Friday, 26 August 2011

A Right Turn To Love - Epilogue

"Ma'am may bisita po kayo."Pahiwatig naman ng kasambahay nila Coleen sa dalaga.
"Ay ganon ba?Sige papasukin mo Ate."Pag ngiti naman ni Coleen at nagtataka kung sino ito.
Bigla naman pumasok ang isang pamilyar na binata na kina gulat naman ni Coleen.
"Quen?Anong ginagawa mo dito?"Nagtatakang tanong ni Coleen sa binata na naka porma.
"Ah eh..."Nangamot si Quen sa ulo na pilit hinahanap ang tamang sasabihin."Aakyat sana ako ng ligaw."Ngiti nito sa dalaga.
"Hmmmm...Kung kaya mong maghintay ng One year!"Pag bibiro naman ni Coleen na kina gulat ni Quen.
"Choleng naman eh!!"Pag mumukmok ni Quen.
"Gusto ko kasi ung magaling kumanta eh!Eh sintunado ka naman!"Pag mamataray ni Coleen at nag walk out.
Sinundan naman sya ni Quen at pilit na binibigay ang chocolate na dala at kinakantahan na kinakatawa naman ni Coleen.

***************

Naka upo naman ang dalawang mag kasintahan sa isang malaking fountain sa Bay walk.

"Happy Anniversary Bubbles!I love you!"Bulong naman ni Sam kay Devon.
"Happy Anniversary din and I love you too Bubbles!"Ngiti naman ni Devon.
"Kain tayo pizza?"Tanong ni Sam.
"Basta walang pepper at Lagyan natin ng maraming Pineapples ha!"Sagot ni Devon.
"Dyan tayo hindi nagkaka sundo eh!"Buntong hininga naman ni Sam.
"Gusto mo ng peppers?"Naka kunot naman na tanong ni Devon sa kasama.
"Peppers,un ung pinaka masarap!"Sagot ng binata sakanya.
"Gusto ko Pineapples!!"Pag dadabog naman ni Devon.
"Ayoko non!"Sagot naman ni Sam.

Tumayo naman agad si Devon na naka kunot ang nuo papalayo sa binata ng biglang tumunog ang kantang "Teach Me How To Dougie".Natigil naman si Devon at lumingon sa binata na nag patugtog nito.
Pag lingon nya  ito ay sumasayaw na at kina wala ng inis ng dalaga at sinabayan nalang ito.


THE END

No comments:

Post a Comment