Friday, 26 August 2011

A Right Turn To Love - Epilogue

"Ma'am may bisita po kayo."Pahiwatig naman ng kasambahay nila Coleen sa dalaga.
"Ay ganon ba?Sige papasukin mo Ate."Pag ngiti naman ni Coleen at nagtataka kung sino ito.
Bigla naman pumasok ang isang pamilyar na binata na kina gulat naman ni Coleen.
"Quen?Anong ginagawa mo dito?"Nagtatakang tanong ni Coleen sa binata na naka porma.
"Ah eh..."Nangamot si Quen sa ulo na pilit hinahanap ang tamang sasabihin."Aakyat sana ako ng ligaw."Ngiti nito sa dalaga.
"Hmmmm...Kung kaya mong maghintay ng One year!"Pag bibiro naman ni Coleen na kina gulat ni Quen.
"Choleng naman eh!!"Pag mumukmok ni Quen.
"Gusto ko kasi ung magaling kumanta eh!Eh sintunado ka naman!"Pag mamataray ni Coleen at nag walk out.
Sinundan naman sya ni Quen at pilit na binibigay ang chocolate na dala at kinakantahan na kinakatawa naman ni Coleen.

***************

Naka upo naman ang dalawang mag kasintahan sa isang malaking fountain sa Bay walk.

"Happy Anniversary Bubbles!I love you!"Bulong naman ni Sam kay Devon.
"Happy Anniversary din and I love you too Bubbles!"Ngiti naman ni Devon.
"Kain tayo pizza?"Tanong ni Sam.
"Basta walang pepper at Lagyan natin ng maraming Pineapples ha!"Sagot ni Devon.
"Dyan tayo hindi nagkaka sundo eh!"Buntong hininga naman ni Sam.
"Gusto mo ng peppers?"Naka kunot naman na tanong ni Devon sa kasama.
"Peppers,un ung pinaka masarap!"Sagot ng binata sakanya.
"Gusto ko Pineapples!!"Pag dadabog naman ni Devon.
"Ayoko non!"Sagot naman ni Sam.

Tumayo naman agad si Devon na naka kunot ang nuo papalayo sa binata ng biglang tumunog ang kantang "Teach Me How To Dougie".Natigil naman si Devon at lumingon sa binata na nag patugtog nito.
Pag lingon nya  ito ay sumasayaw na at kina wala ng inis ng dalaga at sinabayan nalang ito.


THE END

A Right Turn To Love - Happily Ever After.

Nagulat naman si Devon ng biglang mag ring ang telepono nya bilang sinyales na meron tumatawag dito.
Convo:

Devs: Hello Choleng?
Coleen: Hey Baby Devs!Nagyayaya kasi si Quen mamaya gabi daw sa Bay walk,Sama ka ha!
Devs: Ha?Biglaan naman ata?Pero sige  punta ko.Sini sino ba tayo?
Coleen: Yay!See you there baby!Wala ng bawiaan yan ha?
Devs: Eh teka sino sino ba tayo?
Coleen: Tayong lima parin!Quen,Robi,Me you and Sam.
Devs:Wait-
Coleen: See you!

*End of Convo

"Ugh!Bakit ba kasi ako na pa Oo kay Best!Hindi ko man lang inalam kung sino sino kami!"Pag batok naman ni Devon sa sarili pagkatapos makipag usap sa kaibigan.

Hindi naman mapakali si Devon sa ideya na magkikita muli sila ng pilit na binabaon sa limot na binata na si Sam.Tumayo naman agad ang dalaga at humanap ng maso-suot nya sa kanyang aparador at nakita ang paborito nyang bistida na kulay Ube.Simple lamang ito pero ng kanyang isuot ay para syang diwatang prinsesa.Hangang tuhod nya lamang ito kaya muli,nakita ang mahabang makinis na binti ng dalaga.Pinareha naman nya ang isang high heels na kulay itim rito.Kinulot naman nya ang kanyang buhok at bumagsak naman ito sa isang magandang ayos na nababagay sa dalaga.Ng matapos sya ay dali dali naman sya sumakay sa sasakyan at pumunta na sa paroroonan.

"Kaya mo ito Devs."Pilit naman na pinapaniwala ni Devon ang kanyang sarili ng makarating na sya sa lugar kung saan sila magkikita.
"Uy nandito na pala si Baby Devs eh!"Pag bati naman ni Quen ng makita na ang dalaga papalapit sa kanila.
"Woahh.Ikaw ba talaga yan?Bakit parang babae ka ngayon?"Dagdag naman ng binata sa huli ng makitang mabuti ang dalaga.
"Quen wag mo akong umpisahan!"Pag banta naman ng dalaga at tumatawang sinuntok nito ang kaibigan sa balikat.
"Pero Oo nga Bes!Iba talaga itsura mo!Ngayon nalang ulit kita nakita ng ganyan ayos after ng pangalawang araw natin sa highschool pagkatapos mong makita si Quen!"Pag biro din ni Coleen.
"Uyyyy!!Ibig sabihin ba nyan may bago kang pinapagandahan?"Pang aasar naman ni Robi at napuno na ang dalaga at binato ang hawak na bag sa binata.
"Oi!Di pa tayo nag sisimula may target ng upakan si Devon!"Pag biro naman ng isang binata na kina tigil naman ng tibok ng puso ni Devon.
Lumingon naman si Devon kung saan nggagaling ang boses ng binata nguni't muli parang sinaksak ang puso nya ng hindi mabilang na kutsilyo.

Sa tabi ng binata na si Sam ay isang chinita na babae na ubod ng kagandahan.Isang matangkad maputi at papasang isang modelo..

"Hey Devs!Long time no see.."Maikling pag bati naman ni Sam ng makita ang lumingon na dalaga.
"Hey.."Ang lumabas lamang sa bibig ng dalaga.
"This is Emman nga pala..Hindi po sya nameet kasi last alis namin hindi ka sumama."Pagpapakilala naman ni Sam sa babaeng kasama nya at pilit nalang na ngumiti si Devon.
"HOY!Natulala na kayo dyan dalawa!Sam,hindi mo naman sinabi kasama pala natin si Emman!Tara na nga Guys at gutom na ako!"Pag sigaw naman ni Coleen at hinatak na ang kaibigan at sumunod naman ang barkada sa kanila.
"Devs.."Humabol naman si Quen sa magkaibigan at hinawakan ang kamay nito at pinsil at tinignan sa mata. "I'm here." binulong nito.

Ngmaka kita na sila ng pagkakainan ay agad agad naman silang Um-order at kumain.Nanahimik nalang si Devon habang hindi maiwasan na mapansin ang pagiging sweet ni Sam sa dalaga na kasama nya.

"Here Emman!You have to try this!The best to,favorite namin to kainin kapag pumupunta kami dito."Pag abot naman ng pagkain ni Sam sa katabing dalaga at binigyan ito.
Ng sila ay matapos nag paalam naman si Devon para gumamit ng CR at hinintay naman sya ng barkada.Pag pasok nya dito ay agad naman nya tinignan ang sarili sa salamin.

"Ang tanga tanga mo Devon!Sinabi ko naman sayo na wag kang umasa eh!Pero Asa ka parin ng Asa!Araw araw sinasampal na kita diba!Sabi ko tama na,masasaktan ka lang ulit.Kalimutan mo na sya parang awa na!Pero tignan mo ngayon!Akala mo kaya mo!Pero ano nanaman napala mo?Wala diba?WALA!"Sinisigaw ni Devon ang mga salita sa sarili habang walang pigil na pumapatak ang mga luha sa kanyang mga mata. 

Ngmaka ipon na ng lakas ng luob ang dalaga ay lumabas na ito at hinarap na ang barkada na nghihintay sakanya.
"Guys Sorry,mejo sumama na kasi ung pakiramdam ko.Uuwi na muna ako,nahihilo na kasi ako eh."Pag papaliwanag ni Devon habang pilit na hindi ipakita ang kanyang namumulang mga mata.
"Hatid na kita."Batid naman ni Sam.
"No.Kaya ko na ang sarili ko.I brought my car with me."Pag tangi ni Devon at lumabas na ng Mall habang pumapatak muli ang mga luha sa mata.
Hindi naman sya naka layo ng biglang may humatak ng kanyang kamay.
"Devon what's wrong?"Paghatak ni Sam at pilit na tinitignan sa mata.
"Nothing.Nahihilo lang ako."Pag tangal naman ni Devon sa mahigpit na hawak ng binata at pilit na pagpatuloy ng paglalakad.
"I said,hahatid na kita."Pag hatak muli ni Sam.
"Okay lang ako!Bumalik ka na don at baka hinihintay ka na ni Emman!"Pag sigaw ni Devon at kumakalas sa hawak ng binata.
"Is this about Emman?"Pagtatakang tanong ng binata. "Are you...?Jealous?"Tanong nito habang hindi parin binibitawan si Devon.

Bumubuhos naman ang luha ni Devon ng hinarap ang binata."Tama na Sam..Pagod na ako!Ayoko ng masaktan!"Bulong nito at nabitiwan ni Sam ang kanyang kamay.
"Ang sakit sakit na Sam!Araw araw nasasaktan ako tuwing nakikita kita!Pilit kong pinapasok sa kokote ko na kahit pag balibaliktarin man itong mundo to ay hindi mo ako magugustohan!At naiinis ako sa sarili ko dahil umaasa parin ako!Umaasa na sana isang araw makita mo rin ako!Na sana isang araw ako naman ang magustohan mo!Mahal kita,gago ka!" Pag dagsa naman ng mga luha ni Devon itong sinasabi at tumalikod para mag lakad muli.
Ng biglang naramdaman naman ni Devon ang paghatak sa kanyang kamay ngunit ng maka harap ito sa binata ay ang labi naman nito ang kanyang naramdaman.Para syang binaril sa puso pero imbis na masaktan ito ay para naman syang pinatay sa kasiyahan.Tinugunan nya ang halik na naghihintay ng ganti at naramdaman ang pagmamahal ng binata.

"You don't have to be jealous Devon.Dahil ikaw lang ang mahal ko.Ikaw ang gusto ko."Pag ngiti naman ng binata ng tinigil nya ang halik.
"Hindi mo alam kung gano kita gusto hilahin sa mga lalaking laging naka akbay sayo,laging naka dikit sayo.Hindi mo alam kung pano tumitigil ang puso ko kapag nakikita ka,kapag ngumingiti ka.Hindi mo alam ang pag pigil ko sa sarili ko sa mga gabi gusto kitang tawagan para marinig lang ang boses mo.Hindi mo alam kung gano kita kamahal!"Pagbulong ni Sam sa labi ng dalaga.
"You complete me Devon and I love you to infinity and beyond." Pag halik naman ni Sam sa ilong ng dalaga.

"Btw,Emman..Emman is our 1st year High School buddy.She's Robi's Girlfriend." Pag ngisi naman ni Sam at pinalo sya ng malakas ni Devon.



Saturday, 20 August 2011

A Right Tun To Love - Chapter 11


Chapter 11
~After One year~
Kakalabas lang ni Quen sa bahay nila para pumunta sa Gym ng biglang nag ring ang telepono nya.
*Calling.. Unknown number*
“Sino naman to?”Nagtatakang tanong ni Quen sa sarili nya dahil sa hindi kilalang numero pero sinagot narin nya ito.
“Hello?”
“Hey man!It’s Sam!Kamusta na dude?”
“Hoyyy!Im aight man,ikaw kamusta?Tagal mo na hindi ngpapakita ah!”
“Look man,I have loads to tell you.Meet me at D-Underground club at 7 okay?”
“Okay see you there.”
Ng tumutok na ng ala syete ang relo ni Quen ay dali dali naman syang pumunta sa sinabing lugar ng kaibigan at hinintay ito doon.
“Hey dude!” Pag bati naman ni Sam kay Quen at niyakap ang kaibigan.
“Dude!Long time no see!Ano na bang balita sayo?Tagal mo rin nawala tapos ngayon ka lang magpapakita?” Tanong naman ni Quen sa binata.
“I was very busy eh and I lost your phone number and everyone else’s!Then naiwan ko ung phone ko kung saan as soon as makatapak ako ng Paris.Didn’t have time to email you either!Mom was pressuring me talaga about our business in France kaya wala narin akong time para mag chill!”Paliwanag naman ni Sam sa kaibigan.
“Ah yeah I forgot how strict tita is..”Pag tango naman ni Quen. “So pano mo nakuha ung number ko?Nakita mo na ba ung iba pa,how about Robi?”Tanong naman nito.
“Un na nga dude eh!Wala ako ka idea kung pano ko kayo ma ko-contact!Buti nalang nakasalubong ko si Emman sa mall noon and asked for your guys number.Remember her?Our 1st year highschool buddy?”Sagot naman nito.
“Ah Emman!Of course,ung crush na crush ni Robi..Eh kayo naman ni Choleng?Kamusta kayong dalawa?Bakit di mo sya kasama ngayon?”Tanong naman ni Quen.
“Coleen?”Nag tatakang tanong ni Sam sa binata. “I haven’t seen her since I left..although I heard na sa Strasbourg sya nag sstay,pero yeah you know mom,I couldn’t even visit her there nga eh.”Paliwanag muli ni Sam.
“Teka teka!Ang gulo nun dude ah?Diba pumunta ka sa France for Choleng?Sinundan mo sya dahil un ang sagot mo?”Nagtatakang tanong ni Quen sa kaibigan.
Natawa naman si Sam sa hindi pagkakaunawan nilang dalawa. “No no,pumunta ako doon para sa business nga namin.Masama na kasi ang pakiramdam ni Dad and mom thought he needs a rest kaya ako napasugod don and well Choleng..we talked,okay na kami.”
Nagulat naman si Quen sa sinabi ng binata at sinuntok ito pabiro sa balikat. “All this time dude un pala ang reason bakit ka pumunta doon!”Natatawang sagot naman ni Quen. “And akala ko bumalik ka dito para imbitahan sa kasal nyo ni Choleng!” Tumatawa na sinabi ni Quen.
“Well I guess kasalanan ko din since umalis ako ng walang paliwanag.”Tumatawa narin na sagot ni Sam ng maalala nya ang taong kanina pa nya gusto Makita. “Hey!How’s you and Devs nga pala?” Kalmadong tanong naman ni Sam.
“Me AND Devon??” Pinipilit na hindi tumawa ni Quen. “Dude walang kami.Never  nagging kami..” Tumatawa muling sinabi ni Quen.
**
“BESTFRIEEEEEEEEEEEEEENNNNNNNNDDDDDDDDDDDDDD!!!” Malakas na sigaw naman ni Coleen pag pasok sa kwarto ni Devon.
“Uhh ano ba natutulog pa ko!”Wala naman sa isip na sagot ni Devon ang kaibigan.
“Aba!Hindi mo ba nakikilala kung sino kausap mo?!” Pag pamewang naman ni Coleen sa tampo.
Best friend..best friend..best friend.. Ang naglalaro naman sa utak ng dalaga ng biglang.
“CCCCCCHHHOOOOLLLEEEEENGGGGGGGGGGGGG!!!”Pag tayo naman ni Devon at niyakap ang matagal ng hindi nakita na kaibigan.
“Nakakainis ka!Bakit ngayon ka lang nagpakita!Ngayon ka lang nag paramdam!After one year iniwan mo best friend mo ng hindi man lang tumatawag ni minsan!”Pag palo naman ni Devon sa dalaga dahil sa inis.
“Sorry naman Best!Eh ang hirap kaya mag aral sa France lalo na college!Kinuha ni Ate ung phone ko sakin!Pero kahit ganon sinubukan parin kita tawagan noh!Nag lalakad ako papuntang school para lang ipunin pamasahe ko pantawag sayo!Kaso nung tinawagan kita wala naman sagot,iniba mo na number mo!Tapos nalaman pa ni Ate ung ginagawa ko kaya hindi narin nya ko binibigyan ng pera at hinahatid nalang sa school.”Pag papaliwanag naman ni Coleen na parang paiyak na sa pinag danasan nya.
“Ay!Nakalimutan ko,Strikto nga pala yang step sister mo!”Pag pasensya ni Devon dito.
“Pero Choleeeeeeeengg!!Namiss kita sobra!!”Pagyakap naman muli ni Devon sa kaibigan.
“Ako din!Wala ka parin pinag bago!Ang hilig mo parin gumising ng tanghali na!”Sagot naman ni Coleen.
“Pero syempre sa tagal natin hindi pagkita,treat kita!Alis tayo ngayon!Kahit ano,kahit saan!Basta ikaw!” Pag ngisi naman ni Coleen sa dalaga at natawa nalang si Devon.
“Eh teka..wala ka bang kasama?”Bigla naman natigilan si Devon. “Si Sam?”Mahinang tanong nito.
“Sam?”Nagtatakang tanong ni Coleen sa kaibigan. “Samuel?Hindi naman nya ako sinundan eh,pero we talked na nga and everything’s fine between us.”Pag ngiti naman ni Coleen.

A Right Tun To Love - Chapter 10


Chapter 10
Ng dumating si Sam sa bahay nila ay humiga ito sa kama at inisip ang sinabi ng dalaga na si Coleen kanina sa Sasakyan.Tila nalilito ito sa nararamdaman nya,Oo matagal na syang may gusto kay Coleen pero makalipas ang ilang buwan na nakakasama nya si Devon ay walang duda na nag iiba ang tibok ng puso nya kapag nakikita nya ito.
“Sam what is wrong with you?!” Sigaw naman ni Sam sa sarili. “What the hell is wrong with you?Nandyan na yung matagal mo ng pinapangarap oh!Ung maging kayo ni Coleen tapos ngayon papakawalan mo pa sya?” Pilit na sinasabi ni Sam sa puso nya ito.
“Pero I can’t deny na tuwing dumarating si Devon eh bumibilis ang tibok ng puso ko,tumitigil ang pag hinga ko at naiinis ako kapag may ibang lalake na lumalapit sakanya!”Mahinahong Sagot naman nito muli sa sarili nya.
“I need to talk to Devon..”Pag pasya ni Sam. “kailangan ko sya para ipasok sa kokote ko kung gano ako Katanga kapag pinakawalan ko pa si Coleen!” Pag desisyon naman nito ngunit alam nya sa sarili nya ang tunay na rason kung bakit nya gusto Makita ang dalaga.
Makalipas ang isang araw gumising naman si Devon sa talak muli ng ate nya na si Ate Dimples.
“Hoy Devon May Seron!Gumising ka na dyan at may naghahanap sayo!”Sigaw ng ate nya mula sa baba ng kanilang bahay.
Naalipungatan naman si Devon ng maramdaman nya na may tao na sa pintuan nya.
“Ay kalabaw!” Nagulat naman na sinabi ni Devon. “Pano ka nakapasok dito Quen?” Nagtatakang tanong ni Devon sa binata.
“Pina akyat ako ng Ate mo..”Sagot naman ni Quen sa dalaga at papasok na sana sya ng pigilan sya ni Devs.
“Hep!Bawal pumasok!Kakagising ko lang noh..”At ng masabi ito ni Devon ay para naman syang sinipa ng kabayo ng maintindihan nya ang sinabi nya. “Kakagising ko lang!Quen labas!Maliligo muna ako!” Sabay tayo naman si Devon at sinarado ang pinto nya sa mukha ni Quen.
“Ate talaga oh!” Pagkamot ni Devon sa inis at naligo na.
Ng matapos naman ito ay bumaba na sya at niyaya ang binata na lumabas sa subdivision nila para dun bumili ng soft drinks at mag kwentuhan.
“Ano ba balita at napadpad ka dito?” Tanong ni Devon dito ng makahanap na sila ng mauupuan.
“Devs..Ung totoo,okay ka lang ba?” Seryosong tanong naman ni Quen.
“Woahh!!Dahan dahan lang Quen,bilis ng takbo ng topic natin di ako maka habol!” Pagbibiro naman ni Devon nguni’t alam nya ang ibig sabihin ng binata.
“Devon..”Buntong hininga naman ni Quen. “Hindi ako manhid,ramdam ko ang nararamdaman mo para kay Sam.” Pilit naman na tinititigan ni Quen ang dalaga sa mata.
Napa ngiti naman si Devon nguni’t hindi umabot ito sa kanyang mga mata. “Buti ka pa ramdam mo..”
“kitang kita naman sa mga mata mo kapag kasama mo sya eh,kung maka ngiti ka,WAGAS!” mababaw na pag bibiro naman ni Quen at hinampas sya ng dalaga.
“Quen naman eh!” Inis na sabi ni Devon.
“Nabalitaan mo na ba ang tungkol sa France nila Sam?”Tanong naman ni Quen.
“Oo naman,Kanino bang best friend si Choleng?” Sagot naman ni Devon at ngumiti.
“Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ni Sam oh kung ano ang plano nya,pero knowing him,He would do anything para sa mahal nya.”Sagot naman ni Quen.
“Pero kahit anong mang yari..ang lagi mong tatandaan ay nandito lang ako.Pwede mo ako takbuhan.Binilin ka kaya sakin ni Choleng.”Ngiti naman ni Quen at hinawakan ang kamay ng dalaga.
“Quen thank you.”Bulong ni Devon at humiga sa balikat ng binata para itago ang namumuong luha sa mata niya.
Sa ganitong panahon naman dumating si Sam at nakita ang dalawa na sobrang magka lapit sa isa’t isa.Para naman naka tayo sa buhangin si Sam ng mga oras na yon na lumobog na ang kanyang paa sa kina tatayuan ngunit ang kaibahan lang nito ay pag ka lubog nito parang isang bilyong bato ang pumipigil para makapag lakad muli ito.
Ng mapansin naman ni Quen ang binata nakatayo medyo malayo sa kinauupuan nila ay agad naman nyang binitawan si Devon na kina gulat naman ng dalaga.
“Sam!”Sigaw naman ni Quen dito at sinundan naman ng mga mata ni Devon ang kausap ni Quen.
Natauhan naman si Sam at pilit na lumapit sa dalawa.
“Ano ginagawa mo dito?”Tanong ni Quen kay Sam.
“Oh uhm,gusto ko lang sana kausapin si Devs.”Maikling sagot naman nito at nagulat si Devon sa sinabi ng binata.
“Ah ganun ba?Sige maiwan ko muna kayo.”Sagot naman ni Quen at lumayo na sa dalawa.
“Ang haba ata ng buhok ko ngayon at ang dami kong bisita?”Pilit naman pinapagaan ni Devon ang kapaligiran nila.
“I just need to ask you something..”Sagot naman ni Sam.
“Ano yon?”Tanong ni Devon.
“Kung liligawan ka ni Quen..”Pilit na tinutuloy ni Sam ang gustong sabihin. “Sasagutin mo ba sya?” pagtapos nito.
“Bakit mo naman biglang natanong yan?” Nagtatakang tanong naman ni Devon sa binata.
“Because I’m going to France tomorrow,Gusto ko lang malaman na masaya ka after what you did for me..and Coleen.”Sagot naman ni Sam.
Naramdaman muli ni Devon ang mga luha na nag babanta sa kanyang mga mata kaya naman tumayo ito at tumalikod kay Sam.
“Oo naman!”Sagot ni Devon habang pinipilit na maging matuwid ang boses nito habang pinapahid ang mga luha na walang pigil na pumapatak sa kanyang mga mata. “Magiging choosy pa ba ako!Si Quen na yon noh!Ano pa bang hahanapin ko?” pag bibiro muli ni Devon habang pilit na iniinda ang sakit na nararamdaman sa dibdib.
“That’s all I wanted to know..”Bulong naman ni Sam. “Take care of yourself Devs,I’ll see you soon.”Ang huling sambit naman ng binata at lumakad na palayo sa dalaga pero ang puso naman nito ay gustong bumalik at yakapin ang dalaga at sabihin ang tunay nyang nararamdaman.
Ng makaalis na ng tuluyan ang binata ay bigla naman buhos ng ulan pero Gabi na,hindi parin nakaka alis si Devon sa kanyang kinatatayuan.Nghina naman ang kanyang tuhod at napa upo na sa sakit na nararamdaman at binuhos nalang ang pag iyak sa ulan.

Thursday, 11 August 2011

A right Turn To Love - Chapter 9

Chapter 9
Makalipas naman ng ilang buwan ay palapit na ng palapit ang kanilang pagtatapos sa iskuwela na ibig sabihin ay malapit na rin ibigay ni Coleen ang kanyang sagot sa binata na si Sam.Si Devon naman ay hindi na rin mapakali sa alam nyang magyayari ng isang araw ay biglang sumulpot ang kanyang matalik na kaibigan sa kanilang bahay bago ang kanilang Graduation.
“Ay palaka!”Pagtalon sa gulat naman ni Devon sa kanyang kinauupuan sa kanyang kwarto. “Ikaw lang naman pala yan Bes!Kaaga aga ng gugulat ka pa!Ano ba balita at napadpad ka dito?”Tanong ni Devon dito.
“Eh Bes..mamaya na kaya ang graduation natin.Iniisip ko si Sam..Anong sasabihin ko sakanya?”Pag uumpisa ni Coleen at umupo sa tabi ni Devon.
“Sus,yun lang naman pala.”Natigil si Devon sa sinabi ng dalaga. “Eh di sabihin mo nalang sakanya ayaw parin nila tito at tita na magka boyfriend ka.”Sagot ni Devon dito at pilit na tinatago ang nerbyos na nadadama nya sa mga sinasabi ng kaibigan.
“Oh akala ko ba pasado na sayo si Sam para sakin?”Nagtatakang tanong ni Coleen kay Devon.
“Pwede na,kung sa bagay ang haba narin naman ng paghihintay nya noh!Biruin mo kahit na sinabi mo sakanya na ayaw ng magulang mo hangga’t di pa tayo gumagraduate eh nan diyan parin sya.”Sagot muli ni Devon.
“Un na nga Bes eh,ang tagal na rin mula noong tinanong nya ako.Sa tingin mo ba hangang ngayon nililigawan parin nya ako?Hindi ko na kasi nararamdaman eh..”Pag kamot naman ni Coleen sa ulo nito.
“Sa pagkaka-alam ko naman eh wala syang ibang nililigawan..”Buntong hininga naman ni Devon.
“So..sasagutin ko na sya mamaya ha?!”Pag papaalam naman ni Coleen kay Devon at tumakbo na ito palabas ng kwarto nya.
“Teka..”Huli na ng sinabi ni Devon ito.
“Ano pa ba kasing pinu problema mo dyan Devon?Eh hindi ba maganda na nga na titigilan ka narin nung Sam na yon tungkol sa panliligaw kay Coleen?Saka luluwag narin buhay mo sa  akas!”Ani naman ni Devon sa sarili nya.
“Pero kaya mo bang Makita silang dalawa na magkasama at sweet?Kakayanin ba ng puso mo yan?”Ani naman ng pangalawang boses sa utak nya.
“Kaya noh!Bakit naman hindi!Eh wala naman ako nararamdaman para sa mokong na yon!”Malakas na sambit naman ni Devon kausap ang sarili nya.
“Hay nako!Maka ligo na nga!”Sabay palo naman ni Devon sa ulo nya.
--
Pagkatapos naman ng sermon ng kanilang Graduation ay umaapaw na tuwa naman ang naramdaman ni Devon dahil sa reyalidad na tapos na sya sa pagaaral!Laking tuwa din ng magulang nya ng makapag marcha sya at makuha ang kanyang sertipiko.Ngunit pagkatapos ng kasiyahan at iyakan ay hindi na nya muling nakita ang kanyang matalik na kaibigan o ang hinahanap ng kanyang mga mata na si Sam.
“Baby Devon Congrats!”Bigla naman sigaw ng isang lalake sa kanya.Binuhat naman sya nito at sabay narin inikot.
“Thank you Quen!Congrats din!” Ngiti naman ni Devon sa binata.
“Nga pala anong plano nyo ngayon?Saan tayo mag c-celebrate?”Tanong naman ng binata dito ng biglang tumunog ang telepono ng dalaga.
Hey panget!Guess what?Kami na ng bestfriend mo!Sinagot nya ako kanina!C’mon let’s celebrate,my treat!Kasama narin si Quen at Robi,kita nalang tayo sa Greenwhich. J – Sam
Tila tumigil naman ang hininga ni Devon ng mabasa ang teksto na kanyang natanggap at naramdaman nya ang pag hina ng kanyang katawan.Ng tumingala sya kay Quen ay nararamdaman na nito ang mga luha na namumuo sa kanyang mga mata kaya naman ngumiti nalang sya dito at inabot ang telepono sa binata.
Inaasahan mo narin naman to Devon diba?Ano pang kinagugulat mo dyan!”Pag pigil ni Devon sa luha nya.
“Aba!Ang dami pala kailangan i-celibrate ngayon araw eh!Tara na sabay na tayo pumunta don!”Ngiti naman ni Quen at hindi napansin ang nararamdaman ng dalaga.
Pagdating naman nila sa lugar ay naka akbay si Quen kay Devon na pumasok sa Greenwhich.
“Andito na pala sila eh!”Biglang bati naman ni Robi sa dalawang kakarating lamang.
“Hay nako!Late nnmn kayo!”Bati din ni Coleen sa dalawa at napa lingon naman dito si Sam.
Ng Makita naman ni Sam ang dalawa ay hindi maintindihan galit at selos ang nadama nito kaya naman napatingin nalang ito sa sahig.
“Pasensya na ha!Eh late nyo naman kasi sinabi na may ganito na pala!”Pang aasar ni Quen kay Coleen at Sam.
“Oo nga!Biglaan ah!”Pilit naman na pinapasaya ni Devon ang sarili. “Congrats Sam!After ng mahabang paghihintay!” Pagbati nito sa binata.
“Salamat..”Maikling sagot nito ng dumating na ang inorder nila.
Wala naman sa isip na binigyan ni Sam si Coleen ng pizza sa plato nito at natigil naman si Devon sa nakita.
“Ahh,Sam..”Mahinang simula ni Coleen.
“Oh.”Sagot naman ni Sam ng mapagtanto nya ang kanyang nagawa. “Sorry I forgot,order nalang kita ng pasta.” Ngiti naman nito kay Coleen.
Walang katapusan pang aasar naman ang nakuha nila Sam at Coleen sa tatlo nilang kaibigan,Di makakailang sweet parin si Sam kahit na hindi nito alam ang kanyang nararamdaman.Ng ihatid na ni Sam si Coleen sa kanilang bahay ay tahimik na ito ng biglang huminto ang kotse ni Sam sa harap ng bahay nila Coleen.
“Sam,what’s wrong?” Tanong nito sa binata.
“Nothing,why?”nagtatakang sagot naman ni Sam.
“Kanina ka pa wala sa sarili mo dyan.Simula nung dumating sila Devon at Quen kanina.”Mahinang sagot nmn ni Coleen.
“I’m sorry,pagod lang siguro.”Ngiti naman ni Sam.
“No,I don’t think that’s it.”pagiiling naman ni Coleen sa ulo nya. “Look,I know matagal na simula nung sinabi mo na gusto mo ako and ngayon lang kita sinagot and hindi ko alam kung ganon parin ang nararamdaman mo para sakin.”Pag paliwanag ni Coleen kay Sam.
“Pero nandito ako,I think that answers your question na ikaw parin.”Sagot naman ni Sam.
“That’s what your mind is saying Sam but your heart says otherwise.I can feel it.”Tinitigan naman ni Coleen si Sam ng diretso at wala ng maisagot si Sam.
“Look,pinapa punta na ako nila mommy sa France soon.Bibigyan kita ng oras para makapag isip.Kung ako parin talaga,nandun lang ako.Puntahan mo ako,pero kung hindi ka dumating,I guess alam na natin ang sagot.”Ngiti naman ni Coleen sa binata.
“I’m not mad..basta isipin mo kung saan ka masaya.”Huling salita naman ni Coleen at bumaba na ito ng sasakyan.