Chapter 6
“Asan ba tayo Quen?” Tanong ni Devon ngmakita nya ang magarang lugar na pinaghintuan ni Quen.
“Wag na maraming tanong!Tara na,late na kaya tayo!Ikaw kasi kanina ayaw mo pa magpa make up eh!” Minamadali naman na sagot ni Quen dito at binuksan na nya ang pintuan ni Devs.
“Sigurado ka bang okay lang itsura ko?Hindi nmn kasi ako sanay eh.” Nahihiyang tanong nmn ni Devs kay Quen pagbaba nya ng sasakyan.
“Ang ganda ganda mo devs.”Sabay ngiti naman ni Quen dito at pumasok na sila sa isang Club house na tila wala man lang ka ilaw ilaw.
“Loko ka Quen san mo ko dadalhin?.”Napatigil na sabi ni Devon pag pasok nila dito at naka isang malakas na hampas nmn si Devs dito.
“Aray nmn Baby Devs!” Reklamo naman ni Quen dito. “Pagtiwalaan mo naman ako.”Sabi naman nito ng biglang.
“HAPPY BIRTHDAY DEVON!!!!!” Sigaw ng mga tao doon at biglang ngbukas ang mga ilaw.
“Happy birthday Best!” Sabay lapit nmn ni Coleen sa dalaga at niyakap.
“Best naman oh!Ikaw talaga pinaniwala mo ako na wala ka ngayong birthday ko!Ang sama mo talaga!” Sabi naman ni Devon dito.
“Sus pwede ba yon?Eh wala na nga ako Last year tapos wala nnmn ako ngayon?”Pagbibiro nmn ni Coleen dito.
“At kayong dalawa!”Bunton ng galit ni Devon kay Quen at Robi na malapit sa kanila. “Birthday ng mommy ni Robi!Neknek nyo!Babaw nyo magpalusot!” Naka dalawang hampas naman ito sa dalawa na tumawa nalang.
“Hay nako!Sabi na makaka halata si Best sa inyo eh,Akala ko pa naman naka lusot na!” Dagdag ni Coleen nmn dito.“Ah tara umpisahan na natin to!Leggo Madlang pepol!”Sigaw nmn ni Coleen sa mga bisita.
“Hala sinaniban nnmn ung Best friend mo.”Bulong ni Quen kay Devon at tumawa nalang ang dalawa.
Kanina pa nag umpisa ang party pero tila meron isang tao ang pilit na hinahanap ng mga mata ni Devon at napansin naman to agad ni Robi.
“May hinahanap ka ano?” Pang aasar na tanong nito sa dalaga.
“Ha?Sino?Wala noh!” Kinakabahan naman na sagot nito kay Robi.
“Wushu..Kung alam ko lang.” Pangaasar muli nito at buti nalang tinawag na sya ni Coleen at nakahinga naman ng maluwag si Devon.
“Kanta na tayo Happy birthday dali!”Pag hatak naman ni Coleen dito pa punta sa cake nya.
“Best bata ako?bata?”Tanong ni Devon kay Coleen.
“Arte mo!dali na,Kanta na tayo guys!”Sabay kanta nmn ng lahat at palakpak pa.
Pagkatapos hipan ni Devon ang kandila bigla naman may nagsalita sa likod nya.
“Bakit hindi mo ako hinintay?”Tanong ng binata dito at napatigil naman si Devon at naka ngiting humarap sa boses na narinig nito.
“Late ka panget!” Pag palo nmn ni Devon kay Sam na hindi nmn matangal ang ngiti sa mga labi.
“Naks!Wagas ang ngiti natin dyan ah?”Pang aasar ni Sam dito. “Happy Birthday.” Tugon ng binata.
“Thank you.” Ngiti muli ni Devon ng biglang my nag sabing ‘Yieeee!’ sa likod nilang dalawa at bigla naman hampas ni Devon kay Robi.
Nagpatuloy ang kasiyahan ng mga kabataan at si Devon nmn ay hindi matatangi ang kasiyahan na nadarama lalo na ng dumating si Sam at bigla naman nalipat ang kasiyahan sa kantahan.
“Umpisahan na natin Devon!”Pag hatak naman ni Quen kay Devon at ng duet ang dalawa at hindi mabilang na hampas naman ang nagawa ni Devon dito dahil narin sa inis na nakikita nyang pag uusap ni Sam sa mga babae sa isang table doon.
“Si Coleen naman!” Sigaw ni Devon pagkatapos nila at hinahatak nito ang kaibigan.
“Best alam mo naman hindi ako kumakanta in public eh!”Pag pipigil nito kay Devon.
“Mag cockroach dance ka nalang dali!” Tawa naman ni Devon dito sa dalaga ng ginawa nga nya to.
“Grabe Best ah!Porket Birthday mo!” Hampas naman ni Coleen dito. “Pero syempre ang huling kakanta ay walang iba kung hindi si Sam!” Sigaw nmn ni Coleen at hinatak si Sam palayo sa table kasama ang mga babae at pilit naman na sinasabi ni Sam na ayaw nya pero hindi nito natiis ang mga sigawan ng mga bisita.
“Dahil Late ako,para sayo to Panget.”Ngiti naman ni Sam ng tinulak na sya sa harapan para kumanta.
‘You cant eat,you cant sleep,you cant weep when you love Someone
Feels extreme when you dream,and you scream when you love Someone
If you feel that strong,Can you tell that one..’
Napa tulala naman si Devon dahil sa nakikita nyang pag kanta ni Sam at tila damang dama nya ito.
‘Let me be your: Someone to hold you tight
Someone to make you feel alright, Everyday and night I wish I was your someone
Someone to hold you when you’re weak, Someone to make you feel complete
Everyday and night I wish I was your someone.’
At tila napatigil na ang mundo ni Devon ng magtagpo ang mga mata nila ni Sam habang kumakanta ito. Ng matapos ang kanta ay lumapit si Sam sa dalaga
“Happy Birthday ulet.”Sabay Beso naman ni Sam kay Devon na kinasigaw ng lahat.
..waah! feel ko si devon naman talaga gustong ligawan ni sam eh..excuse lng nya yung palakad kuno kai coleen para mao time sila together.. echos!..haha feel ko lang naman bilang ako ay isang feelingera..hahaha..nxt na po.. ^_^
ReplyDelete@black vanity>> agree po ako sau :) nxt chap na po
ReplyDelete@black vanity agree too...
ReplyDeletepaano si BES quen? at ang shipper na si robi?
next chapter kakadik.. :>
ReplyDeleteTignan nalang po natin kung ano mngyyari sa susunod,Lapit na po sya matapos. Salamat po sa mga ngbabasa ^^
ReplyDeletenext na next na plsssss!!!! nakakaexcite grabeh!!! super kilig!!!
ReplyDelete