Saturday, 20 August 2011

A Right Tun To Love - Chapter 10


Chapter 10
Ng dumating si Sam sa bahay nila ay humiga ito sa kama at inisip ang sinabi ng dalaga na si Coleen kanina sa Sasakyan.Tila nalilito ito sa nararamdaman nya,Oo matagal na syang may gusto kay Coleen pero makalipas ang ilang buwan na nakakasama nya si Devon ay walang duda na nag iiba ang tibok ng puso nya kapag nakikita nya ito.
“Sam what is wrong with you?!” Sigaw naman ni Sam sa sarili. “What the hell is wrong with you?Nandyan na yung matagal mo ng pinapangarap oh!Ung maging kayo ni Coleen tapos ngayon papakawalan mo pa sya?” Pilit na sinasabi ni Sam sa puso nya ito.
“Pero I can’t deny na tuwing dumarating si Devon eh bumibilis ang tibok ng puso ko,tumitigil ang pag hinga ko at naiinis ako kapag may ibang lalake na lumalapit sakanya!”Mahinahong Sagot naman nito muli sa sarili nya.
“I need to talk to Devon..”Pag pasya ni Sam. “kailangan ko sya para ipasok sa kokote ko kung gano ako Katanga kapag pinakawalan ko pa si Coleen!” Pag desisyon naman nito ngunit alam nya sa sarili nya ang tunay na rason kung bakit nya gusto Makita ang dalaga.
Makalipas ang isang araw gumising naman si Devon sa talak muli ng ate nya na si Ate Dimples.
“Hoy Devon May Seron!Gumising ka na dyan at may naghahanap sayo!”Sigaw ng ate nya mula sa baba ng kanilang bahay.
Naalipungatan naman si Devon ng maramdaman nya na may tao na sa pintuan nya.
“Ay kalabaw!” Nagulat naman na sinabi ni Devon. “Pano ka nakapasok dito Quen?” Nagtatakang tanong ni Devon sa binata.
“Pina akyat ako ng Ate mo..”Sagot naman ni Quen sa dalaga at papasok na sana sya ng pigilan sya ni Devs.
“Hep!Bawal pumasok!Kakagising ko lang noh..”At ng masabi ito ni Devon ay para naman syang sinipa ng kabayo ng maintindihan nya ang sinabi nya. “Kakagising ko lang!Quen labas!Maliligo muna ako!” Sabay tayo naman si Devon at sinarado ang pinto nya sa mukha ni Quen.
“Ate talaga oh!” Pagkamot ni Devon sa inis at naligo na.
Ng matapos naman ito ay bumaba na sya at niyaya ang binata na lumabas sa subdivision nila para dun bumili ng soft drinks at mag kwentuhan.
“Ano ba balita at napadpad ka dito?” Tanong ni Devon dito ng makahanap na sila ng mauupuan.
“Devs..Ung totoo,okay ka lang ba?” Seryosong tanong naman ni Quen.
“Woahh!!Dahan dahan lang Quen,bilis ng takbo ng topic natin di ako maka habol!” Pagbibiro naman ni Devon nguni’t alam nya ang ibig sabihin ng binata.
“Devon..”Buntong hininga naman ni Quen. “Hindi ako manhid,ramdam ko ang nararamdaman mo para kay Sam.” Pilit naman na tinititigan ni Quen ang dalaga sa mata.
Napa ngiti naman si Devon nguni’t hindi umabot ito sa kanyang mga mata. “Buti ka pa ramdam mo..”
“kitang kita naman sa mga mata mo kapag kasama mo sya eh,kung maka ngiti ka,WAGAS!” mababaw na pag bibiro naman ni Quen at hinampas sya ng dalaga.
“Quen naman eh!” Inis na sabi ni Devon.
“Nabalitaan mo na ba ang tungkol sa France nila Sam?”Tanong naman ni Quen.
“Oo naman,Kanino bang best friend si Choleng?” Sagot naman ni Devon at ngumiti.
“Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ni Sam oh kung ano ang plano nya,pero knowing him,He would do anything para sa mahal nya.”Sagot naman ni Quen.
“Pero kahit anong mang yari..ang lagi mong tatandaan ay nandito lang ako.Pwede mo ako takbuhan.Binilin ka kaya sakin ni Choleng.”Ngiti naman ni Quen at hinawakan ang kamay ng dalaga.
“Quen thank you.”Bulong ni Devon at humiga sa balikat ng binata para itago ang namumuong luha sa mata niya.
Sa ganitong panahon naman dumating si Sam at nakita ang dalawa na sobrang magka lapit sa isa’t isa.Para naman naka tayo sa buhangin si Sam ng mga oras na yon na lumobog na ang kanyang paa sa kina tatayuan ngunit ang kaibahan lang nito ay pag ka lubog nito parang isang bilyong bato ang pumipigil para makapag lakad muli ito.
Ng mapansin naman ni Quen ang binata nakatayo medyo malayo sa kinauupuan nila ay agad naman nyang binitawan si Devon na kina gulat naman ng dalaga.
“Sam!”Sigaw naman ni Quen dito at sinundan naman ng mga mata ni Devon ang kausap ni Quen.
Natauhan naman si Sam at pilit na lumapit sa dalawa.
“Ano ginagawa mo dito?”Tanong ni Quen kay Sam.
“Oh uhm,gusto ko lang sana kausapin si Devs.”Maikling sagot naman nito at nagulat si Devon sa sinabi ng binata.
“Ah ganun ba?Sige maiwan ko muna kayo.”Sagot naman ni Quen at lumayo na sa dalawa.
“Ang haba ata ng buhok ko ngayon at ang dami kong bisita?”Pilit naman pinapagaan ni Devon ang kapaligiran nila.
“I just need to ask you something..”Sagot naman ni Sam.
“Ano yon?”Tanong ni Devon.
“Kung liligawan ka ni Quen..”Pilit na tinutuloy ni Sam ang gustong sabihin. “Sasagutin mo ba sya?” pagtapos nito.
“Bakit mo naman biglang natanong yan?” Nagtatakang tanong naman ni Devon sa binata.
“Because I’m going to France tomorrow,Gusto ko lang malaman na masaya ka after what you did for me..and Coleen.”Sagot naman ni Sam.
Naramdaman muli ni Devon ang mga luha na nag babanta sa kanyang mga mata kaya naman tumayo ito at tumalikod kay Sam.
“Oo naman!”Sagot ni Devon habang pinipilit na maging matuwid ang boses nito habang pinapahid ang mga luha na walang pigil na pumapatak sa kanyang mga mata. “Magiging choosy pa ba ako!Si Quen na yon noh!Ano pa bang hahanapin ko?” pag bibiro muli ni Devon habang pilit na iniinda ang sakit na nararamdaman sa dibdib.
“That’s all I wanted to know..”Bulong naman ni Sam. “Take care of yourself Devs,I’ll see you soon.”Ang huling sambit naman ng binata at lumakad na palayo sa dalaga pero ang puso naman nito ay gustong bumalik at yakapin ang dalaga at sabihin ang tunay nyang nararamdaman.
Ng makaalis na ng tuluyan ang binata ay bigla naman buhos ng ulan pero Gabi na,hindi parin nakaka alis si Devon sa kanyang kinatatayuan.Nghina naman ang kanyang tuhod at napa upo na sa sakit na nararamdaman at binuhos nalang ang pag iyak sa ulan.

1 comment:

  1. this is so sad :( bakit kailangan nyo pang saktan ang isat-isa? hay sana nga maging ok ang lahat

    ReplyDelete