Thursday, 11 August 2011

A right Turn To Love - Chapter 9

Chapter 9
Makalipas naman ng ilang buwan ay palapit na ng palapit ang kanilang pagtatapos sa iskuwela na ibig sabihin ay malapit na rin ibigay ni Coleen ang kanyang sagot sa binata na si Sam.Si Devon naman ay hindi na rin mapakali sa alam nyang magyayari ng isang araw ay biglang sumulpot ang kanyang matalik na kaibigan sa kanilang bahay bago ang kanilang Graduation.
“Ay palaka!”Pagtalon sa gulat naman ni Devon sa kanyang kinauupuan sa kanyang kwarto. “Ikaw lang naman pala yan Bes!Kaaga aga ng gugulat ka pa!Ano ba balita at napadpad ka dito?”Tanong ni Devon dito.
“Eh Bes..mamaya na kaya ang graduation natin.Iniisip ko si Sam..Anong sasabihin ko sakanya?”Pag uumpisa ni Coleen at umupo sa tabi ni Devon.
“Sus,yun lang naman pala.”Natigil si Devon sa sinabi ng dalaga. “Eh di sabihin mo nalang sakanya ayaw parin nila tito at tita na magka boyfriend ka.”Sagot ni Devon dito at pilit na tinatago ang nerbyos na nadadama nya sa mga sinasabi ng kaibigan.
“Oh akala ko ba pasado na sayo si Sam para sakin?”Nagtatakang tanong ni Coleen kay Devon.
“Pwede na,kung sa bagay ang haba narin naman ng paghihintay nya noh!Biruin mo kahit na sinabi mo sakanya na ayaw ng magulang mo hangga’t di pa tayo gumagraduate eh nan diyan parin sya.”Sagot muli ni Devon.
“Un na nga Bes eh,ang tagal na rin mula noong tinanong nya ako.Sa tingin mo ba hangang ngayon nililigawan parin nya ako?Hindi ko na kasi nararamdaman eh..”Pag kamot naman ni Coleen sa ulo nito.
“Sa pagkaka-alam ko naman eh wala syang ibang nililigawan..”Buntong hininga naman ni Devon.
“So..sasagutin ko na sya mamaya ha?!”Pag papaalam naman ni Coleen kay Devon at tumakbo na ito palabas ng kwarto nya.
“Teka..”Huli na ng sinabi ni Devon ito.
“Ano pa ba kasing pinu problema mo dyan Devon?Eh hindi ba maganda na nga na titigilan ka narin nung Sam na yon tungkol sa panliligaw kay Coleen?Saka luluwag narin buhay mo sa  akas!”Ani naman ni Devon sa sarili nya.
“Pero kaya mo bang Makita silang dalawa na magkasama at sweet?Kakayanin ba ng puso mo yan?”Ani naman ng pangalawang boses sa utak nya.
“Kaya noh!Bakit naman hindi!Eh wala naman ako nararamdaman para sa mokong na yon!”Malakas na sambit naman ni Devon kausap ang sarili nya.
“Hay nako!Maka ligo na nga!”Sabay palo naman ni Devon sa ulo nya.
--
Pagkatapos naman ng sermon ng kanilang Graduation ay umaapaw na tuwa naman ang naramdaman ni Devon dahil sa reyalidad na tapos na sya sa pagaaral!Laking tuwa din ng magulang nya ng makapag marcha sya at makuha ang kanyang sertipiko.Ngunit pagkatapos ng kasiyahan at iyakan ay hindi na nya muling nakita ang kanyang matalik na kaibigan o ang hinahanap ng kanyang mga mata na si Sam.
“Baby Devon Congrats!”Bigla naman sigaw ng isang lalake sa kanya.Binuhat naman sya nito at sabay narin inikot.
“Thank you Quen!Congrats din!” Ngiti naman ni Devon sa binata.
“Nga pala anong plano nyo ngayon?Saan tayo mag c-celebrate?”Tanong naman ng binata dito ng biglang tumunog ang telepono ng dalaga.
Hey panget!Guess what?Kami na ng bestfriend mo!Sinagot nya ako kanina!C’mon let’s celebrate,my treat!Kasama narin si Quen at Robi,kita nalang tayo sa Greenwhich. J – Sam
Tila tumigil naman ang hininga ni Devon ng mabasa ang teksto na kanyang natanggap at naramdaman nya ang pag hina ng kanyang katawan.Ng tumingala sya kay Quen ay nararamdaman na nito ang mga luha na namumuo sa kanyang mga mata kaya naman ngumiti nalang sya dito at inabot ang telepono sa binata.
Inaasahan mo narin naman to Devon diba?Ano pang kinagugulat mo dyan!”Pag pigil ni Devon sa luha nya.
“Aba!Ang dami pala kailangan i-celibrate ngayon araw eh!Tara na sabay na tayo pumunta don!”Ngiti naman ni Quen at hindi napansin ang nararamdaman ng dalaga.
Pagdating naman nila sa lugar ay naka akbay si Quen kay Devon na pumasok sa Greenwhich.
“Andito na pala sila eh!”Biglang bati naman ni Robi sa dalawang kakarating lamang.
“Hay nako!Late nnmn kayo!”Bati din ni Coleen sa dalawa at napa lingon naman dito si Sam.
Ng Makita naman ni Sam ang dalawa ay hindi maintindihan galit at selos ang nadama nito kaya naman napatingin nalang ito sa sahig.
“Pasensya na ha!Eh late nyo naman kasi sinabi na may ganito na pala!”Pang aasar ni Quen kay Coleen at Sam.
“Oo nga!Biglaan ah!”Pilit naman na pinapasaya ni Devon ang sarili. “Congrats Sam!After ng mahabang paghihintay!” Pagbati nito sa binata.
“Salamat..”Maikling sagot nito ng dumating na ang inorder nila.
Wala naman sa isip na binigyan ni Sam si Coleen ng pizza sa plato nito at natigil naman si Devon sa nakita.
“Ahh,Sam..”Mahinang simula ni Coleen.
“Oh.”Sagot naman ni Sam ng mapagtanto nya ang kanyang nagawa. “Sorry I forgot,order nalang kita ng pasta.” Ngiti naman nito kay Coleen.
Walang katapusan pang aasar naman ang nakuha nila Sam at Coleen sa tatlo nilang kaibigan,Di makakailang sweet parin si Sam kahit na hindi nito alam ang kanyang nararamdaman.Ng ihatid na ni Sam si Coleen sa kanilang bahay ay tahimik na ito ng biglang huminto ang kotse ni Sam sa harap ng bahay nila Coleen.
“Sam,what’s wrong?” Tanong nito sa binata.
“Nothing,why?”nagtatakang sagot naman ni Sam.
“Kanina ka pa wala sa sarili mo dyan.Simula nung dumating sila Devon at Quen kanina.”Mahinang sagot nmn ni Coleen.
“I’m sorry,pagod lang siguro.”Ngiti naman ni Sam.
“No,I don’t think that’s it.”pagiiling naman ni Coleen sa ulo nya. “Look,I know matagal na simula nung sinabi mo na gusto mo ako and ngayon lang kita sinagot and hindi ko alam kung ganon parin ang nararamdaman mo para sakin.”Pag paliwanag ni Coleen kay Sam.
“Pero nandito ako,I think that answers your question na ikaw parin.”Sagot naman ni Sam.
“That’s what your mind is saying Sam but your heart says otherwise.I can feel it.”Tinitigan naman ni Coleen si Sam ng diretso at wala ng maisagot si Sam.
“Look,pinapa punta na ako nila mommy sa France soon.Bibigyan kita ng oras para makapag isip.Kung ako parin talaga,nandun lang ako.Puntahan mo ako,pero kung hindi ka dumating,I guess alam na natin ang sagot.”Ngiti naman ni Coleen sa binata.
“I’m not mad..basta isipin mo kung saan ka masaya.”Huling salita naman ni Coleen at bumaba na ito ng sasakyan.

3 comments:

  1. good vibes si Coleen ah...sam ano nga ba?sino nga ba?naku wag kanang pa anda anda...kasi si Quen anjan din naghihintay...

    ReplyDelete
  2. ka asar nakakabitin naman itich!!!

    ReplyDelete