Wednesday, 6 July 2011

Chapter 5 - A Right Turn To Love

Chapter 5
“Oi Sam!Ayun si Best oh,dami atang dalang libro.Punatahan mu na dali!”Pag tulak naman ni Devon kay Sam papunta kay Coleen na mejo lumalayo na.
Simula ng ilakad ni Devon si Sam kay Coleen ay sinusundo na ni Sam si Devon sa bahay nila para mas mahaba ang paguusap nila tungkol dito at hindi mahalata ni Coleen ang ginagawa nila.
“Ah Coleen tulungan na kita dyan!”Biglang sulpot naman ni Sam at kinuha ang mga dala ni Coleen.
“Ay Hello Sam,kagulat ka naman kung saan saan sumusulpot,salamat ha?”Ngiti naman ni Coleen at napatulala si Sam dito.
“Ah hindi wala to.”Sabay kamot nmn ni Sam sa ulo dahil sa hiya.
“Nga pala naalala mo ung kahapon na pumunta tayo ng star city?Ung parang wala sa mood si Best nung nasa canteen kami.Hihingi sana ako ng tulong sayo eh..”Pabulong naman na sinabi ni Coleen kay Sam.
Habang nag uusap ang dalawa si Devon naman ay nakatingin lang sa kanila mula sa kinakatayuan nilang dalawa ni Sam kanina ng biglang may tumawag dito.
“Ui Baby Devs!”Sigaw naman ng binata at napa lingon si Devon sa natawag na pangalan sakanya at nakita nito si Quen.
“Ha?Anong Baby Devs ka dyan?Baka gusto mong mabanatan?”Pagbibirong sinabi naman ni Devon dito at pinakita ang kamao nya dito.
“Woah Woah easy lang!Para ka kasing bata kaya Baby devon na naisip kong ipangalan sayo.”Sabi nmn ni Quen habang nilalayo ang mga kamay ni Devs. “Teka bakit mag isa ka lang?Diba lagi mo ng kasama si Sam?”Tanong nmn nito.
“Ayun oh,nagpapa-pogi points pa kay Best.”Turo naman ni Devon sa dalawa. “Tara na nga mahuli pa tayo sa klase.”Sabay hatak naman ni Devon kay Quen papunta kena Sam at bigla naman sya inakbayan ni Quen at ginulo ang buhok nito.
“Teka asan na nga pala si Best?”Biglang tanong nmn ni Coleen kay Sam at hinanap ito.
“Kasama ko lang sya kanina lang…”Napa hintong sabi ni Sam ng makita nya ang dalawa na palapit sakanila.
“Aba aba!Ano tong nakikita ko ha?May ngyari ba sa inyong dalawa kagabi at wala kayong sinasabi sa amin?”Pangungulit naman ni Coleen sa dalawa.
“Wala nmn,tinulugan lang ako nito sa sasakyan nung hinatid ko sya sa kanila at anong petsa na ng magising tong si Baby Devs.”Sagot ni Quen dito at ginulo muli ang buhok ni Devon.
“Isang tawag mo pa sakin ng Baby Devs ,Quen!Hindi porket gwapo ka!”Pinalo nmn ni Devon sa tyan si Quen ng sinabi nya ito.
“Bakit hindi kayo pumunta dun sa park para lalong mas Corny.”Pabulong naman na sinabi ni Sam sa dalawa pero narinig parin nila ito.
“Uii,meron atang nag bago ang mood dyan?”Pang aasar naman ni Quen sa kaibigan. “Tara na nga!”Sabay buhat naman ni Quen kay Devon at tinakbo ito papuntang klase.
“Quen ibaba mo ako!Uupakan talaga kita!”Sinisigaw naman ni Devon habang tumatawang tinatakbo sya ni Quen papuntang classroom.
“Ang sweet nung dalawa noh?.”Sabi nmn ni Coleen kay Sam na naka simangot lang na tinitignan ang dalawa paalis. “So anyway,ano tulungan mo ba ako?” Muling tanong ni Coleen pabalik sa pinag uusapan nila kanina.
“Uhm sure,basta ikaw.”Ngiti nmn muli ni Samuel kay Coleen.
----
Pagkatapos naman ng klase nila ay ngpaalam na sila sa isa’t isa ng ipaalala muli ni Coleen ang napag kasunduan nilang dalawa ni Sam.
“Ano Sam?Ngayon na ha?Pasensya na hindi talaga ako pwede sumama,makakahalata un eh.Sige ha!”Pag pilit muli ni Coleen dito at hinawakan pa ang dalawang kamay ni Sam na nakita naman ni Devon at tila napa tigil ito sa nakita at ng bitiwan muli ito ni Coleen ay naka galaw muli si Devon at naglakad ng pauwi sa kanila.
“Oi Devs teka lang!”Pag sigaw ni Sam. “Di mo ba ako hihintayin?Diba hinahatid kita pauwi?”Tanong ni Sam dito ng maabutan nya to.
“Sus para san pa eh parang nag kakamabutihan na kayo ni Best.”Sagot naman ni Devon.
“Ha eh,oo nga eh”Sagot naman ni Sam dito. “Eh Devs..Ano..Gusto ko lang sana magpasalamat sa ginagawa mong paglakad sakin,kaya naman lilibre kita!”Kinakabahan nmn na sinabi ni Sam dahil hindi nya alm kung ano irarason nya sa dalaga.
“Nako wag na lang,mamaya may kapalit pa yan eh.”Sagot nmn ni Devs habang patuloy sa pag lakad.
“Hindi nga seryoso ako,dali Tara punta tayo Rockwell!”Sabay hatak naman ni Sam dito papunta sa sasakyan nya at si Devon nmn ay nagulat.
“Baby Devs!Tara hatid na kita.”Biglang sigaw naman ni Quen at lumapit sa dalawa.
“Eh ito kasi si Sam eh,May gusto atang ipagawa sakin kaya ngpapa good shot.”Nalilitong sagot naman ni Devs kay Quen.
“Ah ganon ba sige Sama narin ako!”Biglang sabi naman ni Quen at pumasok na sa kotse ni Sam na kinagulat nmn nito at tinignan ng masama si Quen. Bigla naman nmn kumindat ito at sinabing ‘Coleen’ dito ng walang boses.
Ng dumating na sila sa paroroonan ay agad naman silang kumain at ng mgka tinginan si Sam at Quen ay nagka plano n sila kung saan nila dadalhin si Devon. 
“Teka bakit tayo nandito?”Nagtatakang tanong ni Devon sa dalawa ng pumasok sila sa isang magaraang shop.
“Ah eh may party kasi kena Robi sa makalawa,invited ka daw.Maarte kasi Mom non,kaya kami na bahala sayo.Magsukat ka na don.”Sagot naman ni Quen kay Devon at kinuha na si Devon ng sales lady.
“Birthday kena Robi?Pare naman mabubuko tayo nyan eh!”Pabulong naman na sinabi ni Sam kay Quen.
“Eh anong sasabihin ko naman sakanya?Trip lang natin syang pasukatin ng magagarang damit?”Tanong naman ni Quen dito. “Si Coleen naman kasi eh!”Sabay kamot nito sa ulo.
“Sam ano ba to?”Tanong ni Devon dito ng bigyan sya ng maraming damit ng sales lady at pinasok sa isang dressing room.
Paglabas naman nito ay naka suot sya ng puting bistida na sobrang haba kaya naman napatawa ang dalawa dito.
“Uupakan ko kayo pagkatapos ko dito.”Pinag dilatan nmn ni Devon ang dalawa kaya natahimik at muling pumasok para magsukat.
Paglabas muli nito ay naka dilaw na bistida ito at pinilit nalang ni Sam na manahimik ng biglang sabi naman ni Quen ay. “Mukha kang araw dyan Baby Devs.” Kaya naman muling nagpalit ito.Pagkatapos ng ilang palit ay lumabas muli si Devon at nakasuot ng isang magarang damit.
Naka suot ito ng above the knee dress na kulay pula kaya naman kitang kita ang haba at kinis ng binti nito.May pagka sikip naman ito sakanya kaya kitang kita ang magandang katawan ni Devon.Meron naman isang itim na belt sa baywang nito na mas lalo pang nagpaganda sa suot nya.Tila napaka simple lamang ng suot nito pero kitang kita ang kagandahan ni Devon.
“Ah Ehem”Tila naiilang na sabi ni Devon sa dalawang nakatingin lamang sa kaniya.
“Perfect!Ang ganda mo Baby Devs!”Napatayo nmn si Quen at pinalakpakan ito na kinamula naman ni Devon. “Diba Sam?”Sabay lingon naman ni Quen dito.
“Ang ganda,bagay sayo.”Ang nasabi lang nito at bumalik na si Devon para magbihis.
“Dang!Ano bang iniisip mo dyan Samuel?”Naiinis naman na sabi nya sa sarili nya.
“Pano Tara?Uwi na tayo!dami ko pa homework!”Pagyaya naman ni Devs sa dalawa pauwi ng makalabas ito.
“Okay!Sige Sam ako na maghahatid sakanya!”Sabay hatak nnmn muli ni Quen dito.
“Hey ako na maghahatid dyan!”Sigaw naman ni Sam sa dalawa na naka layo na.Pagpasok naman ni Sam sa sasakyan nya ay hindi nya maalis ang larawan ni Devon sa utak nya kanina.
“Umayos ka Samuel!”Sabi naman nya sa sarili nya at biglang tumawag si Coleen.
“Hello Sam,nakahanap na ba kayo ng damit na susuot nya para sa surprise birthday party nya bukas?”Tanong nito.
“Meron na,kakaalis lang nilang dalawa ni Quen.”Sagot naman nito.
“Salamat ulit!”Sabi nmn ni Coleen at naputol na ang linya.

3 comments:

  1. sam nain love kn ata kay baby devz...at quen ano ba?pati ba ikaw in-love kay devz?next chapter pls

    ReplyDelete
  2. Aww matino pa ba ung ff ko?hahaha hnd b ngging boring? :D

    ReplyDelete
  3. naku parang i love na ata c Sam kay bb Devs :) ano kaya ang mangyayari sa B-day niya......next chap na plsssss

    ReplyDelete