Chapter 3
“Hey Sam bangon na dyan!Sunday ngayon punta tayong Gym!”Pagkatok ni Robi sa pintuan ng kwarto ni Sam at tila walang sumasagot dito.
Bigla naman dumating si Quen at kinatok din ang pinto ni Sam. “Pare marami pa babae dyan wag mo na intindihin ung sinabi ni Coleen sayo” dinagdang nito sa sinabi ni Quen.
“Ah ser,hinahanap nyo ho ba si ser Sam?”Tanong ng kasambahay nila Sam kena Quen at Robi. “kanina pa po sya umalis,bihis na bihis nga po eh,hindi naman po sinabi kung saan sya pupunta”Tugon nito.
“Ah ganon ho ba?Paki sabi nalang po pag balik nya dumaan kami dito”Pag kamot sa ulo na sinabi ni Robi at umalis na sila ng bahay nito.
“Saan nanaman kaya ngsuot ung lalakeng yon?”Tanong ni Robi kay Quen habang palabas sila ng gate. “Ayon si Coleen oh!Sino naman kaya ang kasama ni Sam?”Sabay turo naman nito sa direksyon ni Coleen.
Habang papunta na ang dalawa sa gym Si Sam naman ay maagang pumunta sa bahay ni Devon para kausapin ito.
“Hoy Devon!Tumayo ka na dyan at babain mo na ung manliligaw mo sa baba!”Pag gising ng ate ni Devon na si Ate Dimples dito.
“Manliligaw?”Nagtatakang tanong nito habang nakapikit parin ang mga mata. “Baka nananaginip ka lang ate” sagot naman ni Devon at umayos para matulog ulit.
“Morning panget!”Sabi naman ng masayang boses ng binata at tila napa balikwas si Devon sa gulat.
“Hoy!Bakit nandito ka?Ano ginagawa mo dito sa kwarto ko?” Tila natarantang tanong ni Devon sa binatang si Sam.
“May panis na laway ka pa!Tumayo ka na nga dyan para makaalis na tayo!” Nagmamadaling sabi ni Sam kay Devon at kinainis naman ng dalaga kaya kumuha agad ito ng unan para itapon sa binata.
“Hep!”Pag pigil ni Sam dito. “May deal tayo!baka gusto mong sabihin ko kay Quen yang nararamdaman mo!”Pag ngising sabi ni Sam dito na kina tigil naman ng dalaga.
“Saan ba tayo pupunta?”Pag bulong ni Devon sa inis.
“Basta!Bilisan mo nalang maligo!in 30 minutes dapat bihis ka na,baka naman mg gown ka pa!”Pang asar ni Sam dito at umalis na agad para hindi pa sya pag initan ng dalaga.
-
“Mall?Sus mag shopping ka lang pala sinama mo pa ako!Hoy,taga pag lakad mo ko sa kaibigan ko hindi yaya!”Inis na sabi ni Devon ng makarating sila sa paroroonan.
“Ito naman!Syempre kailangan masaya habang nguusap tayo tungkol kay Coleen noh!Foodtrip tayo,tara Saan ba gusto mo?”Sabi ni Sam habang lumalabas ng sasakyan.
“Foodtrip?Hala sige game ako dyan!Tara sa pizza hut!”Sabi ni Devon at hinatak nito si Sam.
Pag dating sa Pizza hut ay umorder si Devon ng napaka laking Pizza at talagang tinadtad ito ng pineapples.
“Pineapples?”Tanong ni Sam dito agad ng makita nya ang Pizza na inorder ni Devs.
“Oo un kaya ang pinaka masarap!Tikman mo dali!” Sabay alok nito ng Pizza.
“Ayoko!Yan ang pinaka ayaw ko na nilalagay sa pizza!”Pag tangi naman ni Sam at tila nawala na ang magandang ngiti nito.
“Ang panget mo pala kapag naiinis ano?”Pang asar ni Devs. “Eh di sige order ka ng sayo,Foodtrip nga eh!Order lang ng Order,treat mo naman eh diba?”Ngiti naman nito kay Sam.
“Whatever”Sabay naman order ni Sam ng pizza nya.
“Nako sige na!Ano ba gusto mong malaman dyan kay Coleen?”Pag umpisa naman ni Devon ng matahimik na si Sam at tila bumalik nanaman ang ngiti nito.
“Gusto ko malaman ang mga gusto nito!Para kapag ngdate kami alam ko na talaga ang gagawin ko!”Sagot naman ni Sam.
“Kapal mo rin eh noh?Di pa nga kayo eh,Excited!”Sungit na sagot naman ni Devs. “Unang una,ayaw non sa Pizza,ayaw din non ng paborito kong sandwhich na may palaman ng peanut butter at cheese mahilig naman yon sa adventure,text at pagkanta.Gusto non sa lalake matalino,mabait at respunsable”Diniin naman nito ang mga huli nitong sinabe. “Makulet din yon kaya hindi naman mahirap kasama kasi laging maingay” Sabi naman ni Devon.
Habang si Sam ay tila naka ubos na nag tatlong pizza at hindi naririnig si Devon.
“Hoy!Nakikinig ka ba?Aalis na ko!”Pag gulat naman nito kay Sam.
“Oo naman nakikinig ako,Eh ano naman ang mga hilig nya gawin?”Tanong naman ni Sam ng maubos na nito ang Pizza nya.
“Nako tara pakita ko sayo!”Hatak muli ni Devon si Sam palabas ng pizza hut at dinala sa Timezone.
“Dito madalas mag mukmok yon kapag maraming dinadala,Pareho kami!Tara dun tayo sa paluan ng mga makukulet.
“Paluan ng mga makukulet?”Tanong ni Sam at hinila nanaman sya ni Devon papunta sa isang laruan kung saan papaluin mo ang mga lumalabas na daga sa butas.
“Paborito namin to,dito talaga lumalabas ang galit namin,isipin mo nalang yang makukulet na yan ang kaaway mo sa buhay!”Sabay umpisa naman ng laro ni Devon at tila galit na galit ito kaya naman ng itaas nito ang pamalo ay tinamaan si Sam na nasa likod nito.
“Ay pasensya,iniisip ko kasi ikaw ung papaluin ko.Ayan tuloy.”pang asar naman na ngiti ni Devon at pag tingin ni Sam ay hindi nya inaasahan na sobrang lapit na pala ng dalaga at biglang nag ka titigan sila nito.
“Uyyy!In Love ka sakin noh?”Pag kurot naman ni Sam sa ilong ni Devon at tinabig naman ng dalaga.
“Ang kapal mo talaga!”Pag palo nanaman nito kay Sam.
“Aray!”reklamo ng binata. “Tara na nga!Dun tayo sa park para naman mas Romantic!”Pang asar ni Sam kay Devon at inakbayan ito palabas ng mall.
-
Pag dating naman ng bahay ni Devon ay hindi nya inaasahan na bigla nalang may ngtext dito na hindi nya kilala ang numero.Pag bukas nya dito:
“Salamat kanina,ngayon alam ko na ang mga gagawin ko.Nag enjoy nga pala ako!Goodnight,Wag ka maiinlove sakin ha?:p- Sam”
Napa ngiti naman si Devon dito at ‘Sira ulo’ Lamang ang sinagot nito.
Bigla naman naisipan ng dalaga na itext ang kanyang bestfriend.
“Sagutin mo na si Sam!Mabait naman to ah,Gwapo pa” Wala sa isip na sinend ni Devs. “Ah Este panget pala,Goodnight.Kitakits bukas” Tinext ulet ni Devon.
ang kulit!!
ReplyDelete