Chapter 2
“Queeeeeeenn!Bilhan mo na ako nung ube ice cream kay manong dun sa labas pleaaaseee!” Pag pipilit ni Devon sa kaibigan na parang bata.
“Alam mo minsan hindi ko talaga alam kung anong klaseng tao ka Beh!” Pang aasar ni Quen sa dalagang katabi nya.Tinawag nya itong Beh bilang ito ang tawagan nilang dalawa.Si Quen lamang kasi ang madalas na nakakasundo nito sa barkada.
“Queeenn behhh,dali na please?” At tila ng puppy eyes pa ang dalaga kay Quen.
“Oh sige na nga!Dyan ka lang ha!Babalik ako..” At tuloy na ngang tumayo si Quen at binilhan ng ice cream ang dalaga.
Samantala dumating naman bigla ang iba pa nilang kaibigan kasama ang bago nilang nakilala na si Sam.
“Morning Devs!”Bati ni Fretzie sa dalaga.
“Morning Charming!” Ngiti naman ni Devon.
Ngunit ang mga ngiti sa labi ni Devon ay pawing nawala ng nakita ang kasama ng mga kaibigan.
“Anong ginagawa mo dito ha??” Pag sigaw ni Devon kay Sam.Tila nag iba agad ang mood ng dalaga ng Makita ang binata.
“Woah woah!Easy lang Devs,mahina kalaban mo!” Pag papa kalma ni Robi kay Devon.
“Miss..” Bangit ni Sam. “Este..uhm Devon right?Sorry na!Di ko naman sinsadya eh.” Pagkamot ni Sam sa ulo nya.
“Kahit na!Ayoko parin sayo noh!” Pag pamewang ni Devon ng biglang…
……………..
“Miss Devon Seron at Sam Concepcion!” Sigaw ng isang matining na boses ng titser nila.
Para naman nakuryente si Devon at agad binaba ang kamay na parang mabait na bata.
“Ay ma’am ano po un?”Tanong ni Devon.
“In my office,NOW!”Sigaw ng guro nila at nagulat naman ang dalawa ngunit sumunod nalamang.
“Devon,ano itong kumakalat sa school na naka-away mo daw ang bagong studyante dito sa school natin na si Sam?” May sternong tanong ng kanilang guro.
Napa batok naman si Devon sa sarili ng marinig nya ito.
“Ah Ma’am kasi po..kasi..uhhh..” walang maisagot si Devon sa guro nila.
Sa kabilang banda naman,hindi maka paniwala si Sam na ang angas angas na babae kanina ay titino ng ganito ng ang guro na nila ang kaharap.Pinipilit nitong hindi tumawa.
“Uhm Ma’am ako po kasi may kasalanan.Hindi po ako tumitingin sa dinadaanan ko kaya nabungo ko po si Devon at natapunan ko po sya ng kape.” Tinulungan na ng binata ang dalaga sa pag sagot.
“Kahit na Sam!Wala parin karapatan si Devon na gumawa ng skandalo sa school!”Pag diin ng guro nila. “Ikaw naman Devon!Ilang beses ka na napapatawag sa Principal’s office pero hindi ka parin tumitino!Ka babae mong tao ganyan ka umasal!” Pag ssermon nmn nag guro nila kay Devon.
“Sorry po Mam.” Naka simangot na sagot ng dalaga.
“To make it up for your misbehaving gusto ko ikaw ang maging kaibigan ni Sam sa school na ito!Ikaw ang tumulong sakanya na masanay dito sa school!Show him how great this school is.Malinaw ba yon?” Pag tanong ng guro.
“Pero Mam!” Pag tutol naman ni Devon.
“Walang pero pero Ms. Seron.Now get to your class!” Pag taas ng boses ng guro nila at lumabas na ang dalawa.
*
“Pano ba yan?Mukhang lagi tayong magkakasama?” Pang aasar ni Sam sa dalaga.
“Manahimik ka nga!Baka saktan kita dyan eh!” Pag sigaw muli ni Devon sa binata.
“Haha!Joke lang ito naman!Tara na nga i-tour mo na ako!” Pag yaya ni Sam.
“Ah joke pala ah?” Maangas na tanong ni Devon at handa ng suntukin si Sam.
Pag suntok nito ay naka iwas ang binata at na out of balance si Devon.Buti nalang at mabilis ang reflex ni Sam at nasalo nya ito.Nag kalapit ang kanilang mga mukha.
Sa ganitong pusisyon nakita ni Quen ang dalawa.
“Uhm beh,ube ice cream mo nga pala.” Pinipigilan na tumawa ni Quen.
CUTE story! I want MOOOOREEEEEE.... Update pa po kau PLEASE! :) Ang kulit lang ni lr at lj!
ReplyDelete