Thursday, 29 December 2011

You Stole My Heart - Chapter 2

Chapter 2
“Queeeeeeenn!Bilhan mo na ako nung ube ice cream kay manong dun sa labas pleaaaseee!” Pag pipilit ni Devon sa kaibigan na parang bata.
“Alam mo minsan hindi ko talaga alam kung anong klaseng tao ka Beh!” Pang aasar ni Quen sa dalagang katabi nya.Tinawag nya itong Beh bilang ito ang tawagan nilang dalawa.Si Quen lamang kasi ang madalas na nakakasundo nito sa barkada.
“Queeenn behhh,dali na please?” At tila ng puppy eyes pa ang dalaga kay Quen.
“Oh sige na nga!Dyan ka lang ha!Babalik ako..” At tuloy na ngang tumayo si Quen at binilhan ng ice cream ang dalaga.
Samantala dumating naman bigla ang iba pa nilang kaibigan kasama ang bago nilang nakilala na si Sam.
“Morning Devs!”Bati ni Fretzie sa dalaga.
“Morning Charming!” Ngiti naman ni Devon.
Ngunit ang mga ngiti sa labi ni Devon ay pawing nawala ng nakita ang kasama ng mga kaibigan.
“Anong ginagawa mo dito ha??” Pag sigaw ni Devon kay Sam.Tila nag iba agad ang mood ng dalaga ng Makita ang binata.
“Woah woah!Easy lang Devs,mahina kalaban mo!” Pag papa kalma ni Robi kay Devon.
“Miss..” Bangit ni Sam. “Este..uhm Devon right?Sorry na!Di ko naman sinsadya eh.” Pagkamot ni Sam sa ulo nya.
“Kahit na!Ayoko parin sayo noh!” Pag pamewang ni Devon ng biglang…
……………..

“Miss Devon Seron at Sam Concepcion!” Sigaw ng isang matining na boses ng titser nila.
Para naman nakuryente si Devon at agad binaba ang kamay na parang mabait na bata.
“Ay ma’am ano po un?”Tanong ni Devon.

“In my office,NOW!”Sigaw ng guro nila at nagulat naman ang dalawa ngunit sumunod nalamang.


“Devon,ano itong kumakalat sa school na naka-away mo daw ang bagong studyante dito sa school natin na si Sam?” May sternong tanong ng kanilang guro.
Napa batok naman si Devon sa sarili ng marinig nya ito.
“Ah Ma’am kasi po..kasi..uhhh..” walang maisagot si Devon sa guro nila.
Sa kabilang banda naman,hindi maka paniwala si Sam na ang angas angas na babae kanina ay titino ng ganito ng ang guro na nila ang kaharap.Pinipilit nitong hindi tumawa.
“Uhm Ma’am ako po kasi may kasalanan.Hindi po ako tumitingin sa dinadaanan ko kaya nabungo ko po si Devon at natapunan ko po sya ng kape.” Tinulungan na ng binata ang dalaga sa pag sagot.
“Kahit na Sam!Wala parin karapatan si Devon na gumawa ng skandalo sa school!”Pag diin ng guro nila. “Ikaw naman Devon!Ilang beses ka na napapatawag sa Principal’s office pero hindi ka parin tumitino!Ka babae mong tao ganyan ka umasal!” Pag ssermon nmn nag guro nila kay Devon.
“Sorry po Mam.” Naka simangot na sagot ng dalaga.
“To make it up for your misbehaving gusto ko ikaw ang maging kaibigan ni Sam sa school na ito!Ikaw ang tumulong sakanya na masanay dito sa school!Show him how great this school is.Malinaw ba yon?” Pag tanong ng guro.
“Pero Mam!” Pag tutol naman ni Devon.
“Walang pero pero Ms. Seron.Now get to your class!” Pag taas ng boses ng guro nila at lumabas na ang dalawa.
*
“Pano ba yan?Mukhang lagi tayong magkakasama?” Pang aasar ni Sam sa dalaga.
“Manahimik ka nga!Baka saktan kita dyan eh!” Pag sigaw muli ni Devon sa binata.
“Haha!Joke lang ito naman!Tara na nga i-tour mo na ako!” Pag yaya ni Sam.
“Ah joke pala ah?” Maangas na tanong ni Devon at handa ng suntukin si Sam.
Pag suntok nito ay naka iwas ang binata at na out of balance si Devon.Buti nalang at mabilis ang reflex ni Sam at nasalo nya ito.Nag kalapit ang kanilang mga mukha.
Sa ganitong pusisyon nakita ni Quen ang dalawa.
“Uhm beh,ube ice cream mo nga pala.” Pinipigilan na tumawa ni Quen.


Saturday, 17 December 2011

You Stole My Heart - Chapter 1

Chapter 1
Nguusap ang barkada sa Snackery area ng school nila ng biglang tumatakbong dumating si Fretzie at tila may importanteng sasabihin sa kanila.
“Oh anong problema Fretz?” Nagtatakang tanong ni Quen sa kaibigan.
“Si Devon..” Hinihingal na sinabi ni Fretzie. “Si Devs..” pilit na tinatapos ang sasabihin.
“Ano nnmn ngyari don?May kaaway nnmn ba?” Tanong ni Coleen sa dalaga.
“Kailangan ba natin back up-an?Marami bang kaaway?” Tila wala sa mood na tinanong ni Robi bilang sanay na sya sa mga ngyayari sa kaibigan nila.
“Hinde!” Nakayanan na sumigaw ni Fretzie. “Ung kaaway nya ang kailangan natin back up-an!Kawawa naman walang kalaban laban!Baguhan ata dito at si Devon ang naka banga!” Napaliwanag na sa huli ni Fretzie.
“Ano?!”Sigaw ni Quen. “Hala kayo tara na!Baka kung ano pa magawa nun don!” Sabay takbo si Quen sa pinaggalingan ni Fretzie kanina at sumunod naman ang barkada.
--
“Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!Ayan tuloy nabungo mo ako!Tignan mo nga oh!Nabuhos mo pa ung bwiset na kape mo sa damit ko!!”Sigaw ni Devon sa isang binata na kaharap nya.
Buti nalamang ay may pumipigil na sa dalaga na bugbugin ang lalakeng nsa harap nya.Tatlong lalake ang naka hawak dito ng dumating sila Quen.
“Devon,ano nnmn ba ang ngyari?!” Si Quen na ang humawak sa dalaga.
“Ayan kasi oh!Yang lalakeng yan sinira araw ko!” Sigaw ni Devon at tila tatangalin ang sapatos para ibato sa binata.Buti nalamang ay napigilan sya ng mga kaibigan nito.
“Oh oh tama na!Para naman bawal na gumawa ng kamalian kapag kasama ka!”Pag pigil ni Quen sa kaibigan.
“Kami na bahala sa damit mo Devon..papahiramin ka nalang namin.May extra damit ako kasi may training kami sa volleyball mamaya eh..”Pilit na pinapakalma ni Coleen ang kaibigan.
“Ayoko nga!Mamaya pang babae ang ibigay mo sakin na damit!” Hindi parin kumakalma na sinabi ni Devon sa kaibigan.
“Sorry na Miss,hindi ko sinasadya..”Sa wakas nagsalita na ang binata na kinaiinisan ni Devon.
Napa palo nmn ang mga kaibigan ni Devon sa ulo ng bangitin ng binata ang salitang “Miss”
“Aba!Ngaasar pa ata itong mokong na to!Anong Miss?Ano suntukan nalang oh!” Pilit na kumakalas si Devon sa hawak ni Quen.
“Halika na Devs,tama na yan!” At binuhat na ni Quen ang dalaga papalayo sa basketball court kung san nagsimula ang away.
“Pasensya ka na ha..Uhm..”Kumamot si Robi sa ulo at nilahad ang kamay.
“Samuel pare..”At kinuha ang kamay ni Robi.
“Ah yon,Samuel..Ako nga pala si Robi..Bago ka ba dito?”Tanong nito.
“Oo eh..Mejo naguguluhan pa nga ako..Ung babaeng yon..”Nalilitong tanong ni Sam kay Robi.
“Ah yon,Si Devon yon..Darling Dude yan dito..Eh may pagka tibo lang kaya ganun.Pasensya na ulit ha?” Pag paliwanag ni Robi.
“Wala yon..”Ngiti naman ni Samuel.
“Ah ano,ganto nalang.Tour ka nalang naming dito sa School..mukhang naliligaw ka pa eh.”Alok naman ni Robi.
“Sure..salamat!”Sagot ni Sam at sumama na sa binata.
Tahimik lamang ito habang tntour sya ng bagong kaibigan pero sa isip isip nya ay hindi matangal ang ‘Babaeng’ nakita kanina..

You Stole My Heart

You stole my Heart
Cast:
Sam Concepcion
Devon Seron
Enrique Gil
Robi Domingo
Coleen Garcia
Fretzie Bercede
(Other characters may be added)

Story line:
Isang napaka Boyish na babae si Devon,madalas syang napapa-away sa school at kung umasta eh mas maangas pa sa lalake.Madali sya magalit at maari ka nyang bugbugin kapag gutom sya.Ang alam nya sa sarili nya ay isa syang Tomboy..pero magbabago lahat ito ng Makita nya ang lalakeng magpapatibok ng manhid na puso nya.

Patikim:
“Dev tibo ka ba talaga?” Tanong ni Samuel  kay Devon.
“Oo,Baket?May angal ka?” Maangas na sagot ni Devon at tila pinakita pa ang kamao nya sa binata.
“Eh kung halikan kita,may mag bago kaya?” Seryosong tinanong muli ni Sam at nilingon ang katabing dalaga.


Friday, 11 November 2011

Perfect Two - One Shot :)

Taping nila Sam at Devon para sa bago nilang teleserye na Angelito. Hindi naman mapakali si Devon dahil unang beses nya na makaka trabaho si Sam as  ka- Love team.

"Cut!" Sigaw ng Direktor nila kena JM at Charee. "Well done guys,break muna kayo.SamVon kayo na susunod kaya mag ready na kayo!" pinaalalahan naman ni Sir Ted sa dalawa.

Mas lalo naman bumilis ang tibok ng puso ni Devon ng marinig nya ito. "Hala pano na to!" paulit ulit na sinasabi ni Devon sa utak nya. "Kaya mo to,kaya mo to.."paulit ulit nya sinasabi sa sarili at naglakad lakad muna sa lugar na pinag sh-shootingan nila.Si Sam naman ay tahimik na nakikinig sa kanyang iPod ng biglang mapansin na nawala na ang dalaga.

"Devs?"Tanong nito ng makita ang dalaga na naka upo sa isang duyan na may pagkalayo sa mga tao sa taping.

"Ay palaka!" Gulat naman ni Devon ng marinig ang binata. "Samuel naman eh!" pag hampas ni Devon kay Sam.

"Aba!Naka hampas ka nanaman ah!Saka Samuel talaga?Ms. Devon May Natividad Seron,ano nnman ba itong minumukmok mo ha?" Pang aasar ni Sam sa dalaga at umupo sa tabi nito.Muli sa ginawa ng binata ay parang nakuryente si Devon at agad na umiwas magkadikit silang dalawa.

"Kinakabahan kaya ako noh!"Pag papaliwanag ng dalaga. "Ngayon lang ako nabigyan ng ganitong role...tapos ikaw pa ung ka partner ko." 

"Wushuuu miss mo lang si Jaime eh!"Pang aasar muli nito sa dalaga ngunit sa loob loob neto sya ay nag seselos na. "Sya parin pala" bugtong hininga ni Sam sa sarili nya.

"Hindi kaya!"Hinampas muli ni Devon ang binata. "Tignan mo nga kasi to oh!Unang scene natin may almost 'kissing scene' pa!" binato ni Devon sa binata ang script at tumayo patalikod dito,namumublema.

Natawa naman ang binata sa inaasal ni Devon at patuloy na inasar ito. "Bakit ka kinakabahan eh almost lang naman?" pinipigilan nitong tumawa.

"Eh kasi-" hindi natuloy nasabi ni Devon ang sasabihin dahil pagkalingon nya ay hindi inaasahan na nasa likod nya ang binata.Sentimetro nalang ang pagitan ng kanilang mga mukha.

"Parang ganto lang naman yan eh.."Mahinang binangit ni Sam at hinawakan na ang mukha ni Devon.

Hindi na napigilan ni Sam ang nararamdaman nya para sa dalaga. "Devs close your eyes and I will lean in to kiss you.Pero kung hindi,tatangapin ko na hindi ako ang gusto mo."

Natatakot si Sam sa gagawin ng dalaga,matagal na syang nalilink dito ngunit madalas ay off cam lang dahil sa iba't iba nila ka Love team On screen ay hindi nya mapakita ang lihim nyang pag tingin sa dalaga.Hindi rin naman sya sigurado kung ano nga ba ang tunay na nararamdam nito para sa kanya.

Dahan dahan na nga na pinikit ni Devon ang kanyang mga mata senyales na sinasagot na nya ang binata  at laking ngiti naman ni Sam dito.
Lumapit pa sya at tuloy na ngang hinalikan ang dalaga.

"Thank you,you have no idea how happy I am" binulong ni Sam.

Napangiti nalang si Devon. "I love you.." ngiti nito.

"I love you more.." at hinalikan muli nito sa noo ang babae na ngayon ay sakanya nya.


Friday, 26 August 2011

A Right Turn To Love - Epilogue

"Ma'am may bisita po kayo."Pahiwatig naman ng kasambahay nila Coleen sa dalaga.
"Ay ganon ba?Sige papasukin mo Ate."Pag ngiti naman ni Coleen at nagtataka kung sino ito.
Bigla naman pumasok ang isang pamilyar na binata na kina gulat naman ni Coleen.
"Quen?Anong ginagawa mo dito?"Nagtatakang tanong ni Coleen sa binata na naka porma.
"Ah eh..."Nangamot si Quen sa ulo na pilit hinahanap ang tamang sasabihin."Aakyat sana ako ng ligaw."Ngiti nito sa dalaga.
"Hmmmm...Kung kaya mong maghintay ng One year!"Pag bibiro naman ni Coleen na kina gulat ni Quen.
"Choleng naman eh!!"Pag mumukmok ni Quen.
"Gusto ko kasi ung magaling kumanta eh!Eh sintunado ka naman!"Pag mamataray ni Coleen at nag walk out.
Sinundan naman sya ni Quen at pilit na binibigay ang chocolate na dala at kinakantahan na kinakatawa naman ni Coleen.

***************

Naka upo naman ang dalawang mag kasintahan sa isang malaking fountain sa Bay walk.

"Happy Anniversary Bubbles!I love you!"Bulong naman ni Sam kay Devon.
"Happy Anniversary din and I love you too Bubbles!"Ngiti naman ni Devon.
"Kain tayo pizza?"Tanong ni Sam.
"Basta walang pepper at Lagyan natin ng maraming Pineapples ha!"Sagot ni Devon.
"Dyan tayo hindi nagkaka sundo eh!"Buntong hininga naman ni Sam.
"Gusto mo ng peppers?"Naka kunot naman na tanong ni Devon sa kasama.
"Peppers,un ung pinaka masarap!"Sagot ng binata sakanya.
"Gusto ko Pineapples!!"Pag dadabog naman ni Devon.
"Ayoko non!"Sagot naman ni Sam.

Tumayo naman agad si Devon na naka kunot ang nuo papalayo sa binata ng biglang tumunog ang kantang "Teach Me How To Dougie".Natigil naman si Devon at lumingon sa binata na nag patugtog nito.
Pag lingon nya  ito ay sumasayaw na at kina wala ng inis ng dalaga at sinabayan nalang ito.


THE END

A Right Turn To Love - Happily Ever After.

Nagulat naman si Devon ng biglang mag ring ang telepono nya bilang sinyales na meron tumatawag dito.
Convo:

Devs: Hello Choleng?
Coleen: Hey Baby Devs!Nagyayaya kasi si Quen mamaya gabi daw sa Bay walk,Sama ka ha!
Devs: Ha?Biglaan naman ata?Pero sige  punta ko.Sini sino ba tayo?
Coleen: Yay!See you there baby!Wala ng bawiaan yan ha?
Devs: Eh teka sino sino ba tayo?
Coleen: Tayong lima parin!Quen,Robi,Me you and Sam.
Devs:Wait-
Coleen: See you!

*End of Convo

"Ugh!Bakit ba kasi ako na pa Oo kay Best!Hindi ko man lang inalam kung sino sino kami!"Pag batok naman ni Devon sa sarili pagkatapos makipag usap sa kaibigan.

Hindi naman mapakali si Devon sa ideya na magkikita muli sila ng pilit na binabaon sa limot na binata na si Sam.Tumayo naman agad ang dalaga at humanap ng maso-suot nya sa kanyang aparador at nakita ang paborito nyang bistida na kulay Ube.Simple lamang ito pero ng kanyang isuot ay para syang diwatang prinsesa.Hangang tuhod nya lamang ito kaya muli,nakita ang mahabang makinis na binti ng dalaga.Pinareha naman nya ang isang high heels na kulay itim rito.Kinulot naman nya ang kanyang buhok at bumagsak naman ito sa isang magandang ayos na nababagay sa dalaga.Ng matapos sya ay dali dali naman sya sumakay sa sasakyan at pumunta na sa paroroonan.

"Kaya mo ito Devs."Pilit naman na pinapaniwala ni Devon ang kanyang sarili ng makarating na sya sa lugar kung saan sila magkikita.
"Uy nandito na pala si Baby Devs eh!"Pag bati naman ni Quen ng makita na ang dalaga papalapit sa kanila.
"Woahh.Ikaw ba talaga yan?Bakit parang babae ka ngayon?"Dagdag naman ng binata sa huli ng makitang mabuti ang dalaga.
"Quen wag mo akong umpisahan!"Pag banta naman ng dalaga at tumatawang sinuntok nito ang kaibigan sa balikat.
"Pero Oo nga Bes!Iba talaga itsura mo!Ngayon nalang ulit kita nakita ng ganyan ayos after ng pangalawang araw natin sa highschool pagkatapos mong makita si Quen!"Pag biro din ni Coleen.
"Uyyyy!!Ibig sabihin ba nyan may bago kang pinapagandahan?"Pang aasar naman ni Robi at napuno na ang dalaga at binato ang hawak na bag sa binata.
"Oi!Di pa tayo nag sisimula may target ng upakan si Devon!"Pag biro naman ng isang binata na kina tigil naman ng tibok ng puso ni Devon.
Lumingon naman si Devon kung saan nggagaling ang boses ng binata nguni't muli parang sinaksak ang puso nya ng hindi mabilang na kutsilyo.

Sa tabi ng binata na si Sam ay isang chinita na babae na ubod ng kagandahan.Isang matangkad maputi at papasang isang modelo..

"Hey Devs!Long time no see.."Maikling pag bati naman ni Sam ng makita ang lumingon na dalaga.
"Hey.."Ang lumabas lamang sa bibig ng dalaga.
"This is Emman nga pala..Hindi po sya nameet kasi last alis namin hindi ka sumama."Pagpapakilala naman ni Sam sa babaeng kasama nya at pilit nalang na ngumiti si Devon.
"HOY!Natulala na kayo dyan dalawa!Sam,hindi mo naman sinabi kasama pala natin si Emman!Tara na nga Guys at gutom na ako!"Pag sigaw naman ni Coleen at hinatak na ang kaibigan at sumunod naman ang barkada sa kanila.
"Devs.."Humabol naman si Quen sa magkaibigan at hinawakan ang kamay nito at pinsil at tinignan sa mata. "I'm here." binulong nito.

Ngmaka kita na sila ng pagkakainan ay agad agad naman silang Um-order at kumain.Nanahimik nalang si Devon habang hindi maiwasan na mapansin ang pagiging sweet ni Sam sa dalaga na kasama nya.

"Here Emman!You have to try this!The best to,favorite namin to kainin kapag pumupunta kami dito."Pag abot naman ng pagkain ni Sam sa katabing dalaga at binigyan ito.
Ng sila ay matapos nag paalam naman si Devon para gumamit ng CR at hinintay naman sya ng barkada.Pag pasok nya dito ay agad naman nya tinignan ang sarili sa salamin.

"Ang tanga tanga mo Devon!Sinabi ko naman sayo na wag kang umasa eh!Pero Asa ka parin ng Asa!Araw araw sinasampal na kita diba!Sabi ko tama na,masasaktan ka lang ulit.Kalimutan mo na sya parang awa na!Pero tignan mo ngayon!Akala mo kaya mo!Pero ano nanaman napala mo?Wala diba?WALA!"Sinisigaw ni Devon ang mga salita sa sarili habang walang pigil na pumapatak ang mga luha sa kanyang mga mata. 

Ngmaka ipon na ng lakas ng luob ang dalaga ay lumabas na ito at hinarap na ang barkada na nghihintay sakanya.
"Guys Sorry,mejo sumama na kasi ung pakiramdam ko.Uuwi na muna ako,nahihilo na kasi ako eh."Pag papaliwanag ni Devon habang pilit na hindi ipakita ang kanyang namumulang mga mata.
"Hatid na kita."Batid naman ni Sam.
"No.Kaya ko na ang sarili ko.I brought my car with me."Pag tangi ni Devon at lumabas na ng Mall habang pumapatak muli ang mga luha sa mata.
Hindi naman sya naka layo ng biglang may humatak ng kanyang kamay.
"Devon what's wrong?"Paghatak ni Sam at pilit na tinitignan sa mata.
"Nothing.Nahihilo lang ako."Pag tangal naman ni Devon sa mahigpit na hawak ng binata at pilit na pagpatuloy ng paglalakad.
"I said,hahatid na kita."Pag hatak muli ni Sam.
"Okay lang ako!Bumalik ka na don at baka hinihintay ka na ni Emman!"Pag sigaw ni Devon at kumakalas sa hawak ng binata.
"Is this about Emman?"Pagtatakang tanong ng binata. "Are you...?Jealous?"Tanong nito habang hindi parin binibitawan si Devon.

Bumubuhos naman ang luha ni Devon ng hinarap ang binata."Tama na Sam..Pagod na ako!Ayoko ng masaktan!"Bulong nito at nabitiwan ni Sam ang kanyang kamay.
"Ang sakit sakit na Sam!Araw araw nasasaktan ako tuwing nakikita kita!Pilit kong pinapasok sa kokote ko na kahit pag balibaliktarin man itong mundo to ay hindi mo ako magugustohan!At naiinis ako sa sarili ko dahil umaasa parin ako!Umaasa na sana isang araw makita mo rin ako!Na sana isang araw ako naman ang magustohan mo!Mahal kita,gago ka!" Pag dagsa naman ng mga luha ni Devon itong sinasabi at tumalikod para mag lakad muli.
Ng biglang naramdaman naman ni Devon ang paghatak sa kanyang kamay ngunit ng maka harap ito sa binata ay ang labi naman nito ang kanyang naramdaman.Para syang binaril sa puso pero imbis na masaktan ito ay para naman syang pinatay sa kasiyahan.Tinugunan nya ang halik na naghihintay ng ganti at naramdaman ang pagmamahal ng binata.

"You don't have to be jealous Devon.Dahil ikaw lang ang mahal ko.Ikaw ang gusto ko."Pag ngiti naman ng binata ng tinigil nya ang halik.
"Hindi mo alam kung gano kita gusto hilahin sa mga lalaking laging naka akbay sayo,laging naka dikit sayo.Hindi mo alam kung pano tumitigil ang puso ko kapag nakikita ka,kapag ngumingiti ka.Hindi mo alam ang pag pigil ko sa sarili ko sa mga gabi gusto kitang tawagan para marinig lang ang boses mo.Hindi mo alam kung gano kita kamahal!"Pagbulong ni Sam sa labi ng dalaga.
"You complete me Devon and I love you to infinity and beyond." Pag halik naman ni Sam sa ilong ng dalaga.

"Btw,Emman..Emman is our 1st year High School buddy.She's Robi's Girlfriend." Pag ngisi naman ni Sam at pinalo sya ng malakas ni Devon.



Saturday, 20 August 2011

A Right Tun To Love - Chapter 11


Chapter 11
~After One year~
Kakalabas lang ni Quen sa bahay nila para pumunta sa Gym ng biglang nag ring ang telepono nya.
*Calling.. Unknown number*
“Sino naman to?”Nagtatakang tanong ni Quen sa sarili nya dahil sa hindi kilalang numero pero sinagot narin nya ito.
“Hello?”
“Hey man!It’s Sam!Kamusta na dude?”
“Hoyyy!Im aight man,ikaw kamusta?Tagal mo na hindi ngpapakita ah!”
“Look man,I have loads to tell you.Meet me at D-Underground club at 7 okay?”
“Okay see you there.”
Ng tumutok na ng ala syete ang relo ni Quen ay dali dali naman syang pumunta sa sinabing lugar ng kaibigan at hinintay ito doon.
“Hey dude!” Pag bati naman ni Sam kay Quen at niyakap ang kaibigan.
“Dude!Long time no see!Ano na bang balita sayo?Tagal mo rin nawala tapos ngayon ka lang magpapakita?” Tanong naman ni Quen sa binata.
“I was very busy eh and I lost your phone number and everyone else’s!Then naiwan ko ung phone ko kung saan as soon as makatapak ako ng Paris.Didn’t have time to email you either!Mom was pressuring me talaga about our business in France kaya wala narin akong time para mag chill!”Paliwanag naman ni Sam sa kaibigan.
“Ah yeah I forgot how strict tita is..”Pag tango naman ni Quen. “So pano mo nakuha ung number ko?Nakita mo na ba ung iba pa,how about Robi?”Tanong naman nito.
“Un na nga dude eh!Wala ako ka idea kung pano ko kayo ma ko-contact!Buti nalang nakasalubong ko si Emman sa mall noon and asked for your guys number.Remember her?Our 1st year highschool buddy?”Sagot naman nito.
“Ah Emman!Of course,ung crush na crush ni Robi..Eh kayo naman ni Choleng?Kamusta kayong dalawa?Bakit di mo sya kasama ngayon?”Tanong naman ni Quen.
“Coleen?”Nag tatakang tanong ni Sam sa binata. “I haven’t seen her since I left..although I heard na sa Strasbourg sya nag sstay,pero yeah you know mom,I couldn’t even visit her there nga eh.”Paliwanag muli ni Sam.
“Teka teka!Ang gulo nun dude ah?Diba pumunta ka sa France for Choleng?Sinundan mo sya dahil un ang sagot mo?”Nagtatakang tanong ni Quen sa kaibigan.
Natawa naman si Sam sa hindi pagkakaunawan nilang dalawa. “No no,pumunta ako doon para sa business nga namin.Masama na kasi ang pakiramdam ni Dad and mom thought he needs a rest kaya ako napasugod don and well Choleng..we talked,okay na kami.”
Nagulat naman si Quen sa sinabi ng binata at sinuntok ito pabiro sa balikat. “All this time dude un pala ang reason bakit ka pumunta doon!”Natatawang sagot naman ni Quen. “And akala ko bumalik ka dito para imbitahan sa kasal nyo ni Choleng!” Tumatawa na sinabi ni Quen.
“Well I guess kasalanan ko din since umalis ako ng walang paliwanag.”Tumatawa narin na sagot ni Sam ng maalala nya ang taong kanina pa nya gusto Makita. “Hey!How’s you and Devs nga pala?” Kalmadong tanong naman ni Sam.
“Me AND Devon??” Pinipilit na hindi tumawa ni Quen. “Dude walang kami.Never  nagging kami..” Tumatawa muling sinabi ni Quen.
**
“BESTFRIEEEEEEEEEEEEEENNNNNNNNDDDDDDDDDDDDDD!!!” Malakas na sigaw naman ni Coleen pag pasok sa kwarto ni Devon.
“Uhh ano ba natutulog pa ko!”Wala naman sa isip na sagot ni Devon ang kaibigan.
“Aba!Hindi mo ba nakikilala kung sino kausap mo?!” Pag pamewang naman ni Coleen sa tampo.
Best friend..best friend..best friend.. Ang naglalaro naman sa utak ng dalaga ng biglang.
“CCCCCCHHHOOOOLLLEEEEENGGGGGGGGGGGGG!!!”Pag tayo naman ni Devon at niyakap ang matagal ng hindi nakita na kaibigan.
“Nakakainis ka!Bakit ngayon ka lang nagpakita!Ngayon ka lang nag paramdam!After one year iniwan mo best friend mo ng hindi man lang tumatawag ni minsan!”Pag palo naman ni Devon sa dalaga dahil sa inis.
“Sorry naman Best!Eh ang hirap kaya mag aral sa France lalo na college!Kinuha ni Ate ung phone ko sakin!Pero kahit ganon sinubukan parin kita tawagan noh!Nag lalakad ako papuntang school para lang ipunin pamasahe ko pantawag sayo!Kaso nung tinawagan kita wala naman sagot,iniba mo na number mo!Tapos nalaman pa ni Ate ung ginagawa ko kaya hindi narin nya ko binibigyan ng pera at hinahatid nalang sa school.”Pag papaliwanag naman ni Coleen na parang paiyak na sa pinag danasan nya.
“Ay!Nakalimutan ko,Strikto nga pala yang step sister mo!”Pag pasensya ni Devon dito.
“Pero Choleeeeeeeengg!!Namiss kita sobra!!”Pagyakap naman muli ni Devon sa kaibigan.
“Ako din!Wala ka parin pinag bago!Ang hilig mo parin gumising ng tanghali na!”Sagot naman ni Coleen.
“Pero syempre sa tagal natin hindi pagkita,treat kita!Alis tayo ngayon!Kahit ano,kahit saan!Basta ikaw!” Pag ngisi naman ni Coleen sa dalaga at natawa nalang si Devon.
“Eh teka..wala ka bang kasama?”Bigla naman natigilan si Devon. “Si Sam?”Mahinang tanong nito.
“Sam?”Nagtatakang tanong ni Coleen sa kaibigan. “Samuel?Hindi naman nya ako sinundan eh,pero we talked na nga and everything’s fine between us.”Pag ngiti naman ni Coleen.

A Right Tun To Love - Chapter 10


Chapter 10
Ng dumating si Sam sa bahay nila ay humiga ito sa kama at inisip ang sinabi ng dalaga na si Coleen kanina sa Sasakyan.Tila nalilito ito sa nararamdaman nya,Oo matagal na syang may gusto kay Coleen pero makalipas ang ilang buwan na nakakasama nya si Devon ay walang duda na nag iiba ang tibok ng puso nya kapag nakikita nya ito.
“Sam what is wrong with you?!” Sigaw naman ni Sam sa sarili. “What the hell is wrong with you?Nandyan na yung matagal mo ng pinapangarap oh!Ung maging kayo ni Coleen tapos ngayon papakawalan mo pa sya?” Pilit na sinasabi ni Sam sa puso nya ito.
“Pero I can’t deny na tuwing dumarating si Devon eh bumibilis ang tibok ng puso ko,tumitigil ang pag hinga ko at naiinis ako kapag may ibang lalake na lumalapit sakanya!”Mahinahong Sagot naman nito muli sa sarili nya.
“I need to talk to Devon..”Pag pasya ni Sam. “kailangan ko sya para ipasok sa kokote ko kung gano ako Katanga kapag pinakawalan ko pa si Coleen!” Pag desisyon naman nito ngunit alam nya sa sarili nya ang tunay na rason kung bakit nya gusto Makita ang dalaga.
Makalipas ang isang araw gumising naman si Devon sa talak muli ng ate nya na si Ate Dimples.
“Hoy Devon May Seron!Gumising ka na dyan at may naghahanap sayo!”Sigaw ng ate nya mula sa baba ng kanilang bahay.
Naalipungatan naman si Devon ng maramdaman nya na may tao na sa pintuan nya.
“Ay kalabaw!” Nagulat naman na sinabi ni Devon. “Pano ka nakapasok dito Quen?” Nagtatakang tanong ni Devon sa binata.
“Pina akyat ako ng Ate mo..”Sagot naman ni Quen sa dalaga at papasok na sana sya ng pigilan sya ni Devs.
“Hep!Bawal pumasok!Kakagising ko lang noh..”At ng masabi ito ni Devon ay para naman syang sinipa ng kabayo ng maintindihan nya ang sinabi nya. “Kakagising ko lang!Quen labas!Maliligo muna ako!” Sabay tayo naman si Devon at sinarado ang pinto nya sa mukha ni Quen.
“Ate talaga oh!” Pagkamot ni Devon sa inis at naligo na.
Ng matapos naman ito ay bumaba na sya at niyaya ang binata na lumabas sa subdivision nila para dun bumili ng soft drinks at mag kwentuhan.
“Ano ba balita at napadpad ka dito?” Tanong ni Devon dito ng makahanap na sila ng mauupuan.
“Devs..Ung totoo,okay ka lang ba?” Seryosong tanong naman ni Quen.
“Woahh!!Dahan dahan lang Quen,bilis ng takbo ng topic natin di ako maka habol!” Pagbibiro naman ni Devon nguni’t alam nya ang ibig sabihin ng binata.
“Devon..”Buntong hininga naman ni Quen. “Hindi ako manhid,ramdam ko ang nararamdaman mo para kay Sam.” Pilit naman na tinititigan ni Quen ang dalaga sa mata.
Napa ngiti naman si Devon nguni’t hindi umabot ito sa kanyang mga mata. “Buti ka pa ramdam mo..”
“kitang kita naman sa mga mata mo kapag kasama mo sya eh,kung maka ngiti ka,WAGAS!” mababaw na pag bibiro naman ni Quen at hinampas sya ng dalaga.
“Quen naman eh!” Inis na sabi ni Devon.
“Nabalitaan mo na ba ang tungkol sa France nila Sam?”Tanong naman ni Quen.
“Oo naman,Kanino bang best friend si Choleng?” Sagot naman ni Devon at ngumiti.
“Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ni Sam oh kung ano ang plano nya,pero knowing him,He would do anything para sa mahal nya.”Sagot naman ni Quen.
“Pero kahit anong mang yari..ang lagi mong tatandaan ay nandito lang ako.Pwede mo ako takbuhan.Binilin ka kaya sakin ni Choleng.”Ngiti naman ni Quen at hinawakan ang kamay ng dalaga.
“Quen thank you.”Bulong ni Devon at humiga sa balikat ng binata para itago ang namumuong luha sa mata niya.
Sa ganitong panahon naman dumating si Sam at nakita ang dalawa na sobrang magka lapit sa isa’t isa.Para naman naka tayo sa buhangin si Sam ng mga oras na yon na lumobog na ang kanyang paa sa kina tatayuan ngunit ang kaibahan lang nito ay pag ka lubog nito parang isang bilyong bato ang pumipigil para makapag lakad muli ito.
Ng mapansin naman ni Quen ang binata nakatayo medyo malayo sa kinauupuan nila ay agad naman nyang binitawan si Devon na kina gulat naman ng dalaga.
“Sam!”Sigaw naman ni Quen dito at sinundan naman ng mga mata ni Devon ang kausap ni Quen.
Natauhan naman si Sam at pilit na lumapit sa dalawa.
“Ano ginagawa mo dito?”Tanong ni Quen kay Sam.
“Oh uhm,gusto ko lang sana kausapin si Devs.”Maikling sagot naman nito at nagulat si Devon sa sinabi ng binata.
“Ah ganun ba?Sige maiwan ko muna kayo.”Sagot naman ni Quen at lumayo na sa dalawa.
“Ang haba ata ng buhok ko ngayon at ang dami kong bisita?”Pilit naman pinapagaan ni Devon ang kapaligiran nila.
“I just need to ask you something..”Sagot naman ni Sam.
“Ano yon?”Tanong ni Devon.
“Kung liligawan ka ni Quen..”Pilit na tinutuloy ni Sam ang gustong sabihin. “Sasagutin mo ba sya?” pagtapos nito.
“Bakit mo naman biglang natanong yan?” Nagtatakang tanong naman ni Devon sa binata.
“Because I’m going to France tomorrow,Gusto ko lang malaman na masaya ka after what you did for me..and Coleen.”Sagot naman ni Sam.
Naramdaman muli ni Devon ang mga luha na nag babanta sa kanyang mga mata kaya naman tumayo ito at tumalikod kay Sam.
“Oo naman!”Sagot ni Devon habang pinipilit na maging matuwid ang boses nito habang pinapahid ang mga luha na walang pigil na pumapatak sa kanyang mga mata. “Magiging choosy pa ba ako!Si Quen na yon noh!Ano pa bang hahanapin ko?” pag bibiro muli ni Devon habang pilit na iniinda ang sakit na nararamdaman sa dibdib.
“That’s all I wanted to know..”Bulong naman ni Sam. “Take care of yourself Devs,I’ll see you soon.”Ang huling sambit naman ng binata at lumakad na palayo sa dalaga pero ang puso naman nito ay gustong bumalik at yakapin ang dalaga at sabihin ang tunay nyang nararamdaman.
Ng makaalis na ng tuluyan ang binata ay bigla naman buhos ng ulan pero Gabi na,hindi parin nakaka alis si Devon sa kanyang kinatatayuan.Nghina naman ang kanyang tuhod at napa upo na sa sakit na nararamdaman at binuhos nalang ang pag iyak sa ulan.

Thursday, 11 August 2011

A right Turn To Love - Chapter 9

Chapter 9
Makalipas naman ng ilang buwan ay palapit na ng palapit ang kanilang pagtatapos sa iskuwela na ibig sabihin ay malapit na rin ibigay ni Coleen ang kanyang sagot sa binata na si Sam.Si Devon naman ay hindi na rin mapakali sa alam nyang magyayari ng isang araw ay biglang sumulpot ang kanyang matalik na kaibigan sa kanilang bahay bago ang kanilang Graduation.
“Ay palaka!”Pagtalon sa gulat naman ni Devon sa kanyang kinauupuan sa kanyang kwarto. “Ikaw lang naman pala yan Bes!Kaaga aga ng gugulat ka pa!Ano ba balita at napadpad ka dito?”Tanong ni Devon dito.
“Eh Bes..mamaya na kaya ang graduation natin.Iniisip ko si Sam..Anong sasabihin ko sakanya?”Pag uumpisa ni Coleen at umupo sa tabi ni Devon.
“Sus,yun lang naman pala.”Natigil si Devon sa sinabi ng dalaga. “Eh di sabihin mo nalang sakanya ayaw parin nila tito at tita na magka boyfriend ka.”Sagot ni Devon dito at pilit na tinatago ang nerbyos na nadadama nya sa mga sinasabi ng kaibigan.
“Oh akala ko ba pasado na sayo si Sam para sakin?”Nagtatakang tanong ni Coleen kay Devon.
“Pwede na,kung sa bagay ang haba narin naman ng paghihintay nya noh!Biruin mo kahit na sinabi mo sakanya na ayaw ng magulang mo hangga’t di pa tayo gumagraduate eh nan diyan parin sya.”Sagot muli ni Devon.
“Un na nga Bes eh,ang tagal na rin mula noong tinanong nya ako.Sa tingin mo ba hangang ngayon nililigawan parin nya ako?Hindi ko na kasi nararamdaman eh..”Pag kamot naman ni Coleen sa ulo nito.
“Sa pagkaka-alam ko naman eh wala syang ibang nililigawan..”Buntong hininga naman ni Devon.
“So..sasagutin ko na sya mamaya ha?!”Pag papaalam naman ni Coleen kay Devon at tumakbo na ito palabas ng kwarto nya.
“Teka..”Huli na ng sinabi ni Devon ito.
“Ano pa ba kasing pinu problema mo dyan Devon?Eh hindi ba maganda na nga na titigilan ka narin nung Sam na yon tungkol sa panliligaw kay Coleen?Saka luluwag narin buhay mo sa  akas!”Ani naman ni Devon sa sarili nya.
“Pero kaya mo bang Makita silang dalawa na magkasama at sweet?Kakayanin ba ng puso mo yan?”Ani naman ng pangalawang boses sa utak nya.
“Kaya noh!Bakit naman hindi!Eh wala naman ako nararamdaman para sa mokong na yon!”Malakas na sambit naman ni Devon kausap ang sarili nya.
“Hay nako!Maka ligo na nga!”Sabay palo naman ni Devon sa ulo nya.
--
Pagkatapos naman ng sermon ng kanilang Graduation ay umaapaw na tuwa naman ang naramdaman ni Devon dahil sa reyalidad na tapos na sya sa pagaaral!Laking tuwa din ng magulang nya ng makapag marcha sya at makuha ang kanyang sertipiko.Ngunit pagkatapos ng kasiyahan at iyakan ay hindi na nya muling nakita ang kanyang matalik na kaibigan o ang hinahanap ng kanyang mga mata na si Sam.
“Baby Devon Congrats!”Bigla naman sigaw ng isang lalake sa kanya.Binuhat naman sya nito at sabay narin inikot.
“Thank you Quen!Congrats din!” Ngiti naman ni Devon sa binata.
“Nga pala anong plano nyo ngayon?Saan tayo mag c-celebrate?”Tanong naman ng binata dito ng biglang tumunog ang telepono ng dalaga.
Hey panget!Guess what?Kami na ng bestfriend mo!Sinagot nya ako kanina!C’mon let’s celebrate,my treat!Kasama narin si Quen at Robi,kita nalang tayo sa Greenwhich. J – Sam
Tila tumigil naman ang hininga ni Devon ng mabasa ang teksto na kanyang natanggap at naramdaman nya ang pag hina ng kanyang katawan.Ng tumingala sya kay Quen ay nararamdaman na nito ang mga luha na namumuo sa kanyang mga mata kaya naman ngumiti nalang sya dito at inabot ang telepono sa binata.
Inaasahan mo narin naman to Devon diba?Ano pang kinagugulat mo dyan!”Pag pigil ni Devon sa luha nya.
“Aba!Ang dami pala kailangan i-celibrate ngayon araw eh!Tara na sabay na tayo pumunta don!”Ngiti naman ni Quen at hindi napansin ang nararamdaman ng dalaga.
Pagdating naman nila sa lugar ay naka akbay si Quen kay Devon na pumasok sa Greenwhich.
“Andito na pala sila eh!”Biglang bati naman ni Robi sa dalawang kakarating lamang.
“Hay nako!Late nnmn kayo!”Bati din ni Coleen sa dalawa at napa lingon naman dito si Sam.
Ng Makita naman ni Sam ang dalawa ay hindi maintindihan galit at selos ang nadama nito kaya naman napatingin nalang ito sa sahig.
“Pasensya na ha!Eh late nyo naman kasi sinabi na may ganito na pala!”Pang aasar ni Quen kay Coleen at Sam.
“Oo nga!Biglaan ah!”Pilit naman na pinapasaya ni Devon ang sarili. “Congrats Sam!After ng mahabang paghihintay!” Pagbati nito sa binata.
“Salamat..”Maikling sagot nito ng dumating na ang inorder nila.
Wala naman sa isip na binigyan ni Sam si Coleen ng pizza sa plato nito at natigil naman si Devon sa nakita.
“Ahh,Sam..”Mahinang simula ni Coleen.
“Oh.”Sagot naman ni Sam ng mapagtanto nya ang kanyang nagawa. “Sorry I forgot,order nalang kita ng pasta.” Ngiti naman nito kay Coleen.
Walang katapusan pang aasar naman ang nakuha nila Sam at Coleen sa tatlo nilang kaibigan,Di makakailang sweet parin si Sam kahit na hindi nito alam ang kanyang nararamdaman.Ng ihatid na ni Sam si Coleen sa kanilang bahay ay tahimik na ito ng biglang huminto ang kotse ni Sam sa harap ng bahay nila Coleen.
“Sam,what’s wrong?” Tanong nito sa binata.
“Nothing,why?”nagtatakang sagot naman ni Sam.
“Kanina ka pa wala sa sarili mo dyan.Simula nung dumating sila Devon at Quen kanina.”Mahinang sagot nmn ni Coleen.
“I’m sorry,pagod lang siguro.”Ngiti naman ni Sam.
“No,I don’t think that’s it.”pagiiling naman ni Coleen sa ulo nya. “Look,I know matagal na simula nung sinabi mo na gusto mo ako and ngayon lang kita sinagot and hindi ko alam kung ganon parin ang nararamdaman mo para sakin.”Pag paliwanag ni Coleen kay Sam.
“Pero nandito ako,I think that answers your question na ikaw parin.”Sagot naman ni Sam.
“That’s what your mind is saying Sam but your heart says otherwise.I can feel it.”Tinitigan naman ni Coleen si Sam ng diretso at wala ng maisagot si Sam.
“Look,pinapa punta na ako nila mommy sa France soon.Bibigyan kita ng oras para makapag isip.Kung ako parin talaga,nandun lang ako.Puntahan mo ako,pero kung hindi ka dumating,I guess alam na natin ang sagot.”Ngiti naman ni Coleen sa binata.
“I’m not mad..basta isipin mo kung saan ka masaya.”Huling salita naman ni Coleen at bumaba na ito ng sasakyan.

Sunday, 24 July 2011

Chapter 8 - A Right Turn To Love

Chapter 8
“Ano?”Nagulat na tanong ni Sam sa dalaga. “Saan daw sya pupunta?” bakat sa mukha ni Sam ang pagaalala kay Devon.
“Sa tabing dagat kanina,ung  pinuntahan natin.”Pinipilit mag salita ni Coleen habang umiiyak ito. “Malapit lang naman yon dito,halos pwedeng lakarin kaya hindi ko na sya napigilan sa pag alis nya..Pero..pero..Kanina pa yon!”Nag aalalang sagot ni Coleen.
“Anong oras?Bakit mo kasi pinabayaan?!”Napa tayong tanong ni Quen sa dalaga sa pagaalala nito.
“Hindi ko n sya napigilan..Please..Tulungan nyo ko!Hindi kayang nag iisa ni Devon sa dilim!”Umiiyak parin na pag mamakaawa ni Coleen.
Bigla naman tumakbo palabas si Quen para hanapin si Devon.
“Sasama ako!”Pag pilit ni Coleen kay Sam.
“Hindi na,baka ikaw pa ang sunod na mawala!Nag papanic ka pa nga oh!”Sagot ni Sam kay Coleen at pinaupo ito sa loob ng kwarto nila.
“Robi ikaw na bahala kay Coleen.Babalik agad kami!”Sabi naman ni Sam at tumakbo narin palabas ng kwarto nila.
Pag labas naman ni Sam sa kalsada ay agad agad itong tumakbo patungo sa tabing dagat.Tila wala ng tao rito ngunit maliwanag naman ang buwan.
Ng makarating na sya sa tabing dagat agad agad nmn nyang sinigaw ang pangalan ng dalaga.
“DEVON!DEVON!”Pag sigaw nito.Habang  hinahanap ito ay pumapasok sa isip nya ang mga sinabi ni Coleen sakanya kanina.
Kanina pa sya hindi bumabalik.’
‘Hindi kaya ni Devon ang nag iisa sa dilim!’
‘Natatakot ako….’
Tila hindi na alam ni Sam ang gagawin nya.Nag halong takot at kaba ang nararamdaman nito at pilit parin sinisigaw ang pangalan ng dalaga.Ng halos isang oras na pag lalakad sa tabing dagat at paghahanap sa dalaga ay nawalan na ng lakas ito.Bigla syang napa upo at hindi mapigilan ang luha ngunit sinisigaw parin ang pangalan ng dalaga.
“DEVON!!!!!!!!!DEVON!!!”Sigaw nito at napatigil ng biglang may sumagot dito.
“SAM?”Sigaw nito.
“SAM?!!!!!!!!!SAM!!!NANDITO AKO!!!”Sigaw ng boses ng isang dalaga.
Nagulat naman ang binata ngunit ng mapagtanto nito ang mga ngyayari ay bigla itong tumayo at hinanap ang boses na sumagot sa kanya.
Ng Makita nya ito naka upo sa gilid ng isang puno ay hinding maintindihan na tuwa ang na dama ng binata.Tumakbo ito palapit at niyakap.
“Devon!!”Pag tawag muli nito ng mayakap na nya ang dalaga. “Ikaw saan ka ba ng sususuot?!Ang daming nag aalala sayo!Papatayin mo pa si Coleen sa takot!”Sinermonan naman sya ni Sam.
Ng mamalayan ni Sam na hindi pa sya tinutulak nito palayo at hindi parin ito sumasagot sa mga tanong nya ay nagtaka ito.Tila ang higpit ng yakap ng dalaga at humihikbi ito.
“Hey..okay ka lang?”Nag aalalalang tanong ni Sam dito. “Shhh..nandito ako” pilit na kinakalma ito.
“Natatakot ako Sam.Ayoko sa dilim!Ayoko mag isa!”Umiiyak na sagot nito.
“Sa tapang mong yan,may kinakatakutan ka pa pala!”Pag biro ni Sam at hinampas sya ni Devon.
“Sam nmn eh!” inis na sabi ni Devon sa binata.
“Tignan mo takot ka na nananakit ka parin!Hindi na kita iiwan..”Pag sigurado ng binata.”Hali ka na,nag aalala na si Coleen sa’yo!”Pag yaya ni Sam.
“Hindi ko kaya..napatid ako kanina kaya hindi rin agad ako naka balik.Masakit ung paa ko.”Sagot naman ni Devon.
“Alam mo?ang malas mo talaga!”Pag biro muli ni Sam. “Ang layo kaya ng narating mo,ano gusto mo buhatin pa kita?!”Tanong ni Sam dito at hindi naman umimik ang dalaga.
“Well wala narin naman ng point bumalik pa ngayon,mapapagod pa tayo sa sobrang layo tapos masakit pa yang paa mo.”Pag buntong hininga ni Sam. “May kubo dito na malapit nakita ko,baka pwede na tayo don mag palipas ng gabi.”Pag pasya ni Sam at inalalayan na ang dalaga pa punta sa sinasabi nitong kubo.
“Pa sensya ka na,pati tuloy ikaw nadamay.”Tahimik na sabi ni Devon kay Sam.
“Alam mo ba ung takot na naramdaman ko nung nalaman ko nawawala ka?!”Tanong ni Sam sa dalaga. “Ni hindi ko na alam ang gagawin!Dami ng pumapasok sa isip ko na baka kung ano na ang nagyari sayo!”Wala sa isip na nilabas ni Sam ang mga nararamdaman nya sa dalaga.
Si Devon nmn ay nanatiling tahimik at hindi kumikibo ng biglang bumuhos ang ulan at kumidlat.Napa talon naman ito sa takot at pinikit nalang ang mga mata ng biglang naramdaman nya ang mga kamay na yumakap sa kanya.
“Shhh..Di ba sabi ko hindi kita iiwan?”Pag  yakap ng mahigpit ni Sam sa dalaga. “Matulog ka na,pag gising mo okay na ulit ang lahat.” Utos nito sa dalaga.
Hindi naman nag tagal ay nakatulog narin si Devon sa balikat ng binata at ng mejo maalipungatan ito narinig nya itong magsalita.
“Namiss kita..Sobra” Tugon nito ngunit hindi maka sigurado ang dalaga kung nananaginip ba sya o totoo talaga.
--
Pag sikat naman ng araw sa kanila ay naalipungatan muli si Devon ng mamalayan na magkatabi pala sila ni Sam nakatulog.Napa upo nmn ito ng maayos at kina gising din naman ni Sam.
“Gising ka na?”Tanong ni Sam dito at binanat nito ang kamay na tinulugan ni Devon.
“Sorry.”Nahihiya naman tugon ni Devon na hindi matignan maiigi ang binata.
“Hindi ako nakatulog sayo!Ang ingay mo,lakas humilik!Daig mo pa lalaki eh!”Pang aasar naman ni Sam dito na kina kunot naman ng kilay ni Devon.
“Hindi kaya ako humihilik!”Pag mamatigas neto. “Tara na nga!Baka hinahanap na nila tayo!” Pag yaya ni Devon kay Sam.
“Sus ito naman hindi na mabiro!”Pag tawa ni Sam. “Halika ka na nga!”Pag alalay ni Sam kay Devon para maka tayo ito.
Habang nilalakad naman nila ang haba na narating ni Devon ay hindi naman maiwasan ni Sam na asarin ang dalaga sa kalapitan nito sa kanya.
“Napatid…baka naman sabi mo lang yan para mapalapit ka sakin!” Pag aasar muli ni Sam na kina inis naman ni Devon.
“Wag na nga!”Inis na sigaw ng dalaga at kumawala ito sa pag aalalay ni Sam sa kanya at pilit nilalakad ang masakit na paa.
“Hala may lumilipad na hayop!”Sigaw ni Sam at sa gulat naman ni Devon ay napa balik sya kay Sam at muling napayakap dito na kina tuwa naman ng binata.
“Wag na kasing maarte!Hindi tayo makakarating nyan eh!”Ngiti ni Sam habang muling inalalayan ang dalaga.
Pagkatapos ng mahabang asaran ng dalawa ay nakabalik na sila sa nirerentahan nilang kwarto kasama ng iba pa nilang mga kklase at muling sinalubong sila ng pag iyak ni Coleen kasama si Robi at Quen.
Tumakbo naman si Quen palapit sa dalaga at binigyan ng isang mahigpit na yakap na kina layo naman ni Sam kay Devon.

Sunday, 17 July 2011

JaeVon/SamVon One Shot FF

Jaevon/SamVon FanFic – One shot
“At Welcome back po mga kapamilya sa E-Live!” Toni, the host shouted to the wild audience and the camera. “Makakasama po natin ang inaabangan,tinitilian at kinakabaliwan nating lahat!Ang Samleen at ang Jaevon!” Toni continued and introduced the guest to the viewers.
“Hello po!” They all chorused while waving and smiling at their fans.
“Okay,umpisahan na natin ito mga tanong!” Toni smiled and turned to the love teams beside her. “Unahin nating ang Samleen .” Toni grinned while the fans are busy screaming their names out.
“Ano ba meron sa inyong dalawa?” Toni asked Sam.
“Woah,ganun agad ung tanong!” Sam smiled. “Well uhm, we’re really good friends. I mean, we hang out a lot and we see each other a lot dahil nga sa taping and rehearsals namin for Good Vibes.” Sam answered professionally.
He knows how to avoid the real meaning to the question by answering with an obvious answer.
Toni who didn’t look satisfied with Sam’s answer asked Coleen instead. “Okay how about you Coleen? How would you describe your relationship with Sam?” Toni asked.
“Uhm,same din po, good friends lang talaga kami.” Coleen answered simply.
“Ayaw nilang magpa-buko kapamilya!Ano diretsuhin na ba natin?” Toni asked the audience that responded lively.  
“Kinakabahan ako!” Toni jokes. “Ako ung kinakabahan sa inyo” She giggled.
“Sam!” She said again when she managed to stop laughing. “Last interview mo dito sa E-Live ay sabi mo na may gusto ka daw ligawan!” Toni blabbered  on. Sam on the other hand was grasping his mic with both his hands looking more nervous than the last interview he had. “Sino ba ito?” Toni added at the end.
“Sino?” Sam asked nervously. “I think It’ll be better if sabihin ko muna sa kanya bago i-announce sa public.” Sam answered trying to avoid the attention he’s given.
“Ah okay!So hindi pa nya alam?” Toni said finally catching up.
“Yeah, I’m planning to tell her soon though.” Sam smiled then glanced at Devon so fast that nobody noticed it. Or at least that’s what he thinks.  James who is watching his every move put his arms around Devon and grabbed her gently closer to him. Sam gazed dropped and faked smile for the camera again.
“Ikaw Coleen?” Toni pushed for more information from the two. “Kung ikaw pala ito? Sasagutin mo ba si Sam?” Toni asked and the audience screamed yet again.
“Oh uhm..” Coleen started not knowing what to answer. “hindi ko alam!” Coleen laughed.
“We’ll see!” Sam helped Coleen and smiled.
Toni laughed one last time; she seemed to be enjoying her job more than she should.
“Dito naman tayo sa Jaevon!” Toni introduced the two and the Jaevon fans screamed louder than ever.
“Same question guys!” Toni smiled. “Kamusta na kayo? How’s your relationship?” Toni urged.
“We’re good.” James was the first one to answer. “We’re much closer now.” He finished.
“Opo!” Devon smiled and laughed her trademark laugh. “Mas close na po talaga kami ngayon kasi kami ung loveteam at lagi kaming magkasama sa Mall shows,ganun.” Devon added.
“Ah tama nga naman!” Toni laughed. “Pero Devon is really famous na! I mean, she has loads of projects and the madlang people love her! She’s very talented kasi!” Toni praised Devon.
“Thank you po.” Was her only answer because she was blushing so much.
“Dami mo na rin ka loveteam!” Toni stated the fact. “There’s Samvon..” Toni read the info card she was given and as soon as SamVon was mentioned Sam’s smile widened. “Devan,Devquen at may bago RobiVon!” Toni continued and turned to James.
“Do you ever get jealous when Devon is paired with other guys?” Toni asked grinning.
James blushed and answered. “I guess you could say that. “ James laughed and the fans screamed. “I mean, we’re really close na talaga and it’s weird being away from her while she’s entertaining her other love teams fans. It’s not that I hate it! I’m really happy for her naman!” James explained and smiled sweetly at Devon who looked back confused.
James is sweeter than usual and its giving Devon chills.
“Aww!” Toni smiled and held her cheeks showing that she’s really touched with what James said.
“Sorry guys!” Toni said sounding apologetic. “but we have to end it here!Lagpas na tayo sa oras eh!” Toni explained.
“Please invite them to watch Good vibes nalang!” Toni encouraged the two love team which they obeyed.
After E- live James followed Devon to her dressing room.
“Devon wait up!” James shouted at Devon who is on her way to her Dressing Room.
“You need anything?” Devon asked confused when she was about to open her Dressing Room.
“About what I said during the interview..” James said looking for the right words but Devon cut him off.
“I get it. It’s for work. Trabaho lang walang personalan.” Devon smiled not understanding what James was heading to.
“Look” James rolled his eyes because he can’t believe how slow Devon can be. “look” He said again grabbing Devon inside her dressing room and pushed her gently against the wall and secured her with both of his arms on either side of her.
“What I said earlier, I mean it.” James said seriously. “I get jealous. A lot.” James said looking for the right words yet again. “I can’t help it, every time you’re with Ivan,Enrique..Sam! I get jealous. I want to snatch you away from them. But.. But I can’t! Because I have no right to.” James explained struggling for words.
“I want to be your man and I want you to be mine!” James continued.
“What about Ann?” Devon asked calmly.
“Didn’t you hear me?” James chuckled. “I said I like You!” James emphasised the last word. “I Love You!” James pressed.
“Now stop being masungit and answer me” James said quietly laughing again.
“I hate you!” Devon sighed annoyed and looked away. She hates being called “Masungit”
James held Devon’s chin so that she is now facing him, leaned slowly to Devon and kissed her which Devon responded enthusiastically. James smiled and broke the kiss.
“What were you saying?” James grinned still inches away from Devon’s lips.
I Love you.” Devon smiled.
“Mahal din kita” James said in his Smexy aussie accent.
On the other hand they didn’t realise that the door was slightly open and a guy was standing outside the door. He saw everything and left quietly with his heart broken into pieces.
A guy. A guy named Sam Concepcion.

Saturday, 16 July 2011

A Right Turn To Love - Chapter 7

Chapter 7
“Best Tayo na dyan!Hindi k aba excited sa field trip natin ngayon?Sa wakas makaka hinga na tayo!Tara na,maganda dun sa tagaytay!” Pilit na ginigising ni Coleen ang kaibigan sa mahimbing na tulog na ito.
“Best,ayoko tinatamad ako!Ang layo layo kaya non,nakaka pagod bumyahe!” Pag dadabog ni Devon dahil hindi nito makuhang maka tulog muli.
“Sige ka kapag hindi ka tumayo dyan papaakyatin ko si Sam dito.”Pag banta nito sa dalaga.
“Shoot!Nakalimutan ko si Sam!”Sabi ni Devon sa sarili at mahinang pinalo ang ulo nito.
“Bakit nga pala nandito yon?”Tanong ni Coleen kay Devon na nag papangap na natutulog muli. “Hoy alam ko gising ka!Hindi ka humihilik eh!”Pag palo naman ni Coleen at pilit na hinaharap ang dalaga.
“Sam..”Mahinang sabi ni Coleen habang nakangiti. “Lalakasan ko to kapag hindi ka tumayo.”Pag banta muli ni Coleen.
“Oo na po maliligo na!”Napatayo naman na sabi ni Devon at pumunta na sa banyo nila.
Pagkatapos nitong maligo at mag ayos tila kinakabahan itong bumaba dahil hindi nya alam ang magiging reaksyon nya kapag nakita nya muli ang binata.Pagkatapos ng kaarawan nito ay hindi na sila muling magkita dahil sa padating na ang kanilang pag susulit at abala na ang lahat.
“Teka,wala naman dito si Sam ah?”Tanong ni Devon kay Coleen ng makababa sila at hindi nito Makita ang binata.
“Bakit mo hinahanap?”Naka ngisi naman sagot ni Coleen at lumabas na ng bahay nila.
“Best!”Sigaw nmn ni Devon dito at namula sa hiya.
--
Pag dating naman nila sa paaralan ay nakita na nila ang tatlo na mag kakasama at ng uusap sa harap ng kanilang silid-aralan.
“Oi!Long time no see ah?”Pag bati ni Robi ng makita nya ang dalawang dalaga na palapit sa kanila.
“Musta na?Nag aral na ba kayo?”Tanong nmn ni Quen sa dalawa. “Ikaw Baby Devs?Bakit parang tahimik ka dyan?” pag akbay ni Quen dito na hindi naman naka lusot sa mata ni Robi.
“Hep hep!Bitiwan mo yan,lagot ka kay Sam!” Pag biro ni Robi kay Quen at mahina naman syang sinuntok ni Sam sa tyan.
“Ang kulit mo rin eh noh?Parang hindi mo naman alam kung anong gusto ko sa babae.”Pag biro ni Sam at nginitian naman ng matamis si Coleen.
Tila nakuryente naman si Devon ng madinig nya ang tinig na matagal na nyang hindi naririnig at naramdaman ang bilis ng tibok ng puso nya.
“Tumigil ka nga dyan Devon!”Sabi nito sa sarili at inalog ang ulo na para mawala ang idea na pumasok sa isip nya.
“Hala hala!Sinasaniban nanaman si Devon guys,Tara na!”Pag biro ni Quen at tumakbo ito palayo at hinabol naman sya agad ni Devon para paluin ng walang hangan.
Pag dating naman nila sa Bus na sasakyan nila ay nagka tabi si Quen at Devon na kina kunot naman ng mga kilay ni Sam.Mag ka harap man silang mag kakabarkada sa isat isa pero tila hindi mapakali si Sam sa kalapitan ng dalawa kaya naman panay tingin nito sa dalaga na kina ilang naman nito.
“Sam kanina ka pa ha!” Pag biro naman ni Devon para mabasag ang katahimikan nila sa isa’t isa. “Kanina mo pa ko tinitignan.Baka naman matunaw ako nyan!” Pasimpleng ngiti ni Devon dito at binelatan lang sya ni Sam.
Pag dating nila sa lugar ay agad naman ng umpisa muli ang kasiyahan ng mga kabataan sa tabing dagat.Ang iba ay kumakain at nag iihaw habang ang grupo naman nila Devon ay nasa dagat na naglalaro.
“Okay guys,ganto.I bblind fold natin ang isa satin at kailangan nyang mayakap ang isa sa atin para naman sila ang maging susunod na taya!Ano game?”Umpisa nnmn ni Coleen ng kanyang mahiwagang mga idea.
“Game!”Sagot ni Robi kay Coleen. “At dahil ikaw ang naka isip,ikaw ang taya!”Pag tawa naman ni Robi at tinakpan na ang mga mata ni Coleen.
Ng magumpisa na ang laro si Coleen naman ay pilit na hinahanap ang kanyang mga kasama at nag wiwisik wisikan naman sila sa isa’t isa ng biglang mayakap ni Coleen si Quen.
“Uyyyyy!!!”Sigaw ng barkada na kina hiya naman ng dalawa ngunit hindi nila pinansin ang mga hiyawaan ng kasama at pinag patuloy ang laro.Ng si Quen na ang taya hindi naman ng tagal at nayakap nito si Sam na nasa tabi lamang nya.
“Bro kadiri ka!”Pilit na nilalayo ni Sam ang sarili sa binata at may sumigaw nmn ng ‘Bromance!’ sa kanila na kinatawa naman nilang lahat.Pag suot naman ni Sam ng piring ay patuloy na winiwisikan ng mga kasama ito at patuloy ang sigawan at tawanan.Si Devon naman na kinakabahan na sa mga susunod na mag yayari ay pasimple ng umaahon sa tubig ng biglang may humawak sa kamay nito at hinatak sya at niyakap.
Tila tumigil naman ang mundo ni Devon ng maramdaman nya ang yakap ni Sam sakanya at nanatili itong hindi gumagalaw ng tangalin ni Sam ang kanyang piring para tignan kung sino ang nayakap nito pero hindi sinasadyang mapalapit ang mukha nya sa dalaga.
“Ahon na kayo dyan guys!”Sigaw naman ng isa sa mga guro nila. “Mag tuyo na kayo at kumain na tayo!” Dagdag nito.
“Ehem..”Pasimpleng ubo naman ni Robi kaya naman binitawan na ni Sam si Devon para umahon.
Habang nag bibihis naman si Coleen at Devon sa kwarto nila ay naisipan naman ni Devon na tanungin na si Coleen tungkol sa nararamdaman nito para kay Sam.
“Best,Sagutin mo nga ako.”Umpisa ni Devon kay Coleen. “Ni minsan ba hindi ka nag ka gusto kay Sam?”Tanong nito.
“Grabeh bilis ng lipad ng Topic natin ah?”Tawa ni Coleen at tumigil ito para sagutin ng seryoso ang tanong ng kaibigan.
“Sino ba hindi mag kakagusto sa taong yon? Nasa kanya na ata ang lahat eh.Gwapo,mabait,matalino,magaling kumanta at sumayaw!” Tugon ni Coleen kay Devon.
“Eh bakit hindi ka pa pumayag mag paligaw?”Seryosong tanong ni Devon dito ngunit bumilis muli ang tibok ng puso nito sa takot na isasagot ni Coleen.
“Kapag handa na siguro ako..Malapit na.”Sagot naman nito at napahawak si Devon sa leeg nya sa sinabi ni Coleen ng may naramdaman ito.
“Shoot Best!”Pag aalalang sabi ni Devon. “Yung necklace ko!Ung bigay ni Dad!Nawawala!” Nanlaki naman ang mata ni Devon sa napansin nya.
“Baka nalaglag sa dagat yon kanina!Kailangan kong hanapin!”Nag mamadali naman na sabi ni Devon at tumakbo palabas ng kwarto nila.
“Teka Devon!”Sigaw ni Coleen sa dalaga. “Dumidilim na!Ipag pa bukas mu na yan,tutulungan pa kita!”Ng aalala na sigaw naman ni Coleen dito.
“Babalik agad ako!”Walang lingon naman na sigaw ni Devon dito.
Hinintay naman sya ni Coleen sa kwarto nila habang nanunuod ng TV ng makatulugan nya ito.Pag gising nito ay malalim na ang gabi at tila hindi parin nakakabalik si Devon sa kwarto nila na kinabahala naman ni Coleen at hindi mapakali ito.
“Guys tulong!”Pag katok ni Coleen sa kwarto nila Sam na agad naman binuksan neto.
“Ano nagyari Coleen?Gabi na ah?”Nag tatakang tanong ni Sam dito habang si Quen at Robi naman ay nalipat ang pansin kay Coleen.
“Si Devon..” Papaiyak na simula ni Coleen. “Kanina pa sya hindi bumabalik sa kwarto namin.Natatakot ako!”Paliwanag ni Coleen kay Sam habang hindi mapigil ang pag iyak.

Monday, 11 July 2011

A Right Turn To Love - Chapter 6

Chapter 6
“Asan ba tayo Quen?” Tanong ni Devon ngmakita nya ang magarang lugar na pinaghintuan ni Quen.
“Wag na maraming tanong!Tara na,late na kaya tayo!Ikaw kasi kanina ayaw mo pa magpa make up eh!” Minamadali naman na sagot ni Quen dito at binuksan na nya ang pintuan ni Devs.
“Sigurado ka bang okay lang itsura ko?Hindi nmn kasi ako sanay eh.” Nahihiyang tanong nmn ni Devs kay Quen pagbaba nya ng sasakyan.
“Ang ganda ganda mo devs.”Sabay ngiti naman ni Quen dito at pumasok na sila sa isang Club house na tila wala man lang ka ilaw ilaw.
“Loko ka Quen san mo ko dadalhin?.”Napatigil na sabi ni Devon pag pasok nila dito at naka isang malakas na hampas nmn si Devs dito.
“Aray nmn Baby Devs!” Reklamo naman ni Quen dito. “Pagtiwalaan mo naman ako.”Sabi naman nito ng biglang.
“HAPPY BIRTHDAY DEVON!!!!!” Sigaw ng mga tao doon at biglang ngbukas ang mga ilaw.
“Happy birthday Best!” Sabay lapit nmn ni Coleen sa dalaga at niyakap.
“Best naman oh!Ikaw talaga pinaniwala mo ako na wala ka ngayong birthday ko!Ang sama mo talaga!” Sabi naman ni Devon dito.
“Sus pwede ba yon?Eh wala na nga ako Last year tapos wala nnmn ako ngayon?”Pagbibiro nmn ni Coleen dito.
“At kayong dalawa!”Bunton ng galit ni Devon kay Quen at Robi na malapit sa kanila. “Birthday ng mommy ni Robi!Neknek nyo!Babaw nyo magpalusot!” Naka dalawang hampas naman ito sa dalawa na tumawa nalang.
“Hay nako!Sabi na makaka halata si Best sa inyo eh,Akala ko pa naman naka lusot na!” Dagdag ni Coleen nmn dito.“Ah tara umpisahan na natin to!Leggo Madlang pepol!”Sigaw nmn ni Coleen sa mga bisita.
“Hala sinaniban nnmn ung Best friend mo.”Bulong ni Quen kay Devon at tumawa nalang ang dalawa.
Kanina pa nag umpisa ang party pero tila meron isang tao ang pilit na hinahanap ng mga mata ni Devon at napansin naman to agad ni Robi.
“May hinahanap ka ano?” Pang aasar na tanong nito sa dalaga.
“Ha?Sino?Wala noh!” Kinakabahan naman na sagot nito kay Robi.
“Wushu..Kung alam ko lang.” Pangaasar muli nito at buti nalang tinawag na sya ni Coleen at nakahinga naman ng maluwag si Devon.
“Kanta na tayo Happy birthday dali!”Pag hatak naman ni Coleen dito pa punta sa cake nya.
“Best bata ako?bata?”Tanong ni Devon kay Coleen.
“Arte mo!dali na,Kanta na tayo guys!”Sabay kanta nmn ng lahat at palakpak pa.
Pagkatapos hipan ni Devon ang kandila bigla naman may nagsalita sa likod nya.
“Bakit hindi mo ako hinintay?”Tanong ng binata dito at napatigil naman si Devon at naka ngiting humarap sa boses na narinig nito.
“Late ka panget!” Pag palo nmn ni Devon kay Sam na hindi nmn matangal ang ngiti sa mga labi.
“Naks!Wagas ang ngiti natin dyan ah?”Pang aasar ni Sam dito. “Happy Birthday.” Tugon ng binata.
“Thank you.” Ngiti muli ni Devon ng biglang my nag sabing ‘Yieeee!’ sa likod nilang dalawa at bigla naman hampas ni Devon kay Robi.
Nagpatuloy ang kasiyahan ng mga kabataan at si Devon nmn ay hindi matatangi ang kasiyahan na nadarama lalo na ng dumating si Sam at bigla naman nalipat ang kasiyahan sa kantahan.
“Umpisahan na natin Devon!”Pag hatak naman ni Quen kay Devon at ng duet ang dalawa at hindi mabilang na hampas naman ang nagawa ni Devon dito dahil narin sa inis na nakikita nyang pag uusap ni Sam sa mga babae sa isang table doon.
“Si Coleen naman!” Sigaw ni Devon pagkatapos nila at hinahatak nito ang kaibigan.
“Best alam mo naman hindi ako kumakanta in public eh!”Pag pipigil nito kay Devon.
“Mag cockroach dance ka nalang dali!” Tawa naman ni Devon dito sa dalaga ng ginawa nga nya to.
“Grabe Best ah!Porket Birthday mo!” Hampas naman ni Coleen dito. “Pero syempre ang huling kakanta ay walang iba kung hindi si Sam!” Sigaw nmn ni Coleen at hinatak si Sam palayo sa table kasama ang mga babae at pilit naman na sinasabi ni Sam na ayaw nya pero hindi nito natiis ang mga sigawan ng mga bisita.
“Dahil Late ako,para sayo to Panget.”Ngiti naman ni Sam ng tinulak na sya sa harapan para kumanta.
You cant eat,you cant sleep,you cant weep when you love Someone
Feels extreme when you dream,and you scream when you love Someone
If you feel that strong,Can you tell that one..’
Napa tulala naman si Devon dahil sa nakikita nyang pag kanta ni Sam at tila damang dama nya ito.
‘Let me be your: Someone to hold you tight
Someone to make you feel alright, Everyday and night I wish I was your someone
Someone to hold you when you’re weak, Someone to make you feel complete
Everyday and night I wish I was your someone.’
At tila napatigil na ang mundo ni Devon ng magtagpo ang mga mata nila ni Sam habang kumakanta ito. Ng matapos ang kanta ay lumapit si Sam sa dalaga
“Happy Birthday ulet.”Sabay Beso naman ni Sam kay Devon na kinasigaw ng lahat.

Wednesday, 6 July 2011

Chapter 5 - A Right Turn To Love

Chapter 5
“Oi Sam!Ayun si Best oh,dami atang dalang libro.Punatahan mu na dali!”Pag tulak naman ni Devon kay Sam papunta kay Coleen na mejo lumalayo na.
Simula ng ilakad ni Devon si Sam kay Coleen ay sinusundo na ni Sam si Devon sa bahay nila para mas mahaba ang paguusap nila tungkol dito at hindi mahalata ni Coleen ang ginagawa nila.
“Ah Coleen tulungan na kita dyan!”Biglang sulpot naman ni Sam at kinuha ang mga dala ni Coleen.
“Ay Hello Sam,kagulat ka naman kung saan saan sumusulpot,salamat ha?”Ngiti naman ni Coleen at napatulala si Sam dito.
“Ah hindi wala to.”Sabay kamot nmn ni Sam sa ulo dahil sa hiya.
“Nga pala naalala mo ung kahapon na pumunta tayo ng star city?Ung parang wala sa mood si Best nung nasa canteen kami.Hihingi sana ako ng tulong sayo eh..”Pabulong naman na sinabi ni Coleen kay Sam.
Habang nag uusap ang dalawa si Devon naman ay nakatingin lang sa kanila mula sa kinakatayuan nilang dalawa ni Sam kanina ng biglang may tumawag dito.
“Ui Baby Devs!”Sigaw naman ng binata at napa lingon si Devon sa natawag na pangalan sakanya at nakita nito si Quen.
“Ha?Anong Baby Devs ka dyan?Baka gusto mong mabanatan?”Pagbibirong sinabi naman ni Devon dito at pinakita ang kamao nya dito.
“Woah Woah easy lang!Para ka kasing bata kaya Baby devon na naisip kong ipangalan sayo.”Sabi nmn ni Quen habang nilalayo ang mga kamay ni Devs. “Teka bakit mag isa ka lang?Diba lagi mo ng kasama si Sam?”Tanong nmn nito.
“Ayun oh,nagpapa-pogi points pa kay Best.”Turo naman ni Devon sa dalawa. “Tara na nga mahuli pa tayo sa klase.”Sabay hatak naman ni Devon kay Quen papunta kena Sam at bigla naman sya inakbayan ni Quen at ginulo ang buhok nito.
“Teka asan na nga pala si Best?”Biglang tanong nmn ni Coleen kay Sam at hinanap ito.
“Kasama ko lang sya kanina lang…”Napa hintong sabi ni Sam ng makita nya ang dalawa na palapit sakanila.
“Aba aba!Ano tong nakikita ko ha?May ngyari ba sa inyong dalawa kagabi at wala kayong sinasabi sa amin?”Pangungulit naman ni Coleen sa dalawa.
“Wala nmn,tinulugan lang ako nito sa sasakyan nung hinatid ko sya sa kanila at anong petsa na ng magising tong si Baby Devs.”Sagot ni Quen dito at ginulo muli ang buhok ni Devon.
“Isang tawag mo pa sakin ng Baby Devs ,Quen!Hindi porket gwapo ka!”Pinalo nmn ni Devon sa tyan si Quen ng sinabi nya ito.
“Bakit hindi kayo pumunta dun sa park para lalong mas Corny.”Pabulong naman na sinabi ni Sam sa dalawa pero narinig parin nila ito.
“Uii,meron atang nag bago ang mood dyan?”Pang aasar naman ni Quen sa kaibigan. “Tara na nga!”Sabay buhat naman ni Quen kay Devon at tinakbo ito papuntang klase.
“Quen ibaba mo ako!Uupakan talaga kita!”Sinisigaw naman ni Devon habang tumatawang tinatakbo sya ni Quen papuntang classroom.
“Ang sweet nung dalawa noh?.”Sabi nmn ni Coleen kay Sam na naka simangot lang na tinitignan ang dalawa paalis. “So anyway,ano tulungan mo ba ako?” Muling tanong ni Coleen pabalik sa pinag uusapan nila kanina.
“Uhm sure,basta ikaw.”Ngiti nmn muli ni Samuel kay Coleen.
----
Pagkatapos naman ng klase nila ay ngpaalam na sila sa isa’t isa ng ipaalala muli ni Coleen ang napag kasunduan nilang dalawa ni Sam.
“Ano Sam?Ngayon na ha?Pasensya na hindi talaga ako pwede sumama,makakahalata un eh.Sige ha!”Pag pilit muli ni Coleen dito at hinawakan pa ang dalawang kamay ni Sam na nakita naman ni Devon at tila napa tigil ito sa nakita at ng bitiwan muli ito ni Coleen ay naka galaw muli si Devon at naglakad ng pauwi sa kanila.
“Oi Devs teka lang!”Pag sigaw ni Sam. “Di mo ba ako hihintayin?Diba hinahatid kita pauwi?”Tanong ni Sam dito ng maabutan nya to.
“Sus para san pa eh parang nag kakamabutihan na kayo ni Best.”Sagot naman ni Devon.
“Ha eh,oo nga eh”Sagot naman ni Sam dito. “Eh Devs..Ano..Gusto ko lang sana magpasalamat sa ginagawa mong paglakad sakin,kaya naman lilibre kita!”Kinakabahan nmn na sinabi ni Sam dahil hindi nya alm kung ano irarason nya sa dalaga.
“Nako wag na lang,mamaya may kapalit pa yan eh.”Sagot nmn ni Devs habang patuloy sa pag lakad.
“Hindi nga seryoso ako,dali Tara punta tayo Rockwell!”Sabay hatak naman ni Sam dito papunta sa sasakyan nya at si Devon nmn ay nagulat.
“Baby Devs!Tara hatid na kita.”Biglang sigaw naman ni Quen at lumapit sa dalawa.
“Eh ito kasi si Sam eh,May gusto atang ipagawa sakin kaya ngpapa good shot.”Nalilitong sagot naman ni Devs kay Quen.
“Ah ganon ba sige Sama narin ako!”Biglang sabi naman ni Quen at pumasok na sa kotse ni Sam na kinagulat nmn nito at tinignan ng masama si Quen. Bigla naman nmn kumindat ito at sinabing ‘Coleen’ dito ng walang boses.
Ng dumating na sila sa paroroonan ay agad naman silang kumain at ng mgka tinginan si Sam at Quen ay nagka plano n sila kung saan nila dadalhin si Devon. 
“Teka bakit tayo nandito?”Nagtatakang tanong ni Devon sa dalawa ng pumasok sila sa isang magaraang shop.
“Ah eh may party kasi kena Robi sa makalawa,invited ka daw.Maarte kasi Mom non,kaya kami na bahala sayo.Magsukat ka na don.”Sagot naman ni Quen kay Devon at kinuha na si Devon ng sales lady.
“Birthday kena Robi?Pare naman mabubuko tayo nyan eh!”Pabulong naman na sinabi ni Sam kay Quen.
“Eh anong sasabihin ko naman sakanya?Trip lang natin syang pasukatin ng magagarang damit?”Tanong naman ni Quen dito. “Si Coleen naman kasi eh!”Sabay kamot nito sa ulo.
“Sam ano ba to?”Tanong ni Devon dito ng bigyan sya ng maraming damit ng sales lady at pinasok sa isang dressing room.
Paglabas naman nito ay naka suot sya ng puting bistida na sobrang haba kaya naman napatawa ang dalawa dito.
“Uupakan ko kayo pagkatapos ko dito.”Pinag dilatan nmn ni Devon ang dalawa kaya natahimik at muling pumasok para magsukat.
Paglabas muli nito ay naka dilaw na bistida ito at pinilit nalang ni Sam na manahimik ng biglang sabi naman ni Quen ay. “Mukha kang araw dyan Baby Devs.” Kaya naman muling nagpalit ito.Pagkatapos ng ilang palit ay lumabas muli si Devon at nakasuot ng isang magarang damit.
Naka suot ito ng above the knee dress na kulay pula kaya naman kitang kita ang haba at kinis ng binti nito.May pagka sikip naman ito sakanya kaya kitang kita ang magandang katawan ni Devon.Meron naman isang itim na belt sa baywang nito na mas lalo pang nagpaganda sa suot nya.Tila napaka simple lamang ng suot nito pero kitang kita ang kagandahan ni Devon.
“Ah Ehem”Tila naiilang na sabi ni Devon sa dalawang nakatingin lamang sa kaniya.
“Perfect!Ang ganda mo Baby Devs!”Napatayo nmn si Quen at pinalakpakan ito na kinamula naman ni Devon. “Diba Sam?”Sabay lingon naman ni Quen dito.
“Ang ganda,bagay sayo.”Ang nasabi lang nito at bumalik na si Devon para magbihis.
“Dang!Ano bang iniisip mo dyan Samuel?”Naiinis naman na sabi nya sa sarili nya.
“Pano Tara?Uwi na tayo!dami ko pa homework!”Pagyaya naman ni Devs sa dalawa pauwi ng makalabas ito.
“Okay!Sige Sam ako na maghahatid sakanya!”Sabay hatak nnmn muli ni Quen dito.
“Hey ako na maghahatid dyan!”Sigaw naman ni Sam sa dalawa na naka layo na.Pagpasok naman ni Sam sa sasakyan nya ay hindi nya maalis ang larawan ni Devon sa utak nya kanina.
“Umayos ka Samuel!”Sabi naman nya sa sarili nya at biglang tumawag si Coleen.
“Hello Sam,nakahanap na ba kayo ng damit na susuot nya para sa surprise birthday party nya bukas?”Tanong nito.
“Meron na,kakaalis lang nilang dalawa ni Quen.”Sagot naman nito.
“Salamat ulit!”Sabi nmn ni Coleen at naputol na ang linya.

Saturday, 2 July 2011

Chapter 4 - A Right Turn To Love

Chapter 4
Pagkatapos ng ilang araw na magkasama si Sam at Devon na pinag paplanuhan ang ginagawang paglakad ni Devon kay Sam eh isang araw nagkita sila sa Cafeteria kung saan katabi muli ni Coleen ang dalaga.
“Psst bro!Tignan mo si Devon naka simangot oh!Lapitan mo na baka namimiss ka lang.”Pag turo ni Robi kung saan naka upo ang dalawang dalaga. “Eh diba sya na crush mo ngayon at hindi na si Coleen?”Pag tawang sabi ni Robi.
“Sira!”Pag suntok naman ni Sam sa balikat ng binata. “Nag papalakad lang ako dun saka diba nga lahat ng manliligaw ni Coleen eh dadaan dyan kay Devs?Mas mabuti ng magkasundo kami”Naka ngiti naman sabi ni Sam.
“Totoo ba yan pre?baka naman sakanya ka na naiinlove,patay tayo dyan!”Muling tanong ni Robi habang tumawa habang si Quen naman ay tahimik na nakikinig sa kanilang dalawa.
“Oh Quen tahimik mo?”Tanong naman ni Sam dito.
“Ah wala.Iniisip ko lang kung manloloko ka ng babae wag naman si Devon.”Sagot ni Quen dito at napa kunot naman ang kilay ni Sam sa sinabi nito.
“Aba pre!Baka ikaw naman ang inlove kay Devon!Naloko na,ginayuma kayo nyan ano?”Makulet naman na dinagdag ni Robi.
“Ano naman masama don?”Pag ngisi ni Quen at tinignan sya ng dalawa na parang hindi ito kilala.“Loko loko ka talaga!Halika na nga kayo,para tayong babarilin dito naka hilera pa tayong tatlo.”Pag biro naman ni Quen at pumunta na sa table ng dalawang dalaga.
“Hi Coleen!Chocolates nga pala oh,para sayo”Inabot ni sam kay Coleen at binigyan ito ng matamis na ngiti sabay lingon kay Devon. “Ano problema ng Leon natin ngayon ha?” Pag kurot naman ni Sam sa pisngi ni Devon.
“Ano ba!”Inis naman na palo nito sa kamay ni Sam at muling bumusangot si Devon.
“May kasama ako oh!”Pag ngiti naman muli ni Sam at hindi pinansin ang kasungitan ng dalaga. “Devs si Robi nga pala saka si QUEN.”diin ni sam sa pangalan ni Quen sa huli at napa tingin naman si Devon.
“Ah eh..Hello nanadito pala kayo”Sabay ngiti naman nito kay Quen.
“Bakit ka ba nila tinatawag na Leon eh maamo ka naman palang kausap?”Tanong ni Quen kay Devon sabay naman ang upo nito sa tabi nya.
“Hay nako!Ang Co-Corny nyo!Tara gala nalang tayo tutal half day naman tayo ngayon eh.Tara!”Pag yaya naman ni Robi sa mga kasama.
“Hmm oo nga noh!”Napa tayo naman sa saya si Coleen at tila nakalimutan na ang kaninang pinag uusapan nila ng kaibigan.
“Eh Coleen diba mahilig kayo maglaro nyang busangot mong kaibigan?Tara dun nalang tayo sa Star city para malabas naman nya ang sama ng loob nya.” Sabi naman ni Sam dito.
“Tara na!Para marami pa tayong magawa!”Tumayo na rin si Quen at hinatak si Devon.
“Teka lang nagugutom pa ko eh!Hindi pa kaya kami kumakain!”Pag pigil naman ni Devon sa kanila.
“Puro ka kain Devon!”Sabi naman ni Coleen habang tumatawa. “Mag take out ka nalang sa Jolibee!”
-----
“Woahhh!Ngayon nalang ulet ako nakapunta dito,feeling ko tuloy bata ulit ako!”Sabay taas naman ng kamay ni Devon sa saya na tinamaan nito si Sam na katabi nya.
“Aray ko!”reklamo ng binata. “Devon ha naka dalawa ka sakin!” Sabi ni Sam habang hinihimas ang napalong parte ng ulo nito at binelatan naman to ni Devon.
“Hala ka Sam!Baka sayo ibuhos ni Devon ang galit nya at hindi sa mga laro dito.Buti pa lumayo layo ka na dyan para maka uwi ka pa sa inyo ng buhay”Panloloko naman ni Coleen sa binata ang hinatak ito palayo kay Devon na kina kilig naman ni Sam.
“Hali na kayo!umpisahan natin don sa Roller coaster na yon oh!Parang di ka na makakababa ng buhay!”Pag turo naman ni Robi sabay takbo papunta sa pilahan at sumunod naman ang apat.Pagkatapos naman ng Roller coaster ay inisa isa na ng barkada ang mga rides at isa na don ang bump car kung saan pinag iinitan ni Devon si Sam.
Sa huli naman ay si Devon naman ang humirit at tinuro ang “Gabi ng lagim” sa tapat nila at nagkatinginan naman si Robi at Quen sabay tawa.
“Sige exciting to,takot pa naman yung isa dyan sa multo!”Tawang tawa na sinabi ni Quen at nakipag apir pa to kay Robi.
“Ayoko dyan!Kayo nalang.”Tila ayaw kumawala ni Sam sa pag hawak sa isang poste malapit sa haunted house at hinahatak naman sya ni Quen at Robi.
“Ang duwag mo naman Sam!Parang haunted house lang eh pano nalang kapag sinagot ka na nitong bestfriend ko?” Pang asar naman ni Devon dito at pinalo sya ni Coleen at pinglakihan ng mata.
Sa sinabi naman ni Devon ay biglang bumitaw si Sam. “Sinong duwag?Hindi ako duwag noh!Tara na nga!”Naiinis na sinabi nito at tila sya pa ang nauna sa pila pero pansin parin ang panginginig neto.
Ng makapasok na sila sa loob bigla naman ng takbuhan sila Coleen,Robi at Quen kaya naman naiwan ang dalawa na magkasama.
“Ano ba Sam!Ang hirap naman mag lakad eh,wag mo nga akong hawakan!”Inis na inis na sinabi ni Devon dito habang tinatangal ang kamay nito.
“Eh sino ba kasi nagpumilit ipasok ako dito?”Sagot naman ni Sam sa takot.
“Wag ka nga!Ikaw tong nauna sa pila eh!”Natawa naman sagot ni Devon ng biglang may lumaglag na manika sa uluhan nila at kinagulat ni Sam kaya naman napayakap si Sam dito.
“Ay palaka!Ano ba Sam!ako nagugulat sayo eh!Bitiwan mo nga ko!”Pilit na kinakalas nito ang yakap ni Sam pero sa sobrang takot nito nag desisyon na si Devon para naman makalabas na sila ng mabilis dito.
“Akin na yang kamay mo.Pag sinabi kong takbo takbo ha?”Kinuha naman ni Devon ang kamay ni Sam sabay bilang.”1..2..3 TAKBO!” Sabay naman takbo ng dalawa palabas habang magka hawak kamay.
“Woah!”Sabi ni Devon pagkalabas nila dito. “Grabe yon!”Pagpunas nito sa pawis nya.
“Oo nga,sa susunod wag mo na ko isasama dyan!” Buntong hininga naman ni Sam pagkalabas nila at nakita na ang tatlo.
“Ano ba kayo bigla naman kayo ngiiwan eh!” Sigaw naman ni Devon sa tatlo.
“Eh pano tong si Coleen nangangagat sa takot tapos sigaw pa ng sigaw kung hindi ka ba naman kabahan!”Pag turo naman ni Robi kay Coleen na naka tawa lamang.
“Ah Ehem.So kailangan talaga mag ka holding hands pag ka labas?”Sabi naman ni Quen ng mapansin ang dalawa at para naman nakuryente ito ng marinig ang sinabi ng binata kaya naman bigla silang bumitiw.
“Ah eh ito kasi si Sam sobrang takot hindi na ko makagalaw.Sobrang init nga eh!”Pinag papawisan naman na sinabi nito.
“Okay ka lang best?Namumutla ka”Bigla naman ngalala si Coleen.
“Ah hindi okay la-“ Ng biglang mahilo si Devon at ng hina ang mga tuhod nito at buti nalang nasalo sya ni Quen.
"Baka nmn kailangan ka pa buhatin nyan? Naku patay tayo"Seryoso naman sinabi ni Sam kay Devon at papaluin sana ni Devon ito ng bigla naman hinatak sya ni Quen at nilagay sa likod nito.
“Oh!Nako nasobrahan ka ata sa pagod.Tara na guys uwi na tayo.Ako na maghahatid dito kay Devon.”Bigla naman sabi ni Quen dito at wala ng nagawa si Devon sa gulat.
“Sige tara na,buti nalang late pasok natin bukas,makakatulog pa ako!”Sabi naman ni Robi.
“Sige guys una na kami ni Devon.” Sabi naman ni Quen at naglakad na ito papuntang sasakyan nila habang si Sam naman ay nagulat din at sinundan ng tingin ang dalawa.
Ng makarating na sila sa bahay ay tila nahimasmasan na naman si Devon at bumalik na ang sigla nito.
“Salamat ulit Quen ha.Naabala ka pa.Yung kaibigan mo kasi sobrang kulet!”Pag kamot nito sa ulo.
“Wala yon!Pano kita nalang tayo bukas ha?Tuloy na ko,Goodnight!Pahinga ka na!”Matamis na ngiti namang sinabi ni Quen dito at napatulala naman si Devon.
“Ah Devon?”Tanong nito.
“Ay Sorry.”Sabi naman ni Devon at bumaba na. “Sige salamat ulet!”