Napatingin si Sam kay Quen habang hawak parin si Devon ng biglang..
*PAK!* isang malakas na suntok ang binigay ni Devon sa binata sa mukha.
"Akala mo makaka-iwas ka noh!" Sinabi ni Devon kay Sam ng matapang.
"AH!" Pag rereklamo ni Sam habang hawak ang nasuntok na parte sa gilid ng kanyang mga labi. "AH!" reklamo ulit nito ng mas maramdaman ang sakit.
"Devown!"Sigaw ni Quen at lumapit na sa dalawa. "Bakit mo ginawa yon?!" Tanong ni Quen sa dalaga.
"Eh BV yang taong yan eh!Sinabi ng layuan ako ayaw makinig!Langya!" Maangas na sagot ni Devon.
"Okay ka lang pare?"Tanong ni Quen kay Sam.
"Okay lang pre..mukhang kailangan ko narin naman masanay." pang aasar na ngiti nmn ang binigay ni Sam kay Devon ngunit ramdam parin nito ang sakit. "Grabe ka rin eh noh?saan ka natuto sumuntok ng ganon?" Tila namangha pa si Sam sa dalaga.
"Wag mo ako kausapin,sasaktan ulit kita." nagtitimping sagot ni Devon.
"Pasensya na pare ah..masanay ka na nga lang tlga dito sa babaeng to.Ganyan tlga sya eh." Pag kamot nmn ng ulo ni Quen.
"HOY QUEN!WAG MO AKONG MATAWAG TAWAG NA BABAE AH!" Sigaw ni Devon kay Quen at tinapakan ang paa nito at tuluyan ng nag dabog paalis.
"AH!" reklamo ni Quen at naiwan na ang dalawang lalake na bugbug sarado kay Devon.
****
-Kinabukasan sa klase ng barkada-
Pumasok si Devon ng silid-aralan at nadatnan ang mga kaibigan nag uusap sa isang sulok at lumapit nmn ito.
"Mga pre nakita nyo ba si Quen?Late ba sya?" tanong nito sa mga kaibigan.
"Ay..oo nga noh?!Asan na nga pala yon?" Bigla naman napansin narin ni Fretzie.
"Tinawagan mo na ba?" Tanong ni Coleen.
"Kanina ko pa tinatawagan..hindi sumasagot eh." bangit ni Devon.
"Baka nmn namaga na ung paa sa pag tapak mo.Gawa ka ata sa metal eh." mahina nmn sagot ni Sam ngunit narinig ito ni Devon.
"May sinasabi ka mokong?" mataray na tanong ni Devon kay Sam.
"Ah wala.Sabi ko Goodmorning..ang gwapo ko ngayon dahil sa pasa na binigay mo." mapanuya na sagot ni Sam.
"Buti nga sayo!" Pag belat ni Devon sa binata.
"Uuuuuuyyyy!" Pang aasar nmn nila Fretzie,Coleen at Robi.
"Manahimek nga kayo!" binigyan ni Devon ng masasamang tingin ang kasama ng biglang dumating ang guro nila.
"Good Morning class.." Pag bati nito sa klase.
"Good Morning Ms. Cantos" sabay sabay na bati ng mga estudyante.
"Ngayon..katulad ng nakaraang taon gagawa ulit tayo ng proyekto..Tungkol nmn ito sa mga hayop.Kailngan gumawa kayo ng talaan ng mga epekto ng hayop sa ibat ibang lugar..lahat kayo ay makaka-kuha ng isang...kuting!" Pag papaliwanag ng guro at tila nag ingay nmn ang mga estudyante sa tuwa.
"Ngayon ibibigay ko na ang mga partners.." at kinuha ng guro ang papel kung saan nandun ang mga pangalan ng estudyante.
"Coleen at Robi..Mark at Pamu..Ryan at Ken..Fretzie and Daniel.... .... ... "
"Devon at Quen-" pag basa ng guro.
"Ah ma'm!Wala po ngayon si Quen dito eh,," pag papaliwanag ni Devon.
"Ah oo nga pala..thanks for reminding me Devon..pero Quen wont be joining this class any longer.I moved him to 4A class dahil sa sadyang talino nya..he deserves to be in that class." Pag papaliawang ng guro.
"Ho?" gulat ng lahat. lalong lalo na si Devon.
"Now Devon..si Sam na ang partner mo.." Utos ng guro nila.
"Kapag minamalas ka nga naman!!!!Utang na Loob!!!!!!!" nag wawalang lumapit na si Devon kay Sam.
"Tadhana nga nmn.." Napa iling nalang si Sam at ngumiti..
No comments:
Post a Comment