot naman ni Sam.

Tumayo naman agad si Devon na naka kunot ang nuo papalayo sa binata ng biglang tumunog ang kantang "Teach Me How To Dougie".Natigil naman si Devon at lumingon sa binata na nag patugtog nito.
Pag lingon nya  ito ay sumasayaw na at kina wala ng inis ng dalaga at sinabayan nalang ito.


THE END

A Right Turn To Love - Happily Ever After.

Nagulat naman si Devon ng biglang mag ring ang telepono nya bilang sinyales na meron tumatawag dito.
Convo:

Devs: Hello Choleng?
Coleen: Hey Baby Devs!Nagyayaya kasi si Quen mamaya gabi daw sa Bay walk,Sama ka ha!
Devs: Ha?Biglaan naman ata?Pero sige  punta ko.Sini sino ba tayo?
Coleen: Yay!See you there baby!Wala ng bawiaan yan ha?
Devs: Eh teka sino sino ba tayo?
Coleen: Tayong lima parin!Quen,Robi,Me you and Sam.
Devs:Wait-
Coleen: See you!

*End of Convo

"Ugh!Bakit ba kasi ako na pa Oo kay Best!Hindi ko man lang inalam kung sino sino kami!"Pag batok naman ni Devon sa sarili pagkatapos makipag usap sa kaibigan.

Hindi naman mapakali si Devon sa ideya na magkikita muli sila ng pilit na binabaon sa limot na binata na si Sam.Tumayo naman agad ang dalaga at humanap ng maso-suot nya sa kanyang aparador at nakita ang paborito nyang bistida na kulay Ube.Simple lamang ito pero ng kanyang isuot ay para syang diwatang prinsesa.Hangang tuhod nya lamang ito kaya muli,nakita ang mahabang makinis na binti ng dalaga.Pinareha naman nya ang isang high heels na kulay itim rito.Kinulot naman nya ang kanyang buhok at bumagsak naman ito sa isang magandang ayos na nababagay sa dalaga.Ng matapos sya ay dali dali naman sya sumakay sa sasakyan at pumunta na sa paroroonan.

"Kaya mo ito Devs."Pilit naman na pinapaniwala ni Devon ang kanyang sarili ng makarating na sya sa lugar kung saan sila magkikita.
"Uy nandito na pala si Baby Devs eh!"Pag bati naman ni Quen ng makita na ang dalaga papalapit sa kanila.
"Woahh.Ikaw ba talaga yan?Bakit parang babae ka ngayon?"Dagdag naman ng binata sa huli ng makitang mabuti ang dalaga.
"Quen wag mo akong umpisahan!"Pag banta naman ng dalaga at tumatawang sinuntok nito ang kaibigan sa balikat.
"Pero Oo nga Bes!Iba talaga itsura mo!Ngayon nalang ulit kita nakita ng ganyan ayos after ng pangalawang araw natin sa highschool pagkatapos mong makita si Quen!"Pag biro din ni Coleen.
"Uyyyy!!Ibig sabihin ba nyan may bago kang pinapagandahan?"Pang aasar naman ni Robi at napuno na ang dalaga at binato ang hawak na bag sa binata.
"Oi!Di pa tayo nag sisimula may target ng upakan si Devon!"Pag biro naman ng isang binata na kina tigil naman ng tibok ng puso ni Devon.
Lumingon naman si Devon kung saan nggagaling ang boses ng binata nguni't muli parang sinaksak ang puso nya ng hindi mabilang na kutsilyo.

Sa tabi ng binata na si Sam ay isang chinita na babae na ubod ng kagandahan.Isang matangkad maputi at papasang isang modelo..

"Hey Devs!Long time no see.."Maikling pag bati naman ni Sam ng makita ang lumingon na dalaga.
"Hey.."Ang lumabas lamang sa bibig ng dalaga.
"This is Emman nga pala..Hindi po sya nameet kasi last alis namin hindi ka sumama."Pagpapakilala naman ni Sam sa babaeng kasama nya at pilit nalang na ngumiti si Devon.
"HOY!Natulala na kayo dyan dalawa!Sam,hindi mo naman sinabi kasama pala natin si Emman!Tara na nga Guys at gutom na ako!"Pag sigaw naman ni Coleen at hinatak na ang kaibigan at sumunod naman ang barkada sa kanila.
"Devs.."Humabol naman si Quen sa magkaibigan at hinawakan ang kamay nito at pinsil at tinignan sa mata. "I'm here." binulong nito.

Ngmaka kita na sila ng pagkakainan ay agad agad naman silang Um-order at kumain.Nanahimik nalang si Devon habang hindi maiwasan na mapansin ang pagiging sweet ni Sam sa dalaga na kasama nya.

"Here Emman!You have to try this!The best to,favorite namin to kainin kapag pumupunta kami dito."Pag abot naman ng pagkain ni Sam sa katabing dalaga at binigyan ito.
Ng sila ay matapos nag paalam naman si Devon para gumamit ng CR at hinintay naman sya ng barkada.Pag pasok nya dito ay agad naman nya tinignan ang sarili sa salamin.

"Ang tanga tanga mo Devon!Sinabi ko naman sayo na wag kang umasa eh!Pero Asa ka parin ng Asa!Araw araw sinasampal na kita diba!Sabi ko tama na,masasaktan ka lang ulit.Kalimutan mo na sya parang awa na!Pero tignan mo ngayon!Akala mo kaya mo!Pero ano nanaman napala mo?Wala diba?WALA!"Sinisigaw ni Devon ang mga salita sa sarili habang walang pigil na pumapatak ang mga luha sa kanyang mga mata. 

Ngmaka ipon na ng lakas ng luob ang dalaga ay lumabas na ito at hinarap na ang barkada na nghihintay sakanya.
"Guys Sorry,mejo sumama na kasi ung pakiramdam ko.Uuwi na muna ako,nahihilo na kasi ako eh."Pag papaliwanag ni Devon habang pilit na hindi ipakita ang kanyang namumulang mga mata.
"Hatid na kita."Batid naman ni Sam.
"No.Kaya ko na ang sarili ko.I brought my car with me."Pag tangi ni Devon at lumabas na ng Mall habang pumapatak muli ang mga luha sa mata.
Hindi naman sya naka layo ng biglang may humatak ng kanyang kamay.
"Devon what's wrong?"Paghatak ni Sam at pilit na tinitignan sa mata.
"Nothing.Nahihilo lang ako."Pag tangal naman ni Devon sa mahigpit na hawak ng binata at pilit na pagpatuloy ng paglalakad.
"I said,hahatid na kita."Pag hatak muli ni Sam.
"Okay lang ako!Bumalik ka na don at baka hinihintay ka na ni Emman!"Pag sigaw ni Devon at kumakalas sa hawak ng binata.
"Is this about Emman?"Pagtatakang tanong ng binata. "Are you...?Jealous?"Tanong nito habang hindi parin binibitawan si Devon.

Bumubuhos naman ang luha ni Devon ng hinarap ang binata."Tama na Sam..Pagod na ako!Ayoko ng masaktan!"Bulong nito at nabitiwan ni Sam ang kanyang kamay.
"Ang sakit sakit na Sam!Araw araw nasasaktan ako tuwing nakikita kita!Pilit kong pinapasok sa kokote ko na kahit pag balibaliktarin man itong mundo to ay hindi mo ako magugustohan!At naiinis ako sa sarili ko dahil umaasa parin ako!Umaasa na sana isang araw makita mo rin ako!Na sana isang araw ako naman ang magustohan mo!Mahal kita,gago ka!" Pag dagsa naman ng mga luha ni Devon itong sinasabi at tumalikod para mag lakad muli.
Ng biglang naramdaman naman ni Devon ang paghatak sa kanyang kamay ngunit ng maka harap ito sa binata ay ang labi naman nito ang kanyang naramdaman.Para syang binaril sa puso pero imbis na masaktan ito ay para naman syang pinatay sa kasiyahan.Tinugunan nya ang halik na naghihintay ng ganti at naramdaman ang pagmamahal ng binata.

"You don't have to be jealous Devon.Dahil ikaw lang ang mahal ko.Ikaw ang gusto ko."Pag ngiti naman ng binata ng tinigil nya ang halik.
"Hindi mo alam kung gano kita gusto hilahin sa mga lalaking laging naka akbay sayo,laging naka dikit sayo.Hindi mo alam kung pano tumitigil ang puso ko kapag nakikita ka,kapag ngumingiti ka.Hindi mo alam ang pag pigil ko sa sarili ko sa mga gabi gusto kitang tawagan para marinig lang ang boses mo.Hindi mo alam kung gano kita kamahal!"Pagbulong ni Sam sa labi ng dalaga.
"You complete me Devon and I love you to infinity and beyond." Pag halik naman ni Sam sa ilong ng dalaga.

"Btw,Emman..Emman is our 1st year High School buddy.She's Robi's Girlfriend." Pag ngisi naman ni Sam at pinalo sya ng malakas ni Devon.