Chapter 4
Pagkatapos ng ilang araw na magkasama si Sam at Devon na pinag paplanuhan ang ginagawang paglakad ni Devon kay Sam eh isang araw nagkita sila sa Cafeteria kung saan katabi muli ni Coleen ang dalaga.
“Psst bro!Tignan mo si Devon naka simangot oh!Lapitan mo na baka namimiss ka lang.”Pag turo ni Robi kung saan naka upo ang dalawang dalaga. “Eh diba sya na crush mo ngayon at hindi na si Coleen?”Pag tawang sabi ni Robi.
“Sira!”Pag suntok naman ni Sam sa balikat ng binata. “Nag papalakad lang ako dun saka diba nga lahat ng manliligaw ni Coleen eh dadaan dyan kay Devs?Mas mabuti ng magkasundo kami”Naka ngiti naman sabi ni Sam.
“Totoo ba yan pre?baka naman sakanya ka na naiinlove,patay tayo dyan!”Muling tanong ni Robi habang tumawa habang si Quen naman ay tahimik na nakikinig sa kanilang dalawa.
“Oh Quen tahimik mo?”Tanong naman ni Sam dito.
“Ah wala.Iniisip ko lang kung manloloko ka ng babae wag naman si Devon.”Sagot ni Quen dito at napa kunot naman ang kilay ni Sam sa sinabi nito.
“Aba pre!Baka ikaw naman ang inlove kay Devon!Naloko na,ginayuma kayo nyan ano?”Makulet naman na dinagdag ni Robi.
“Ano naman masama don?”Pag ngisi ni Quen at tinignan sya ng dalawa na parang hindi ito kilala.“Loko loko ka talaga!Halika na nga kayo,para tayong babarilin dito naka hilera pa tayong tatlo.”Pag biro naman ni Quen at pumunta na sa table ng dalawang dalaga.
“Hi Coleen!Chocolates nga pala oh,para sayo”Inabot ni sam kay Coleen at binigyan ito ng matamis na ngiti sabay lingon kay Devon. “Ano problema ng Leon natin ngayon ha?” Pag kurot naman ni Sam sa pisngi ni Devon.
“Ano ba!”Inis naman na palo nito sa kamay ni Sam at muling bumusangot si Devon.
“May kasama ako oh!”Pag ngiti naman muli ni Sam at hindi pinansin ang kasungitan ng dalaga. “Devs si Robi nga pala saka si QUEN.”diin ni sam sa pangalan ni Quen sa huli at napa tingin naman si Devon.
“Ah eh..Hello nanadito pala kayo”Sabay ngiti naman nito kay Quen.
“Bakit ka ba nila tinatawag na Leon eh maamo ka naman palang kausap?”Tanong ni Quen kay Devon sabay naman ang upo nito sa tabi nya.
“Hay nako!Ang Co-Corny nyo!Tara gala nalang tayo tutal half day naman tayo ngayon eh.Tara!”Pag yaya naman ni Robi sa mga kasama.
“Hmm oo nga noh!”Napa tayo naman sa saya si Coleen at tila nakalimutan na ang kaninang pinag uusapan nila ng kaibigan.
“Eh Coleen diba mahilig kayo maglaro nyang busangot mong kaibigan?Tara dun nalang tayo sa Star city para malabas naman nya ang sama ng loob nya.” Sabi naman ni Sam dito.
“Tara na!Para marami pa tayong magawa!”Tumayo na rin si Quen at hinatak si Devon.
“Teka lang nagugutom pa ko eh!Hindi pa kaya kami kumakain!”Pag pigil naman ni Devon sa kanila.
“Puro ka kain Devon!”Sabi naman ni Coleen habang tumatawa. “Mag take out ka nalang sa Jolibee!”
-----
“Woahhh!Ngayon nalang ulet ako nakapunta dito,feeling ko tuloy bata ulit ako!”Sabay taas naman ng kamay ni Devon sa saya na tinamaan nito si Sam na katabi nya.
“Aray ko!”reklamo ng binata. “Devon ha naka dalawa ka sakin!” Sabi ni Sam habang hinihimas ang napalong parte ng ulo nito at binelatan naman to ni Devon.
“Hala ka Sam!Baka sayo ibuhos ni Devon ang galit nya at hindi sa mga laro dito.Buti pa lumayo layo ka na dyan para maka uwi ka pa sa inyo ng buhay”Panloloko naman ni Coleen sa binata ang hinatak ito palayo kay Devon na kina kilig naman ni Sam.
“Hali na kayo!umpisahan natin don sa Roller coaster na yon oh!Parang di ka na makakababa ng buhay!”Pag turo naman ni Robi sabay takbo papunta sa pilahan at sumunod naman ang apat.Pagkatapos naman ng Roller coaster ay inisa isa na ng barkada ang mga rides at isa na don ang bump car kung saan pinag iinitan ni Devon si Sam.
Sa huli naman ay si Devon naman ang humirit at tinuro ang “Gabi ng lagim” sa tapat nila at nagkatinginan naman si Robi at Quen sabay tawa.
“Sige exciting to,takot pa naman yung isa dyan sa multo!”Tawang tawa na sinabi ni Quen at nakipag apir pa to kay Robi.
“Ayoko dyan!Kayo nalang.”Tila ayaw kumawala ni Sam sa pag hawak sa isang poste malapit sa haunted house at hinahatak naman sya ni Quen at Robi.
“Ang duwag mo naman Sam!Parang haunted house lang eh pano nalang kapag sinagot ka na nitong bestfriend ko?” Pang asar naman ni Devon dito at pinalo sya ni Coleen at pinglakihan ng mata.
Sa sinabi naman ni Devon ay biglang bumitaw si Sam. “Sinong duwag?Hindi ako duwag noh!Tara na nga!”Naiinis na sinabi nito at tila sya pa ang nauna sa pila pero pansin parin ang panginginig neto.
Ng makapasok na sila sa loob bigla naman ng takbuhan sila Coleen,Robi at Quen kaya naman naiwan ang dalawa na magkasama.
“Ano ba Sam!Ang hirap naman mag lakad eh,wag mo nga akong hawakan!”Inis na inis na sinabi ni Devon dito habang tinatangal ang kamay nito.
“Eh sino ba kasi nagpumilit ipasok ako dito?”Sagot naman ni Sam sa takot.
“Wag ka nga!Ikaw tong nauna sa pila eh!”Natawa naman sagot ni Devon ng biglang may lumaglag na manika sa uluhan nila at kinagulat ni Sam kaya naman napayakap si Sam dito.
“Ay palaka!Ano ba Sam!ako nagugulat sayo eh!Bitiwan mo nga ko!”Pilit na kinakalas nito ang yakap ni Sam pero sa sobrang takot nito nag desisyon na si Devon para naman makalabas na sila ng mabilis dito.
“Akin na yang kamay mo.Pag sinabi kong takbo takbo ha?”Kinuha naman ni Devon ang kamay ni Sam sabay bilang.”1..2..3 TAKBO!” Sabay naman takbo ng dalawa palabas habang magka hawak kamay.
“Woah!”Sabi ni Devon pagkalabas nila dito. “Grabe yon!”Pagpunas nito sa pawis nya.
“Oo nga,sa susunod wag mo na ko isasama dyan!” Buntong hininga naman ni Sam pagkalabas nila at nakita na ang tatlo.
“Ano ba kayo bigla naman kayo ngiiwan eh!” Sigaw naman ni Devon sa tatlo.
“Eh pano tong si Coleen nangangagat sa takot tapos sigaw pa ng sigaw kung hindi ka ba naman kabahan!”Pag turo naman ni Robi kay Coleen na naka tawa lamang.
“Ah Ehem.So kailangan talaga mag ka holding hands pag ka labas?”Sabi naman ni Quen ng mapansin ang dalawa at para naman nakuryente ito ng marinig ang sinabi ng binata kaya naman bigla silang bumitiw.
“Ah eh ito kasi si Sam sobrang takot hindi na ko makagalaw.Sobrang init nga eh!”Pinag papawisan naman na sinabi nito.
“Okay ka lang best?Namumutla ka”Bigla naman ngalala si Coleen.
“Ah hindi okay la-“ Ng biglang mahilo si Devon at ng hina ang mga tuhod nito at buti nalang nasalo sya ni Quen.
"Baka nmn kailangan ka pa buhatin nyan? Naku patay tayo"Seryoso naman sinabi ni Sam kay Devon at papaluin sana ni Devon ito ng bigla naman hinatak sya ni Quen at nilagay sa likod nito.
“Oh!Nako nasobrahan ka ata sa pagod.Tara na guys uwi na tayo.Ako na maghahatid dito kay Devon.”Bigla naman sabi ni Quen dito at wala ng nagawa si Devon sa gulat.
“Sige tara na,buti nalang late pasok natin bukas,makakatulog pa ako!”Sabi naman ni Robi.
“Sige guys una na kami ni Devon.” Sabi naman ni Quen at naglakad na ito papuntang sasakyan nila habang si Sam naman ay nagulat din at sinundan ng tingin ang dalawa.
Ng makarating na sila sa bahay ay tila nahimasmasan na naman si Devon at bumalik na ang sigla nito.
“Salamat ulit Quen ha.Naabala ka pa.Yung kaibigan mo kasi sobrang kulet!”Pag kamot nito sa ulo.
“Wala yon!Pano kita nalang tayo bukas ha?Tuloy na ko,Goodnight!Pahinga ka na!”Matamis na ngiti namang sinabi ni Quen dito at napatulala naman si Devon.
“Ah Devon?”Tanong nito.
“Ay Sorry.”Sabi naman ni Devon at bumaba na. “Sige salamat ulet!”
ang cute ang kulit ni Devs & Sam....luv it net chap plssss
ReplyDelete