CHAPTER 1 : PANI BAGONG BANGAYAN SA UNANG ARAW.
*Ring Ring* ang unang hudyat ng break time nila sa unang araw ng pasukan.
“Buti nalang break na!Kanina ko pa hinihintay ito,baka hindi ko pa maabutan si Devon at Coleen sa Cafeteria” Sabin ni Sam sa sarili sabay takbo palabas ng classroom.
“Sam iiwan mo agad kami unang araw palang?Tatagpuin mo nanaman ung dalawa ano?” nakangiting sabi ni Robi sa kaibigan.
“Oo nga naman,akala ko pa naman nakalimutan mo na ung babae na yon pagkatapos ng bakasyon,sya parin pala!”Dagdag ni Quen. “Hay nako hayaan mo na pare,mukhang malakas talaga ata tama nya kay Coleen eh” Tumatawang sinabi nito kay Robi.
Tumawa nalang din si Sam at binato sila ng unang makuwa ng kamay nya,Pencil case.
“Aray naman bro!”Tumatawang sinabi ni Robi.”Sige na umalis ka na baka hindi mo pa maabutan ung dalawa!”Pagtatabuyan nitong sinabi kay Sam.
Sabay naman ang takbo ni Sam sa Cafeteria at pilit hinahanap ng kanyang mga mata ang dalawang dalaga.Ng Makita nya ito na nakaupo sa isang tabi ay sabay naman nya itong nilapitan.
“Pinangako mo sa sarili mo na mapapasagot mo na si Coleen ngayon!Kaya mo to Sam!Ito na ang huling taon nyo dito!”Sinasabi nya sa sarili habang papalapit sa dalawang dalaga.
“Hey beautiful!”Masayang pagsabi ni Sam kay Coleen.
Tiningala naman ng dalawa kung san nag galing ang boses na ito at ng Makita ni Coleen kung sino ang nag sabi nito tila anghel ang pagtawa nito kay Sam na kina simangot naman ni Devon.
“Hay nako!nandito nanaman tong mokong na to!Pwede ba alam kong maganda ako pero wag ka naman parang linta dyan!”Naiinis na sinabi ni Devon kay Sam.
“Kapal mo panget!hindi naman ikaw ang pinunta ko dito”Sagot ni Sam sabay tabi kay Coleen at kinindatan ito.
“Best pigilan mo ko hahambalusin ko tong manliligaw mo!”Naiinis na sinabi ni Devon kay Coleen at tila sasaktan si Sam.
“Hep Hep Hep!”Pag pigil ni Coleen sa dalawa. “Best naman!Ka aga aga naghahanap ka na ng away!” Natatawang sinabi ni Coleen sa kaibigan.
“Oo nga Devs aga aga ako nanaman nakita mo!Kaya ka hindi nag kaka boyfriend eh,bakit hindi mo gayahin tong bestfriend mo,malambing na maganda pa!”Pang aasar nit Sam kay Devon.
Sa sobrang inis ng dalaga binato sya ng notebook nito. “Isa pa Sam!” Pagbabanta ni Devon.
“Kaw naman hindi na mabiro!Bakit ba galit na galit ka sakin?Siguro Crush mo ako noh?Aminin mo na kasi,Eh lahat ng babae dito sa school patay na patay sakin!Pero pasensya na ha?Ang bestfriend mo kasi ang Crush ko!”Mayabang na sinabi ni Sam at kinatawa naman ni Coleen.
“Ang hangin dito Best!tara na,hindi ko makaya eh!”Sinabi ni Devon na hahatakin na ang kaibigan paalis.
“Loko ka talaga Best!”Sagot ni Coleen sakanya. “Pero Sam pasensya na,sabi ko kasi sa magulang ko hindi muna ako makikipag Boyfriend hanga’t hindi pa ko nakakatapos ng High School.Sorry ha”Seryosong sinabi ni Coleen kay Sam na biglang lungkot naman ng binata.
“Narinig mo yon?Ang totoo Hindi dahil hindi pwede.Ayaw nya lang talaga sayo mokong!”Pang aasar na sinabi ni Devon kay Sam.
Tila natahimik ang binata,hindi nya alam kung ano gagawin nito.
“Sorry talaga”Sinabi ulit ni Coleen at tumayo na sa kina uupuan at hinatak na ang Bestfriend nya.
Bigla naman dumating si Robi at si Quen at nilapitan syang nakatulala sa kina uupuan nito.
“Kamusta,wala parin ba?”Tanong ni Quen kay Sam. “Sabi naman sayo tantanan mo na si Coleen eh.Lalo ng nandyan parin yang bestfriend nyang masungit!” Sabi nito kay Sam.
Napa tulala si Sam at nakatingin sa binato sakanya ni Devon na notebook.
**Guys lame ba?!hahah unang FF ko to kaya tulungan nyo naman ako tapusin to.Hindi nga pala to magiging mahaba kaya mejo mabilis ang storya.Comment lang! J
Next pls...
ReplyDeletesobrang cute ng story niya sis I LIKE ;) next chap pls...
ReplyDeletenext na !!!!
ReplyDelete